Prologue

9.5K 221 3
                                    

"Norvin? Anak gising ka na! Malalate na tayo sa appointment ko. Ihahatid ko pa si Shino sa kanyang meeting!" mahinang tapik sa akin ni Daddy habang pinipilit ko paring magtulog tulogan. Tinatamad pa akong tumayo dahil sa marami akong tinapos na assignments nung nakaraang gabi. Ang hirap maging fourth year college at engineering pa ang kurso mo. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Daddy na inaayos ang camera niya.

"Dad? Ang aga aga pa oh? Mamayang ten pa ang klase ko." reklamo ko ng makita ko ang orasan. 7:30 palang ng umaga. Nakakainis. Pero hinayaan ko na. Tumayo na ako at nagtungo sa banyo.

"Norvin, hindi ka na bata para pagsabihin ng mga responsobilities mo. Malaki ka na. Tumatanda na rin kami ng Papa mo. We want you to be ready kung wala na kami." pangaral ni Daddy sakin. Habang naghihilamos ay tiningnan ko ang itsura ko sa salamin. Tama si Daddy, Im already 19 and hindi na ako dapat nagiging childish. Nasanay kasi ako sa pag.papamper at pag.aalaga sakin ni Papa Shino. I know it sound really wierd pero ever since, kahit kailan, hindi ko tinuring na abnormal ang pamilyang kinalakihan ko. Oo parehas lalaki ang magulang ko, pero ang pagmamahalan ni Daddy at Papa ay walang katulad. Sila ay iba sa lahat ng couples na nakilala ko. Matibay sila at nagawa nilang magsama ng ganito katagal.

"Dad? May itatanong lang ako sa inyo? Just answer me honestly dad." tanong ko kay Daddy nang lumabas ako ng banyo. Tumango naman siya bilang tugon.

"Si Papa po ba, may sakit?" tanong ko na nag.aalala.

Napatingin si Daddy sa akin. Alam kong alam din niya na may nangyayari kay Papa na hindi tama. Lately, naabutan ko siyang nanonood ng TV at nakakaamoy ako ng nasusunog na niluto. Marami narin siyang nakakalimutan.

"Wala anak. He is fine. Wag kang mag.alala. Nagpacheck up na kami. He is just having problem sleeping."

"Dad? You know he is not okay! Please dad. Alam ko nahihirapan ka rin but we need to see an specialist. Bago pa mawala lahat ng ala.ala ni Papa!" naiiyak na ako ng mga sandaling sinabi ko yun.

Tumalikod lang si Papa sakin at hinawi ang blinds ng bintana ng kwarto ko.

Naiiyak na si Daddy alam ko. Ayaw na ayaw niya kasing inoopen up ang tungkol sa nangyayari kay Papa Shino.

"Siya ang may ayaw anak. Gusto niya na hanggang maari maalala niya parin tayo pero ang sakit na yun ay wala pang gamot. Ngayon dementia palang ang meron siya pero kalaunan magiging Alzheimers na ang sakit na yun. Natatakot ako Norvin sa maaring mangyari sa Papa mo." saad ni Daddy na may halong pangamba.

At sa di inaasahan biglang may kumalabog sa baba. Nagkatinginan kami ni Daddy. Agad kaming bumaba at nabigla kami sa aming nakita. Walang malay si Papa sa sahig ng kusina. Nagluluto pala siya ng almusal namin.

"Shino!! Mahal ko!? Gumising ka!" sigaw ni Papa. Pero hindi umiimik si Papa. Tumulong akong gisingin si Papa pero hindi siya gumigising.

"Dad dalhin na natin siya sa ospital! He is not breathing!"

Agad namang binuhat ni Daddy si Papa at ako na ang nagbukas ng kotse at ng garahe para makalabas kami agad ng bahay.

Sobra ang kaba ko habang nagmamadali kaming masugod si Papa sa ospital. Paano kung mawala siya? Hindi ko alam ang gagawin. Mahal na mahal ko si Papa. Siya na ang tinuring kong Mama, Ate, Kapatid at kaibigan. Siya ay naging sandigan ko sa lahat ng pagkakataon. Sila ni Daddy. Pero kung mawawala si Papa. Hindi ko kakayanin.

At kapag nawala siya.. Paano na kami ni Daddy? Paano na lahat? Hindi ko na alam.

The Tattoo of His Love (BoyxBoy)(Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon