Pinagpalit☪️

1 1 0
                                    

Pinagpalit

'Unang araw palang nung klase nun, hindi ko alam kung saan
Ang pasikot sikot ng skwelahan, kaya naman maling silid yung napasokan ko, pero sa pagkakataon na ito parang alam mo yun na sana araw araw maligaw ako.

Sana araw araw maligaw ako at matagpuan kita, kahit nakakahiya ok lang yun basta makita ka. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko, siguro love at first sight? corny man pakinggan pero yun ata talaga ang naramdaman ko sayo.

Lumipas ang mga oras, araw at buwan, hindi ko talaga aakalaing magiging ganito tayo kaclose, yung tipong close na close, kahit walang label ok lang, kahit kaibigan lang kita ok lang basta mapalapit sayo.
Hanggang sa hindi ko inaasahan.

Umamin ka sakin na may gusto ka sakin nung unang araw palang na magkita tayo, hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko nung time na yun, basta ang alam ko, sobrang saya ko, sa subrang saya ko nga gusto ko ng magparty eh.

Yun nanligaw ka ng ilang buwan, na agad ko namang sinagut, ang saya natin sobra, pero wala talagang permanente sa mundo noh?Kasi narinig ko mismo jan sa bibig mo na, ginamit mo lang pala ako, para mapalapit sa totoo mong mahal, yun ay ang bestfriend ko.

Anong magagawa ko? Mutual feelings kayo eh, kahit subrang sakit ok lang, kahit hindi ko kaya, ok lang, kahit alam kong magisa na lang ako, ok lang, basta makita kitang masaya ok lang.

Mahal kita, pero kailangan na kitang bitawan, hindi ka naman sakin masaya eh, anong magagawa ko kung mas mahal mo sya, anong magagawa ko kung mas masaya ka sa kanya, makita lang kita na masaya ok na ako dun,
Kahit alam kung pinagpalit mo ako sa mismong bestfriend ko.

End....

SPOKEN POETRY 1.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon