Kaibigan
'8 letters, 3 words?143?means I LOVE YOU, Mahal kita kahit walang kasiguraduhan kung mamahalin mo rin ba ako, kasi alam ko naman in the first place, wala naman talaga akong pagasa.
Pano ko yun nasabi?dahil kita naman dyan sa mga mata mo kung pano mo sya tignan, ganyan daw kasi ang tingin ng Inlove eh, at ganun din ang tingin ko sayo, yung tingin na sya lang ang nakikita mo, yung parang nageslowmo ang lahat.
6 letters, 2 words?means MOVE ON, paano pa ako makakamove on kung makita lang kita bumabalik lahat lahat ng masasayang oras na nakasama kita, Kahit nasasaktan at nahihirapan ako, Nahuhulog parin ako sayo ng paulit ulit, kahit hindi mo ako sinasalo.
Kaibigan?Yan ang napakasakit na salita na narinig ko sayo, Alam mo ba yun?habang sinasabi mo ang mga katagang na magkaibigan lang tayo, para akong tinatarak ng libong libong kutsilyo sa puso.
Ang sakit sobrang sakit na para akong pinapatay minuminuto. Kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sakin?kaibigan lang ba talaga ang papel ko sa buhay mo?mamahalin naman kita eh, andito naman ako na naghihintay, habang hinihintay mo sya.
Kung ano ang nararamdaman mo sa kanya, ganun din ang nararamdaman ko, pwedeng tumingin ka rin sakin?hindi yung nakatingin ka lang sa kanya, habang may kasama syang iba?pwede bang akin ka na lang?pwede ba kitang ipagdamot?
Mahal kita, pero tama na!!nasasaktan mo nako, Pero sana habang hindi pa ako sumusuko, sana mahalin mo rin ako, dahil sa oras na sumuko ako, wala ng matitira sayo, iiwan rin kita, dahil sa twing nakikita bumabalik lahat lahat sakin...
End....?
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY 1.1
PoesiaThis is a Short spoken Poetry, that's why Spoken Poetry 1.1 is the Title, hope you read this.........