Chapter 17: Unexplained

3.6K 138 2
                                    

Elijah's Point of View

Flashback:

"Sige Earl.. I have to go now. Tapos narin naman ang photoshoot ko for the folio. May pupuntahan pa ako." paalam ko kay Earl, isa sa mga naging kaibigan ko sa aking pagtraitrain bilang model. Naging madali naman lahat para sa akin. Nakayanan ko hanggang matapos ang training. It was a worthwhile experience. Dahil sa plano ni Norvin ay wala narin naman akong nagaea kundi sundin siya. Ganun ko siya kagustong makuha.

I was about to start the engine of my car nag tumunog ang aking phone. Nasa parking area na ako ng modeling school ko nang mga sandaling yun. It was an unknown number kaya hindi ko na muna sinagot. Tumunog ulit ang phone ko and this time sinagot ko na yun.

"Hello? Who is this?" tanong ko sa kung sino man ang kausap ko.

"Elijah, Its me. Mag.usap tayo ngayon kung pwede."

Nagulat ako. Si Papa ang tumatawag sa akin. After a few years na di ko siya narinig, parang bigla akong nangulila sa kanya. Somehow deep in me, may pagmamahal pa ako para kay Papa kahit maraming sakit ang pinadama niya kay Mommy noon. Napagdesisyonan kong kailangan ko na talaga siyang makita at makausap.

"Alright Pa.. Tell me kung saan and I'll be on my way."

At dinala ko ang aking motor sa isang sikat na restaurant. Alam kong maraming pera si Papa dahil isa siyang businessman at yun ang hindi ko maintindihan, after all this years bakit di parin kami nagiging buo.

I was entertained by a waiter and told me the way papunta sa reservation ni Papa. At nang dumating na ako dun, nagulat ako sa aking nakita. Si Papa ay may kasamang babaeng familiar sa akin. It cant be. Anong ginagawa ng taong yun sa tabi ni Papa.

"I'm glad na pumayag kang makausap ako. I am here to personally apologize for everything. And by the way anak meet Edward, my new partner and this girl on my left is Vina Gaston." pagpapakilala niya sa dalawang taong katabi niya. Tama ako sa nakikita ko si Vina Gaston nga ang katabi niya, ang asawa ngayon ng Daddy ni Norvin. And what mostly shocked me is the man called Edward dahil kahawig na kahawig niya yung model na nasa portraits doon sa Modeling School ko pero how could that happen?

"Pa? What is this all about?? Bakit mo kasama ang mga taong yan?" nagtatakang tanong ko kay Papa. Nakangiti siya sakin at may naaamoy na akong hindi maganda.

"Anak, this is the moment na dapat matagal ko nang ginawa. Ngayon lang ako nakapag isip. Kailangan ko nang tapusin ang lahat. Kailangang mawala sa landas ko ang Red Diaz na yun. Ang mga paghihirap ko sa kulungan ay ibabalik ko sa kanya." sabi ni Papa na may halong ngiti at galit sa bawat pagbigkas niya ng mga salitang yun.

"This is not a matter that I am involved. And Papa? Please.. that was a long time ago, dapat mag move on na tayong lahat. Marami akong katanungan Papa pero mas pinipili kong hindi na pakialaman pa ang mga bagay na yun dahil nakaraan na yun."

"Elijah, hindi mo naiintindihan ang Papa mo, kasama ko siya mula noong makalabas siya sa kulungan, he was devastated knowing na wala na kayong pamilya niya. Hindi niya ginusto ang mga nangyari sa kanya. Nagmahal lang siya noon kaya nagawa niya ang bagay na iyon." saad naman ni Vina na parang alam na alam niya lahat ng nangyari kay Papa.

"Elijah, para nalang sa Papa mo, para sa pamilya niyo, kailangan mo siyamg pakinggan. Marami kang dapat malaman tungkol sa Redentor Diaz na yun." sabi naman ng Edward na kamukhang kamukha nga ni Shino Negro.

"Papa, bakit kamukha siya ni Shino Negro? Ano ba talagang kinalaman natin kay Shino Negro? Sino ba siya sa buhay mo? Siya ba ang sinasabi ni Mommy noon?" sunod sunod kong tanong kay Papa, para maliwanagan narin ako.

"Si Shino ang tanging taong nagpakita sakin ng tunay na kasiyahan noon. Magulo ang relasyon namin ng Mommy mo dahil narin sa trabaho ko noon. Model ako at hindi nita iyon gusto. Madalas kaming magtalo at naisipan kong ibaling sa iba ang atensiyon ko. At dumating na nga si Shino sa buhay ko. Pinasaya niya ako kahit saglit ko palang siyang nakikilala. And then nagkatagpo ang mga landas naming tatlo ni Red. Ang taong ginawa ang lahat mawala lang ako sa industriya ng pag momodelo."

Napalukot nalang ang aking noo sa mga naririnig ko kay Papa. Ibig sabihin, si Red, na Daddy ni Norvin, ay nakarelasyon ang Shino Jung Negro na yun. And it only means na yun ang Papa ni Norvin. Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat?

"I tried to win Shino pero palaging nasa eksena si Red kaya ginawa ko ang lahat para hindi na sila muling magkita. Pero talagang gusto nila ang isat isa kaya nagawa ko silang pagtangkaang patayin. Pero sa huli, sila parin ang nagkatuluyan. Hanggang sa nakalaya ako mula sa kulungan, hindi ako tumigil na manmanan sila."

Gusto ko na sanang umalis pero pinigilan ako ni Papa. Alam kong may gusto siyang gawin ko pero hindi ako papayag.

"Alam kong gusto mo ang anak ni Red. Kilala kita Elijah. Ang gusto mo, gusto mong makuha kahit anong mangyari. Kaya dapat kang makinig sa gusto kong mangyari."

"Huwag na huwag mong idadamay si Norvin dito Papa!! Matagal na panahon na yun. Matanda ka na para magkaron ng mga ganyang hinanakit. Lets just move on! At kahit anong gawin mo, hinding hindi ako papayag na masaktan mo si Norvin o kahit sino sa mag.ama.." galit kong singhal kay Papa na kinagulat nilang tatlo. Napatayo si Papa sa kanyang inuupuan at tinampal niya ako ng malakas. Hindi ko alam pero mas lalo lang akong nagalit sa kanya. Hindi siya dapat ang naging ama ko. Wala siyang ibang iniisip kundi ang sarili niya.

"Si Vina ang bahala kay Red. Ikaw ang bahala kay Norvin. Dapat silang magkagalit at hindi na muling magkausap. Kapag nagkagalit na sila, walang ibang iisipin si Red kundi ang paglayuin kayo ni Norvin. Mas maganda yun para sa akin. Dahil alam kong lalapit sa akin si Norvin para malaman niya lahat ng katotohanan. And thats the time na pagsisisihan ni Red ang lahat." may ngiti sa labi ni Papa nang sabihin niya ang mga salitang yun.

Di ko na napigilan at umalis na ako sa kanilang harapan. Di ako papayag sa kanilang kagustuhan.

"Kapag hindi ka pumayag Elijah.. Hindi ko maipapangako ang kaligtasan ng minamahal mo."

Napatigil ako sa kanyang sinabi. Kapag nagbitaw si Papa ng salita, ginagawa niya yun. Pero hindi ajo magpapatalo sa kanya. Hinding hindi ko hahayaan si Papa sa gusto niyang mangyari, kailangan kong protektahan si Norvin kahit anong mangyari.

Tuluyan na akong umalis sa lugar na iyon at inisip ko kung paano ko magagawang ipaglaban si Norvin sa harap ng mga problema sa pagitan ng aming mga Ama. At ang Shino Jung na yun, siya lahat ang dahilan ng ito. Hindi ko siya magawang sisihin pero nagagalit ako dahil sa kanyang nagawa sa Papa ko at sa Daddy ni Norvin. At ngayon, para siyang nabuhay ulit sa katauhan ng Edward na iyon. Hindi ko na alam ang susunod pang mga mangyayari. Sana walang mangyaring hindi maganda. Dahil hindi ko makakayang mawala sa akin nang tuluyan si Norvin..

------------------------------------------------

"Hindi ka pwedeng magkamali Elijah. Kapag nalaman ni Red na kasabwat ko ang Papa mo, tingin mo ako lang ang mapapahamak. Ikaw din at ang relasyon mo kay Norvin."

Magkaharap kami sa rooftop ni Vina sa mga oras na iyon. Matapos akong makapasok sa Horizon ay hindi na talaga napigilang hindi ko siya manmanan. Malaki ang galit sa kanya ni Norvin dahil sa pagpapakasal ni Red sa kanya pero mas mahihirapan akong magpaliwanag kay Norvin kapag malaman niya na may kinalaman ako kay Vina. Hindi ko alam kung paano ako makakalusot doon.

"Wala akong kinalaman sa mga plano niyo Vina kaya kung pwede wag mo rin akong pakialaman. At wag na wag mong sisirain si Norvin sa kanyang Daddy dahil hindi mo alam ang kaya kong gawin."

"Elijah? We are on the same team here. Kahit mabuko pa tayo ngayon, iisipin parin ni Red na all along pinasakay ko lang siya at kasabwat kita. Dahil tayo ang huling magkasama. And you know what, I send him a video.. And the next thing that will happen.. Hindi ko na alam. Kaya hindi mo ako madidiktahan. Ang Papa mo ang masusunod sa lahat."

She got out of my sight nang matapos niyang sabihin yun. Hindi ko na alam kung paano ko madidispatcha ang babaeng yun. Mahirap kalabanin si Papa kung yun man ang dapat kong gawin. Marami siyang kayang gawin. I have no choice but to be quite of everything.


---------to be continued

The Tattoo of His Love (BoyxBoy)(Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon