Green eye girl

192 8 1
                                    

Disclaimer : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination, or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, events, living or dead is purely coincidence.

------------

Aphrodite

Knock-knock-knock*

"sandali lang po. ~" Sigaw ko nang malumanay, ang aga Naman mangatok ng butler--..EEEEKKK!!! NAKAKAHIYA!!

"Miss Whites." Si Headmistress.

"He-Headmistress, kayo po pala. Ano po ang sadya niyo?"

"Mag handa kana ng iyong sarili, kakain na tayo, sumabay ka sa akin ngayong agahan."

"Si-sige po susunod po ak--"

Di ko pa man natatapos ang aking sinasabi eh binalingan na akong muli ni Miss Amethyst ng kaniyang tingin.

"Huwag kang magtatagal dahil pag ka tapos natin kumain ay makikilala mo na ang tutulong sayo upang mag ensayo at mapalabas ang iba pang enerhiyang nanggagaling sayo, dahil maaaring makatulong sa buong Maharlika ang mga kapangyarihang nasa kamay mo." Her facial expressions are unreadable, galit ba siya or seryoso lang?

"Opo headmistress, bibilisan ko po." Saka ako yumuko para sa pagbati at pag paalam, at pag papakita na din respeto sa kaniya, I just feel that she must be respectfully treated

"Hihintayin kita." sabi niya habang nakatalikod bilang pagtugon sa akin. istrikto si headmistress, di ko iyon maitatanggi, ngunit ramdam ko ang kaniyang damdaming pagaalala, at paninigurado niyang nanjaan siya para sa akin. Kung may pagkakataon man, sana ay matanong ko siya patungkol sa aking mga tunay na magulang, maaaring may alam siya o kaya naman ay kilala niya ang aking mga magulang.

"Opo." With that she left in my room, and I did all of my routines as fast as I could. Ayaw ko siyang paghintayin doon, ako din ay nasasabik na sa aking makikilalang kapwa ko estudyante mamaya. Iyon ang kauna-unahang estudyanteng makikilala ko dito sa bago kong paaralan, sana ay makasundo ko siya, babae man o lalaki.

tinanggal ko yung maskara ko para dire-diretso ang kilos ko, I immediately fix my clothes to wear on that day before jumping into the restroom, napaka lawak talaga ng kwartong ito at napaka laki nito para sa akin lang na mag isa, pakiramdam ko tuloy isa akong prinsesa kahit hindi naman, meron din akong napakalawak na higaan at mukhang pang tatlong tao ang higaan na ito, tapos meron pang folding mattresses na dalawa, na naka lagay doon sa ilalim ng kama, tapos ang nakakatuwa pa, yung mini sofa dito ay nagiging higaan din, pwede na dito mag over night  kung may mga kaibigan ka, mga 10 to 12 persons siguro. It has white sa walls, black on the ceiling and gray naman sa mga pinto. Panglalaki, ngunit pwede na din ito sa akin, hindi naman ako maarte at para sa akin, mahala na may natutuluyan, at natutulugan ako.

nakaka miss naman si nanay Inez, mas maganda sana kung naririto si nanay Inez kasama ko para maranasan niya ang ganitong mga bagay. Tinignan ko yung closet at sobrang dami ng mga damit, bukod pa sa mga extra uniforms na baka ay gamitin ko, nakahiwalay ang mga ito sa ibang damit, at lahat ng damit bukod sa uniform ay naka color coordinated pa lahat ng iyon, may mga casual, dress, jackets and pants, even gowns are in there too!!

Neustien Academy: Her Undefined Power "School of Magic" (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon