UNO
-----
Di ako laki sa mundong ginagalawan nila. Alam ko lamang na mayroon akong kapangyarihang taglay. Aking ginagamit sa araw-araw, para mabuhay, di ko lubos akalain na gagamitin ko ito upang pag aralang lubos ang kung paano at ano ang mga kailangan kong gawin o pag daan para lamang mas mapalawak pa ang kapangyarihang hawak ko, at di ko alam na mas lalakas pa ang kapangyarihang meron ako.
Napapaisip tuloy ako sa kung anong mangyayari sa akin sa loob ng eskwelahang ito...
kung aayaw ba ako; matatakasan ko ba ang mga ito?
pag natakot ba ako; babalik na ako sa normal, sa nakasanayan ko, ang buhay ko noon.
kakayanin ko kaya ang maging Power Bearer?
masasabayan ko kaya ang mga ka eskwela ko?
maraming tanong pa ang bumabagabag sa akin. Hindi ko nga alam kung paano ito harapin, kung saan ako mag uumpisa ulit, nang ako lang ang mag-isa.
~~~~~~~~~~~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_--------------------~_~_~_~_~_~_~_~_~_~_~~~~~~~~~~
Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
-----
I can't think of how and why but maybe this is a gift, and a curse to me at the same time. Tinanggap ko naman siya nang buo at nagpapasalamat ako dahil alam ko din naman na may dahilan kaya ako nagkaroon ng ganitong kakayahan. I believe in that, everything happens for a reason.
Nanay Inez, she's my foster parent, she's so kind, has a very warm heart, sabi niya sa akin noon ay wala daw siyang anak at tumanda nang dalaga, ilag daw siya sa karamihan dahil madalas siyang nilalayuan ng mga tao, binansagan pa siyang mangkukulam dahil sa kagubatan siya naninirahan at hindi sa bayan. Sa pagkakakilala ko sa kaniya, tahimik lang si nanay Inez at di ko siya nakita nang may kausap na ibang tao, pwera na lamang sa mga kakilala niyang kababaihang naglalaba lagi sa may ilog malapit sa tinutuluyan namin dito sa gubat.
naaalala ko pa noon, kwento niya sa akin, napag desisyunan niyang lumipat ng tahanan; yung malayo sa mga tao, kaya doon niya napag pasiyahan, lumipat na lamang siya sa Kanlurang bahagi ng kagubatan mula sa Silangan na bahagi ng kagubatan, at doon niya na ako nakita.
Tandang-tanda ko iyon, pagala-gala lamang ako sa kagubatan noon dahil naghahanap ako ng aking makakain, wala akong mga magulang, hindi ko nga alam kung nasaan sila o kung ano ang mga itsura nila, ako lang mag isa sa buhay mula nang magka-isip ako, hanggang sa nakilala ko si nanay Inez. Noong una ay nagtaka si nanay nang ako ay masilayan niya dahil alam ni nanay na malayo ang parte ng gubat na ito sa gitnang-bayan, ngunit pinili ko maging tahimik noon sa kaniya, hindi ko siya kinikibo, at panay lamang ang masid ko sa kaniya, lagi ko lamang siyang pinapakiramdaman at pinagmamasdan.
Nagtayo siya ng bahay na bato doon mismo kung nasaan niya ako nakita, di ko alam kung paano ngunit nagawa niya. Noon ay may nasisilungan naman ako kahit papaano, isang kubo iyon na maliit, natuto ako gumawa ng mga bagay-bagay nang mag-isa dahil kung hindi, alam ko na mamamatay ako sa gubat na ito, katunayan eh dati akong nasa bayan, nanlilimos, ngunit dumating ang araw na pinag tataboy na ako ng mga tao doon dahil pa laboy-laboy lamang ako, walong taong gulang ako nang napag pasiyahan ko na mamuhay nang magisa at pumunta ng kagubatan, mag iisang dekada na sana akong namumuhay dito ng mag isa, ngunit dumating sa buhay ko si nanay Inez noong ika-labing tatlong gulang ko na edad.
BINABASA MO ANG
Neustien Academy: Her Undefined Power "School of Magic" (ON-GOING)
Viễn tưởngAlchemist. Manipulator. Power bearer. Undefined Alchemist, that's what they called me. Well, do I have a right to bring those tittles? because for me, I don't know.