Disclaimer : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination, or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, events, living or dead is purely coincidence.
Happy reading guyss!!
- MJ
-----------------
Aphrodite
Today is another exhausting day.
Mag dadalawang buwan na akong nag eensayo dito sa Neustein Academy nakaka pagod man pero kailangan kong magpursigi pa lalo dahil hindi pa man ako nakakapag pahinga ay tuturuan nanaman ako ng mga iba pang defese at tricks gamit ang sarili kong kapangyarihan, at doon kami ni Lianne nag fofocus dahil sabi ni Miss Amethyst malakas at maliksi naman na daw ako, kaya hindi na kailangang pagtuonan ng pansinin masiyado, parang maintainance nalang ang kailangan sa aking pangangatawan
Pero siyempre bago kami mag training ng pag papalabas ng kapangyarihan, may ginagawa muna kaming parang ritwal. Everytime, it acts like a guide to my body, so that I don't get exhausted easily.
Hinihiling ko nga na sana ay bigyan ako ng pahinga ni Miss Amethyst kahit isang araw lang kasi lagi talaga kaming nagsasanay
Maniwala man kayo o hindi, meron na akong mga magi na nailabas simula noong ika-apat na linggo kong pananatili dito, the telepathy/telepathic magi, kaya ko nang gawin ito para di mabasa ng ibang tao ang nasa isip ko, pati na din yung pakikipag usap gamit ang isip ay akin nang nagagawa, na developed ko na din nang maayos kahit paano ang fire at electric, dahil sa pag eensayo, medyo nakokontrol ko na sila ng maayos ngayon, ngunit di ko pa sila nagagamit ng matagalan. Bilang na oras lamang.
Lumalakas naman na ako sa bawat araw at nagiging pamilyar na din ako sa mga galaw kong dapat gawin, kumbaga nasasanay na pati katawan ko, nabanggit ko naman sa kanila na nageensayo ako sa gubat noon pero alam kong di pa yun sapat para sa haharapin ko ang mga labanan dito sa loob ng paaralang ito at sa buong Alchemilla, lalo na at may kapangyarihan ang mga katauhang nandidito, di lamang normal at may taglay na kapangyarihan. Mga Imortal, na gaya ko na din.
Kaya kahit mahirap ay pilit kong ineensayo ang nagiisang mahika na meron ako at iyon ay ang pagiging weather manipulator ko kasama ang iba pang kapangyarihang meron ako ngayon, na aking natutunan, kahit na batak ako sa pag ensayo sa gubat, katawan ko lamang iyon, malaking bagay ang pagkakaroon ng kaalaman sa kapangyarihan, at iyon ang aking natutunan dito sa loob ng paaralan, pinapagawa parin nila sa akin ang strength training ko, kaya ko naman dahil madadali lang ang iba doon pero aaminin ko na mas nahirapan talaga ako sa training dito sa loob dahil marami ng kagamitan na matataas ang kalidad, karamihan ay di ko pa alam gamitin, o kaya naman di ko pa talaga naranasan na gamitin.
Tulad ng nabanggit ko kanina may isa na akong kapangyarihang lumabas na at nakakamangha dahil kaya ko na ito manipulahin ngayon pa unti-unti nang walang tulong mula sa iba, mabilis lang naman ako matuto kung tuturuan talaga ako ng masinsinan, gusto ko gumaling, gusto ko pag harap ko sa pamilya kong nandidito sa bagong mundo na ginagalawan ko, ay may maipapakita akong kapangyarihan sa kanila na alam kong ako mismo ang naghirap na matutunan, gaya ng ibang estudyante dito sa academy.
Ang kinakatakot ko lang naman eh yung sinabi ni Miss Amethyst sa akin na kung sakaling makontrol man ako ng kapangyarihang hawak ko, eh hindi yun maganda para sa sarili ko at sa mga taong nasa paligid ko, lalo na't hindi pa ako ganoon ka husay mag manipula, gaya na lamang noong isang araw, meron nanaman akong bagong kapangyarihang lumabas, at sa totoo lang natatakot ako noon dahil hindi ito ordinaryong magi na hawak ng isang alchemist ayon kay Miss Amethyst.
BINABASA MO ANG
Neustien Academy: Her Undefined Power "School of Magic" (ON-GOING)
FantasiaAlchemist. Manipulator. Power bearer. Undefined Alchemist, that's what they called me. Well, do I have a right to bring those tittles? because for me, I don't know.