"So here is what I want you to do. Mag.aapply ka na model sa agency ng Daddy ko. And you will have to be very careful na hindi malaman doon na magkakilala tayo. Gusto ko na paibigin mo si Vina. Yung asawa ng Daddy ko. And when everything works out. Gusto ko na makikita mismo ni Daddy ang ginagawa niyong pagtataksil sa kanya." paglalahad ko kay Eli habang nagkaharap kami sa kanyang working table.
"Wooaah? Wait wait.. Ako mag.aapply na model and I will screw up your stepmother para magkasira sila ng Dad mo? Are you nuts? May pagkagago ako pero di ko yun gagawin. Salamat nalang." saad niya sakin na nakakunot ang noo. Siguro nga imposible ko rin siyang mapapayag.
"Ok.. Madali din naman akong kausap. Sige aalis na ako. Nice meeting you again Eli. Salamat sa tulong mo." sabi ko na walang expression. Gusto ko paring makita na magtatagumpay ako sa aking hamon sa kanya.
Malapit na ako sa pinto ng condo niya nang tawagin niya ulit ako. Napangiti naman ako.
"Kapag nagawa ko yun, you will be mine for as long as I need you, is that the deal you want from me?"
Humarap ako sa kanya at nagcross arms. Madali lang pala siyang makontrol. Di ko akalain ganito kalakas ang appeal ko.
"Yeah.. For as long as you need me. Basta magawa mo ang plano kong yun. I will give you everything." sabi ko sa kanya nang nakangiti.
"Deal." maikli niyang tugon na kinangiti ko pa lalo. Ngayon, lahat ay umaayon na sa akin.
"Bukas, magkita tayo sa office ko. At ito ang calling card ko. 5PM. At wag na wag kang magkakamaling magsuot ng ganyang klase ng damit. Be respectable looking."
At tumango nalang siya sa aking sinabi. Dapat muna naming iclear ang mga utak namin ngayon. Masiyado pa akong naaapektuhan sa ginawa niya sakin kanina lang.
"I will be there. Pag.usapan natin ang gusto mong mangyari." saad niya at nagpaalam na ako sa kanya.
"Wait? Where is it exactly? The office?" pahabol niyang tanong. Nilingon ko naman siya at itinuro ang calling card na nasa kamay niya.
"Engr. Norvin N. Diaz.. Collares-Diaz Engineering Firm." sabi niya na parang di makapaniwala.
"So you are an engineer? Shit!." sabi niya bigla na kinabigla ko rin.
"Why? Masama ba maging engineer?" tanong ko bigla sa kanya.
"No no.. Sige.. See you tomorrow Norvin."
Nawiwirdohan man ay umalis nalang ako sa kanyang condo unit. Napaisip ako kung paano ako uuwi ngayon na wala ang sasakyan ko. Di kasi ako sanay mag commute.
Sa laki na ng Manila ngayon, malulula ka na kung saan ka pupunta. Kung dati palubog na ang economy ng Pilipinas, ngayon, Philippines is number three in the world when it comes to software development and fine workers.. Trinitrain ang mga youngsters para pagdating nila ng tamang edad, pinapadala silang mga software makers at developers and at the same time all around works..
"Sir? San po tayo?" tanong ng taxi driver nang makasakay ako sa taxi niya.
"Ah sa Forbes Park po tayo Kuya.." saad ko naman. Bigla kong naisip dalawin si Papa Shino. Gusto ko siyang kausapin sa aking gagawin. Sana manlang kahit wala na siya bigyan niya ako ng sign na tama ang gagawin ko.
Nang marating ko ang puntod ni Papa ay nagulat ako. May isang tao na nandoon. Hindi ko siya kilala pero sa itsura nito ay kasing edad lang siya ni Papa. Nakatayo lang ito doon at may tungkod siyang dala. Naka suit siya at hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya doon samantalang wala akong kilala na ganun ang mukha na kaibigan ni Papa.
BINABASA MO ANG
The Tattoo of His Love (BoyxBoy)(Completed!)
RomanceNang mawala si Shino, unti unting napalayo si Norvin sa kanyang ama. Habang si Red ay nalunod sa kalungkutan ay naisipang mag.asawang muli. Ngunit ang mundo nila ay biglang nagbago sa pagdating ng nakaraan at pagsulpot ng mga bagong karakter sa bu...