Mabilis ang pagpapatakbo ni Daddy sa kanyang Cedan. Hindi parin ako makakibo o makaimik dahil sa mga nangyayari. Buong akala ko walang kinalaman si Eli. Wala siyang alam sa buhay ko pero noon palang pala kilala na niya ako."Narinig ko ang usapan nila ni Vina the day before the fashion show. They were talking about you and me. They were laughing and they were happy that there plans were coming true. Noon paman, bago ko pa pakasalan si Vina ay may alam na ako sa kanya. She was an escort to a wealthy businessman before siya pumasok sa Horizon. Wala kaming naging sekretong relasyon. Lahat nang alam mo ay puro kasinungalingan. Dahil simula palang, kalaban na namin lahat ni Shino ang nakapalibot sa buhay natin."
Di ko maintindihan ang mga sinasabi ni Daddy. Wala akong mapagtanto dahil ang nasa isip ko lang ay may hindi pa ako nalalaman. At kailangan ko malaman yun. Hindi na ako pwedeng manahimik nalang
"Dad.. Gusto kong makilala si Jonathan Saavedra. At kung siya man ay ang ama ni Eli. Dapat ko yung malaman mismo sa kanya." saad ko kay Daddy. Napatingin siya sakin habang pinipilit niyang magmaneho nang matulin.
"Are you insane Norvin? Ipapahamak mo ba ang sarili mo sa taong yun? Siya ang dahilan ng kamuntikan na naming pagkamatay ni Shino noon? At ngayon ikaw makikipagkita sa kanya? Hinding hindi ko yun mapapayagan Norvin."
"Dad? Paano nga kung may dahilan lahat. Paano kung hindi paghihiganti ang gusto niya? Paano kung wala talagang alam si Eli. Dad, wala kasi akong mapaniwalaan. Pakiusap lang Daddy!! Kailangan ko siyang makita at makausap."
Hindi na ako nilingon ni Daddy at patuloy lang siyang nagmaneho. Sa isang iglap ibang pakiramdam nanaman ang nangibabaw sa akin. Frustration at anger. Galit ako sa mga nalalaman ko at nafrufrustrate ako dahil wala manlang akong nagagawa para malaman ang katotohanan.
"Wala akong alam sa kung nasaan na si Jonathan Saavedra. Dahil matagal na siyang nakalaya sa kulungan. Maaaring nag.babantay lang siya sa ating dalawa. At malamang may plano na siyang patayin ako."
"Hindi mangyayari ang iniisip mo Dad. Ako na mismo ang aalam sa katotohanan. Di ako naniniwala sayo Dad, patawad kung ganito ang sinasabi ko. Pero Dad, kailangan kong malaman lahat. Kaya sana hayaan mo na ako."
------------------------------------------------------
Ilang araw narin ang nakalipas mula nang mangyari ang gulo sa fashion show. Balita sa lahat ng pahayagan at tv ang ginawa ni Daddy sa fashion show na iyon. Hindi ko nakikita si Eli dahil nandito ako ngayon sa Cass. Ang resort ni Papa Shino. Siguro ito muna ang kailangan ko para mawala lahat ng problema ko. Ang mga iniisip ko. Nasa pinakamahal akong accomodation sa hotel ng resort since ako naman talaga ang may ari nito. Nalaman ko na itong resort na ito ang pinakaunang naging daan para magkahulugan ng loob si Papa at Daddy. Napakaganda ng dagat. malinaw, banayad at ang mga mumunting isla na natatanaw ko mula dito sa terrace ng aking kwarto.
Biglang may kumatok sa pinto. Napakaluwag at maaliwalas ng ambiance ng kwarto kaya kahit papaano ay narerelax ako. Moderno ang design dahil techno revolution narin naman sa panahon ngayon.
Pagbukas ko ng pintuan ay nagulat ako sa naghihintay na pagbuksan ko. Si Gael. Nakatingin lang siya sakin ng deritso at walang emosyon.
Hinayaan ko siyang pumasok at wala akong ni isang imik na nailabas sa bibig ko. Siguro sa kanya ko dapat simulan lahat. Dahil kung kapatid siya ni Eli, malamang tatay niya ang Jonathan Saavedra na yun.
"Norvin.. Sorry if I came here without---"
"Sabihin mo sakin ang totoo.. Kasabwat karin ba ni Eli? Tatay mo ba si Jonathan Saavedra?" pagputol ko sa sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
The Tattoo of His Love (BoyxBoy)(Completed!)
RomanceNang mawala si Shino, unti unting napalayo si Norvin sa kanyang ama. Habang si Red ay nalunod sa kalungkutan ay naisipang mag.asawang muli. Ngunit ang mundo nila ay biglang nagbago sa pagdating ng nakaraan at pagsulpot ng mga bagong karakter sa bu...