Chapter 26: Never Give Up

3.2K 118 3
                                    

  Sumunod nalang ako sa gustong mangyari ni Jonathan. Sinundan ko siya palabas ng main door ng Mansion at sumalubong sakin ang isang madilim na paligid.. Parang tinabunan ang buong mansion ng isang itim na tela na di mo makikita ang labas.. Biglang sumindi ang ilaw at nakita ko kaagad si Papa Shino at Si Daddy na nakatali sa magkaibang upuan..

Walang galos sa kanilang katawan pero wala silang malay na lalo kong kinagalit.

Agad kong tinakbo ang kinaroroonan ni Papa Shino at ni Daddy. Sobra akong nagagalit sa nangyayari sa pamilya namin..

Anong ginawa mo sa kanila? Hayop ka talaga!!" galit kong bulyaw kay Jonathan na nakatayo sa aking harapan. At biglang lumabas si Gael at Eli sa likuran ni Jonathan.

Lalo lang akong nanlumo. Para kaming mga puppet na pinaglalaruan sa kamay ng isang baliw na tao.

"Napakaganda niyong tingnan Norvin. Ang Daddy mo na noon paman ay mangagamit na at mahilig manlamang ng tao at ang Papa Shino mo na nageenjoy na pinapaasa niya ang mga taong totoong nagmamahal sa kanya. At ikaw, ikaw na pinaghalo ang ugali ng mga magulang.. Pati mga anak ko ginagamit mo para sa sarili mo. Dapat sa inyo ay mawala sa mundo!!" galit na hiyaw sakin ni Jonathan. Napakalalim ng boses niya na nakakapanindig balahibo.

"Papa! Hayaan mo na si Norvin at ang pamilya niya.. Papa!! We can all talk this out?! Papa masiyado nang matagal ang nangyari na yun.. Magsimula tayong lahat muli." pagpigil naman ni Gael sa kanyang Ama.. Para akong nasa loob ng isang pelikula.

Lahat ng nangyayari sakin ay parang isang magulong plot.. Kung paano ako makakawala ng ligtas kasama ang mga magulang ko, hindi ko alam. Dahil ang tanging nasa isip ko nalamang ay wala akong kawala sa sitwasyong ito.

"Tama na Gael.. Manood ka nalang sa gagawin ko.. Dahil kung susuwayin mo ako,  baka makalimutan ko na anak kita!!"

Tiningnan ko si Papa at si Daddy, nakikita ko ang mga dinanas na nila noon na nangyayari nanaman ngayon. Doble na ang hirap nila dahil sa hayop na Jonathan na yun.. Minsan nang nanganib ang buhay nila kaya dapat lang na gumawa na ako ng sakripisyo. Iyon nalang ang naiisip ko para makawala kaming lahat sa sitwasyon na 'to..

Bago ako bumaba ay pinindot ko na ang emergency button ng phone ko na nagproprompt sa mga authorities na nasa panganib ako.. I opened my GPS and waited for the confirmation.. I had planned this for this moment.. Napag isipan ko na lahat.. Kung ano man ang mangyari sa akin, ang mahalaga ay nakasama ko na ulit ang pamilya ko.. Nakasama kong muli si Papa Shino at si Daddy. Nahalikan ko sa huling pagkakataon si Eli, ang taong minamahal ko..

"Ngayon Norvin.. Maglalaro tayo.. Mamimili ka kung sino ang una kong babarilin sa iyong mga magulang.. Si Shino ba o si Red? I will give you a few minutes to decide.. Dahil kung sino ang matitira sa kanila, papatayin ko rin naman.. Hahahahaha!! Sige Norvin.. Choose wisely!!"

Naluluha akong tumitig sa kanya.. Puno ng kasamaan ang mga mata ni Jonathan.. Napakawalang puso niya.. Hindi ko maintindihan kung bakit niya kami pinapahirapan.

"Wala akong dapat piliing hayop ka!!  Ikaw ang dapat mamatay!! Ikaw ang dapat mawala sa mundo!!"

At walang kaabog abog ko siyang sinugod.. Nakakuyom na ang mga kamao ko at malapit ko na siyang masuntok.. Napakabilis ng nangyari..

Bigla ko nalang narinig ang isang malakas na putok.. At may kung anong sobrang sakit na tumama sa tagiliran ko.. Biglang umikot ang paningin ko at naramdaman ko ang unti untimg pagdaloy ng dugo mula sa tagiliran ko. Natamaan ako at hindi ko na alam kung ano pa ang sumunod na mga nangyari.

  -------------------------oOoOo------------------------

Puting ilaw ang nakikita ko mula sa kinalalagyan ko. Nakahiga ako at napapalibutan ako ng mga nakaputing tao.

The Tattoo of His Love (BoyxBoy)(Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon