Aphrodite,
Kamusta kana anak ko? Sana'y tapos na ang iyong pagluluksa mula sa aking pagkamatay. Naiintindihan kong nakakalungkot para sa iyo, ngunit wala na ako anak ko, lagi mo lamang tandaan na nandidito lang ako sa tabi mo anak, palagi kitang binabantayan, huwag mo sanang isipin na wala na ako, dahil para sa akin anak ko, nanjaan ako sa puso mo, sa lahat ng desisyon na ginagawa mo, naka agapay lang ako sayo lagi, sa pagtawa, iyak, kahit pa sa galit, nanjaan ako para paga-anin loob mo kahit na di mo ako nakikita, alam kong ramdam mo rin ang pagmamahal ko sayo bilang anak ko kahit hindi ako ang nag luwal sa iyo, kaya sana kahit di mo na ako nakikita, ipagpatuloy mong mabuhay para kay nanay Inez, lalong-lalo na para sa sarili mo dahil mahabang panahon pa ang hawak mo upang mabuhay.
Anak, nais ko lang magkwento sayo panandalian, sana ay huwag kang maguluhan sa kung ano man ang mga mababasa mo mula dito. Alam mo ba noong araw bago kita masilayan, ako ay wala sa aking sarili dahil inaalala kong iyon na ang huli kong pag punta sa mundo ng mga tao, anak tao parin ako huwag ka sana maguluhan. Ako'y may dugong alkimiko; ako ay may mahika na hawak anak ko, mahirap ipaliwanag ngunit ganon ako; kami, at anak, kabilang ka sa amin; katulad kita. Hindi ko alam ngunit noong unang kita ko sa iyo anak, napaka lakas ng inerhiyang nagmumula sa katawan mo, ramdam na ramdam ko ang pag nanais nilang makawala mula sa katawan mo. Ikina gulat ko pa ang mga mata mo, alam ko na kulay itim sila dahil nakamasid ako sayo, palagi, ngunit ang mga ito ay naging berde nang humarap ka na sa akin nang tuluyan noon, doon, ako ay nagka kutob pa lamang anak ko, ngunit alam ko sa sarili kong hindi iyon sapat na dahilan para paniwalaang katulad nga kita, isang alkimiko. Kaya kahit ilag ka sa akin, pinilit kong mapa lapit sa iyo, at maniwala ka anak, malinis ang intensiyon ko sayo mula pa noon. Sa pag daan ng araw at linggo, unti-unti ay naging mas malapit tayo sa isa't-isa, aking napapansin na ika'y di' na mailap sa akin, at ikaw na mismo ang lumalapit sa akin sa kahit anong dahilan man ang iyong sadiya. Alam mo ba na may mga panahong nagugulat akong may mga inuuwi kang isda noon; mga isda sa katunayan, minsan pa'y karne ng baboy sa gubat. Natatandaan mo pa ba na iyong na-ikinwento sa akin kaya mo iyon nagagawa ng madalian, sabi mo, ikaw ay sanay na dahil ikaw na lamang ang magisa sa buhay at wala kang kinalakhang magulang. Doon, nagsimula nang mas mapalapit ka sa aking puso, Aphrodite.
Balewala sa aking maging anak ka kahit sa papel o dahil lang sa malapit ka sa akin, kaya napagdesisyunan kong ipasok ka sa eskwelahang pinasukan ko noon gamit ang aking apilyedo, sana'y makita kitang muli aking Alchemia, hanggang dito lamang ang aking mailalahad sa iyo aking anak, maraming-maraming salamat sa pagmamahal na natanggap ko mula sayo sa mga nagdaang taon na nakasama kita, salamat sa lahat-lahat anak ko, mag iingat ka palagi at sana ay huwag mo pababayaan ang sarili mo, dahil alam kong marami ang pagsubok na iyong pag dadaanan sa iyong pag pasok sa paaralan na Neustien Academy ang ngalan.
Ang eskwelahang ito ay tago sa mga mata ng natural na tao, kaya wari ko'y di ka pamilyar sa mga taong nadodoon sa loob, eskwelahan ito sa mga katulad ko Aphrodite, mga alkemiko, ang lugar na ito ay nakapaloob sa isang oblar space, iyon ang daanan palabas at papasok sa mundo ng Alchemilla, ang mundong iyong kabibilangan mula ngayon.
Pag nabasa mo ang kabuo-an ng sulat na ito ay mag ayos kana ng iyong sarili agad anak ko, dahil anumang oras ay may mag susundo sayo jaan sa ating tahanan, mga lalaking naka puti at naka sakay sila sa itim na sasakyang mahaba, huwag ka matakot sa kanila dahil utusan sila mula sa eskwelahang papasukan mo anak. Huling paalala anak ko.
BINABASA MO ANG
Neustien Academy: Her Undefined Power "School of Magic" (ON-GOING)
FantasyAlchemist. Manipulator. Power bearer. Undefined Alchemist, that's what they called me. Well, do I have a right to bring those tittles? because for me, I don't know.