Chapter 24: Choices

3.3K 117 1
                                    

Gael's Point of View

"This is getting too far Papa? Bakit ba di nalang natin hayaan na mabuhay sila ng tahimik?? Nadadamay na si Norvin sa mga ginagawa ninyo!" hiyaw ko kay Papa na kasalukuyang nakaupo sa sofa at nanonood ng TV sa salas ng Mansiyon nmin.

"Gael.. kung wala kang sasabihing maayos, wag mo akong kausapin. Hindi mo na mababago ang isip ko. Matagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito. Ang makitang nahihirapan si Red dahil sa kanilang anak. "

Di ko napigilan ang sarili ko at agad akong napasugod kay Papa at kwinelyuhan ko siya.. Dala ng sobrang galit ko sa kanya. Hindi ko makayang hindi magalit sa kanya sa ginagawa niya samin ni Kuya Eli.

"Mahal na mahal ka namin Papa!! Lahat ng ginawa ko, ginawa ko para maging masaya ka lang. Alam mo ba kung bakit ginagawa ko yun? Dahil nawala na si Mommy samin at ikaw nalang ang natitora naming magulang! Kahit lagimg sinasabi ni Kuya Eli na ikaw ang pumatay kay Mommy hindi ako naniniwala! Dahil mas pinaniniwalaan kita na isang araw magbabago karin!!"

Kinuyom ko ang mga kamay ko at akma ko na siyang susuntukin.

"Sige Gael, ituloy mo!! Matapang ka diba? Katulad ka rin ng Kuya Eli mo na nagpapakatanga sa taong kinamumuhian ko. Bakit siya pa ang napili niyong mahalin? Malaki na ang sugat na ginawa ng mga magulang ng Norvin na yun sa akin. Kaya nawala ang Mommy niyo dahil kay Shino at Red. Silang dalawa ang pumatay sa Mommy niyo. Hindi ko akalain na mas kakampihan niyo ang maga kaawag ko kesa sa akin na sarili niyong Ama!!"

Napatigil ako sa balak kong gawin. Hindi ko alam kung saan pa ako huhugot ng lakas para ipaglaban sa ama ko na itigil na niya ang kanyang kabaliwan.

"Ikaw at si Eli, pareho kayong mahina. Hindi niyo inisip na mas kailangan niyo akong kampihan dahil ako ang pinaasa at sinaktan noon. Nagawa kong pagtangkaan ang buhay nila dahil napakasakit ng ginawa nilang dalawa sakin. Pinaasa nila ako. Ginamit. Ako ang biktima Gael. Hindi sila!!" naiiyak na saad ni Papa. Ngayon ko lang siya nakitang naluluha. Agad kong inalis ang pagkakahigpit ng kwelyo niya sa kamay ko.

"Papa, nakaraan na po yun. Napagbayaran niyo na ang kasalanan ninyo. Kaya dapat mas pahalagahan niyo na po ang pamilya natin. Handa ko pong talikuran ang nararamdaman ko kay Norvin para lang mawala ang mga landas natin sa isat isa. Dahil hinding hindi ko kayang ipagpalit ang pamilya natin sa kahit na anong bagay. " mahinahon kong paliwanag sa kanya.

"Kailangan kong makaganti Gael!! Yun lang ang magpapatahimik sa akin. Kailangang mawala sila sa mundo. Silang lahat. Yun lang ang magpapasaya sakin Gael. Kaya huwag na huwag ka nang makikialam." singhal ni Papa bago siya nagtungo sa hagdan at inakyat ang secons floor ng Mansiyon.

Naiwan akong tulala parin at iniisip ko kung ano na ang mangyayari sa mga buhay namin. Mahal na mahal ko si Norvin at kailangan ko siyang iligtas mula sa kapahamakan.

"Kahit anong gawin natin, hindi siya makikinig. Hindi niya kayang kalimutan ang nakaraan. Hindi niya kayang magpatawad. Kaya nga hindi ko alam kung bakit siya pa ang naging ama natin. If only I had choices, hinding hindi ko siya pipiliin. Dahil napakamakasarili ni Papa."

Biglang sulpot ni Eli sa hallway. We agreed to help Papa. Sinet up nga namin si Norvin para mapunta siya dito sa Mansiyon pero deep inside, alam namin pareho na hindi yun ang gusto naming gawin.

"Kaya dapat nating itakas si Norvin. Kailangan niyang makawala dito. He dont deserve to be in this kind of situation."

"Pero paano Kuya? Si Papa. Alam natin kung anong kayang gawin ni Papa. Hindi ko nga siya magawang kausapin ng maayos, walang nangyayari."

Nagkatinginan nalang kami sa mata ni Kuya Eli. Parehas naming mahal si Norvin. Mahal na mahal ko si Norvin. Pero hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng nararamdaman ko kung ganito ang nangyayari.

"Alam kong mahal mo rin si Norvin. Pero mahal ko rin siya. Kung alam mo lang kung gaano ako nahihirapan na wala akong magawa para maipaliwanag sa kanya ang mga nangyayari. Hindi ko na alam ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Malamang iniisip niya na ipinahamak ko lang siya. Totoo naman lahat dahil umayon lang ako kay Papa. I dont want him to get hurt pati na ang Daddy niya."

"Hindi ko rin alam kung ano ang iniisip niya tungkol satin Kuya. Pero one thing is sure right now, may gagawin si Papa na hindi natin iniexpect. He has done a lot of bad things just to avenge his past."

Nagpasinghap nalang ako ng malalim. This is not going to the right path I was wishing it will be. Looking back for the past years mula ng makilala ko si Norvin, those days were the happiest days of my life. Noong nakilala ko ang pamilya niya. I know how loving his parents were. Mahal na mahal siya ng Papa at Daddy niya that makes him so special. Hindi siya kinulang sa pagmamahal. That's why he deserve more than these things na nangyayari sa kanya.

At biglang bumukas ang pinto sa Hallway. May apat na tao ang pumasok. At nagulat ako sa nakita ko. It was Tito Red and Tito Shino?

Nagkatinginan kami ni Kuya. He knows something by the look in his eyes. This is insane... So yung lalaking kasama ni Papa lagi noon pa man na hindi ko nakikilala ay si Tito Shino? Pero teka, namatay na si Tito Shino diba!? He was dead two years ago? Paanong nangyari na buhay siya at magkasama sila ni Tito Red.

"O nandiyan pala kayo Sir Eli, Sir Gael.. Matutuwa ang Papa niyo sa sorpresa namin. Ang kanyang mga kaaway nahuli namin." sabay tawa ng dalawang tauhan ni Papa.

"Gael?? So you mean anak ka rin ni Jonathan? Magkakasabwat kayo lahat? "gulat at galit na tanong ni Tito Red sakin.

"Look Tito. Magpapaliwanag po ako. This is not---" biglang naputol ang pagsasalita ko dahil nakita kong pababa na mula sa second floor si Papa. This is not happening.

"Well, everything has gone according to plan. Napakagaling talaga ng ginawa ko. Sa wakas may maganda palabas na akong matutunghayan mamayang gabi. Its so nice to see the two of my biggest nightmares in flesh. Hahaha!!"

Nakalisik ang mata ni Tito Red kay Papa habang pinipigilan ni Tito Shino ang kanyang damdamin. Alam kong nagagalit din siya pero sa pagkakataon na yun, wala din naman akong ibang magagawa. This is very painful. Alam ko kung gaano nila kamahal ang isat isa. Ngayon nalaman na nila kung sino ako, magbabago ang tingin nila sakin. Napakagulo ng sitwasyon. This is too much for me to take.

"Ilabas mo ang anak namin Jonathan!! Hindi ka pa ba napapagod sa paghihiganti mo samin? Ikaw ang gumagawa ng kasalanan mo sa sarili mo pero bakit samin mo sinisisi? Ako at si Red ang nagmamahalan noon pa alam mo yun. Hinding hindi kita kayang mahalin."

Natawa lang si Papa sa sinabi ni Tito Shino sa kanya. Lalo lang nadagdagan ang galit ko sa sarili kong ama. He truly is a devil.

"Pero Shino? Dalawang taon karin nagpanggap na si Edward. Alam ba ni Red kung ano ang mga ginawa natin. Kung malalaman niya lang, mamahalin ka pa kaya niya?" sabay tawa ni Papa. Malakas na tawa na ikinagalit lalo ni Tito Red.

"Hayop ka talaga Jonathan!! Ano pa bang gusto mong mangyari? Wala ka talagang alam kundi hayupin ang mga taong walang ginagawang mali sayo."

"Kapag nawala kayong dalawa sa mundo Red. Magiging masaya na ako. Pero di ko mamadaliin. Hahayaan ko ang anak niyong dalawa ang magdesisyon kung sino ang mauunang mawala sa mundo. Ipasok niyo na yan sa basement mga bata.. Ihahanda ko lang ang playground para mamaya."

Nakakatakot ang mga tawa ni Papa ng sabihin niya ang mga salitang yun. Hindi ko mapigilang matakot. Si Kuya Eli ay parang naging bato din. Parehas naming hindi alam kung ano ang mangyayari. Nagkatitigan nalang kami at hinintay na makaisip ng paraan para matapos na ang lahat.

Tuluyan namang naglaho sa paningin ko si Tito Shino at si Tito Red. This will be a nightmare.


--to be continued


The Tattoo of His Love (BoyxBoy)(Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon