E L E V E N • "Her Pov"

7 0 0
                                    

Mabilis kong minaneho yung sasakyan dahil galit na galit na galit ako. Sana pala hindi ko na lang siya nakilala at hindi ako naging interesado sa kanya. Sobra mo kong sinaktan, Nate. Wala naman akong ibang ginawa kundi mahalin ka, hindi pa ba sapat yung pagmamahal ko? o baka hindi mo naman talaga ako minahal? hindi ko na alam iisipin ko ngayong araw pero I guess I made the right decision. Tama lang na maghiwalay na tayo dahil ayokong matali sa lalaking katulad mo. Pinaniwala mo akong mahal mo ko pero ginagago mo lang pala ako.

Kinapa ko yung phone ko ngunit wala ito sa bulsa at bag ko, fvck! saan ko naiwanan ang phone ko? nagmaneho na lang ako papuntang airport na may matang mugtong mugto. Gusto kong bumalik sa bahay dahil alam kong si daddy lang yung taong hindi ako kayang lokohin. I'm glad to have a father like him.

Bumili agad ako ng plane ticket at naghintay dahil ngayong oras din ako mismo aalis. Ayoko sa lugar na 'to.

Maya-maya ay sumakay na ako sa eroplano pabalik kay daddy. Ayoko ng makita si Nate dahil pagnakikita ko siya, lahat ng kagaguhan niya lang ang naaalala ko.

"I fvcking hate you, Nate!" galit na bulong ko sa hangin dahil yun naman talaga ang totoo at nararamdaman ko ngayon.

<< A F T E R   O N E   H O U R   &   F O R T Y   M I N U T E S >>

Palanding na ngayon ang eroplano at si daddy pa rin ang iniisip ko dahil gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Gusto ko ngayon ng yakap at comfort ng isang ama.

"can I borrow your phone? may tatawagan lang po ako" sabi ko sa babae pagkababa ko.

"here miss" sabay abot niya sa akin.

"salamat po" sabi ko at dali-daling tinawagan si daddy.

Ring! Ring! Ring!

[ who's this? ] tanong niya agad.

Bumuhos ang luha ko ng marinig ko ang boses ni daddy.

[ d-dad, it's I-Iris and... nasa airport ako ngayon, can you pick me up? ] umiiyak kong sagot.

[ akala ko nakanila Nate ka? tsaka bakit ka umiiyak? may ginawa ba sayo si Nate? sabihin mo sakin, anak ] nag-aalalang tanong ni daddy.

[ I'll just tell you everything that happened when you're here na ] umiiyak ko pa din na sagot.

[ wait for me, my princess, I love you ] at agad pinatay ni daddy ang tawag.

"maraming salamat po" sabi ko at ibinalik sa babae yung phone niya.

Hinintay ko si daddy at wala pang 30 minutes ay nandito na siya. Tumakbo agad ako papalapit sa kanya at yinakap ko siya. Medyo nawala yung sakit at pagod ko ng mayakap ko si daddy.

"what happened, my princess? bakit ganyan ang mga mata mo? at bakit ibang number ang gamit mo kanina?" sunod-sunod at nag aalalang tanong ni daddy.

"hindi ko po tanda kung saan ko naiwanan yung phone ko and... and I need to rest po muna" nanghihina kong sagot kay daddy.

"okay, don't cry na, my princess, nandito na ako at wala ng makakapanakit pa sayo" at inalalayan ako ni daddy papasok sa kotse.

Humiga ako sa balikat ni daddy hanggang sa makatulog ako dahil sa sakit, pagod, at panghihina.

<< H O U R S   P A S S E D >>

Untitled Series #2 : UNREAD MESSAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon