Meeting Her

0 0 0
                                    

Disclaimer : Thigabi, a work of fiction. Names, characters, businesses, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination, or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, events, living or dead is purely coincidence.

---

Lianne

Ako nga pala si Lalianne Gene, kabilang ako sa Golden Infinite, at sa Golden section din ako pumapasok, hindi sa pag mamayabang ngunit mga magagaling lamang ang nakakapasok sa golden section, di na bagong patakaran iyon dito sa academy, bago nalikha ang golden section noon, kaming lahat pati ang ibang estudyante dito sa Neustein Academy ay dumaan sa matinding pag susulit halos buwan-buwan, ngunit kami-kami lang ang kumpletong pumasa sa lahat ng pagsubok sa mga pagsusulit na ibinigay ng nakakataas, kung tatanungin niyo kung ano ang kapangyarihan ko eh iyon ay apoy at tubig, salungat ngunit di iyon hadlang sa akin, maliban din doon kaya kong gumawa ng lava at water tornado at sa ngayon ay natutunan ko na kung paano gumawa ng electric gamit lamang ang tubig pero nag sasanay pa lamang ako sa kapangyarihang iyon di pa perpekto para sa akin.

Andito ako sa dorm naming G.I at naka earphones, dahil wala akong ganang makisali sa ka-ingayan nila.

lahat kami ay nagulat nang biglang bumukas ang pinto ng aming silid, iniluwa noon ang Butler ni miss Amethyst at sinabing pinapatawag daw kaming lahat, may paguusapan daw sa kanyang opisina.

Para sa Akin medyo masaya at kinakabahan dahil kahit palagi kaming pinapatawag, eh ngayon lang ulit walang sinabi ang Butler tungkol sa kung ano ang paguusapan o sasabihin ni miss Amethyst sa amin, gagawin man iyan o ipapagawa sa amin.

---

Office

Kinakabahan na talaga ako sa ngayon, at di ako sa nag iinarte, kinakabahan ako dahil tatlong beses ko nang nahuhuli ang pagsulyap sa akin ni miss amethyst.

Tulala akong nakatingin kay miss Amethyst ng biglang narining ko ang pangalan ko.

"ikaw yun lianne."

para akong nabingi sandali, at di makapag salita.

"P-po??"

Nang sinabi ni Miss Amethyst ang dahilan kung bakit niya ako napili, nagulat ako at sumaya dahil hinahangaan pala talaga ako ng mga estudyante dito sa academy at ni Miss Amethyst sa aking kakayahang taglay, halos buong buhay ko ay lagi akong nag susumikap para may mapatunayan, mapansin sa akin at maisip ng iba na kaya ko din, lalo na pagdating sa aking ama na palagi na lamang may pangit na napupuna sa akin, sa abot ng aking makakaya, ipinapangako ko na hinding-hindi ko kailan man bibiguin si miss Amethyst at sisiguraduhin kong matututo sa mga kamay ko ang transferred student na kaniyang tinutukoy at sana lang maging kaibigan ko siya dahil pag nagkataong nakukuha siya ng mataas na markang 90+ sa power leveling ay mapupunta siya sa golden section, doon kasi napupunta ang mahuhusay pagdating sa kapangyarihan at mahika bukod sa silver section which is the section 2 na dapat makakuha ng 80+ sa power leveling.



Neustien Academy: Her Undefined Power "School of Magic" (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon