CHAPTER 2

64 4 0
                                    

*Jhade's POV*
CHAPTER 2


"Hindi ko alam kung anong nangyayari jhade pero look outside!" Hinila ako nito papuntang bintana at napatakip ako sa bibig ko at mas binuksan ang bintana

"I-is this truee!?"

"Oo jhade" sagot nito at agad akong lumapit dito at pinunasan ang iilang dugo sa mukha nya

"Jhade!" Napatingin ako sa kakarating lang na si Erick at pansin kung wala yong iba naming mga kaklase

"Anong nangyayari? Natulog lang ako tapos ganito na??" Nagtataka kung tanong at tumingin ulit ako sa may bintana at napapailing sa nakikita ko at nasa third floor rin pala ang classroom namin at maniwala kayo or not pero yong pinapangarap ko na Zombie apocalypse is nangyayari na ngayon

"Nuong nakatulog ka pinapapapunta lahat ng student sa gym dahil may sasabihin daw then dahil masarap ang tulog mo hindi ka na namin ginising" panimula ni Miguel at napatingin ako kay Erick at takot na takot ito "noong nandoon na kami lahat, ang sabi ng Principal magkakaroon daw ng malaking experiment ang gobyerno at lahat kami nagulat ng pagbukas ng pintuan ng backstage naglabasan ang maraming Zombie at maraming nakagat dahil may naglock ng entrance ng gym" hindi makapaniwala nitong wika

"Mabuti at nakalabas kayo at saan nanggaling yong dugo sa mukha mo?" Nag-aalala kung tanong

"Noong nagsimulang magkaguluhan nagsimula narin mapuno ng dugo ang gym" tumingin ito kay Erick "nakita ko kasing may palapit na babae kay Erick at kita kung may kagat na ito at mapula narin ang mata kaya mabilis akong lumapit at sinuntok ito at tumalsik sa akin ang dugo nito sa bibig" wika nito at tinaas ko ulit ang kamay ko at pinunasan ang natitirang bakas "at nakalabas rin kami mula sa backstage dahil lahat sila nagtutumpukan sa gitna kaya mabilis kami nakalabas at paglabas namin kitang kita ko na may nagbukas ng entrance ng gym kaya nagtakbuhan kami sa ground at agad kaming pumunta ni Erick sa building natin, sayo" mahaba nitong paliwanag at kitang kita ko ang takot at pag-aalala nito

"Erick" banggit ko dito dahil nanginginig ang mga kamay nito

"Natatakot ako" wika nito

"At ang kakaiba pa, not like sa train to busan at walking dead ang experiment na ginawa nila" dagdag pa ni Miguel at napakunot ako dahil nagtataka ako sa sinabi nya "tumingin ka ulit sa bintana" tumingin naman ako at nagtuturo sya "kita mo si manong janitor na zombie na?" Tumango ako dito "look kahit na zombie na sya naglilinis parin sya" napanganga ako doon at pinagmasdan pa yong iba at may mga zombie pa na naglalaro ng basketball

"Like kung matalino ka magiging matalino ka rin na zombie?" Hindi ko makapaniwalang tanong at tumango naman ang dalawa

"Kung ano man yong kinasanayan mo ganon ka parin kahit maging zombie ka, yon yong experiment na gusto nilang gawin and they successfully doing it" habol pa nito at hindi parin ako makapaniwala

"So magkakaroon tayo ng variety of zombie?" Tanong ko ulit at nagtinginan naman ang dalawa dahil ngumiti ako

"At talagang masaya ka sa lagay na to ha!" Angal ni Erick at nagsorry naman ako "pero once na makakita sila ng tao ay hahabulin nila tayo like sa train to busan" takot na wika ni Erick at mas na excite naman ako at oo kinakabahan ako pero nangunguna yong excitment ko dahil matagal ko na itong fantasy pero sa hindi ko ito pagsisihan

"Nasaan pala yong iba nating kaklase bakit parang daming nagsisigawan kanina dito?" Tanong ko pa at mabuti nawala na ang sakit ng ulo ko

"Sa hallway yong nagsisigawan kanina at nagkahiwalay-hiwalay na kami nong nasa gym pa lang at sa ground" paliwanag ni Miguel at tumango naman si Erick

"Anong gagawin natin ngayon?" Tanong naman ni erick at naglakad ako papuntang pintuan at bubuksan ko na sana ng pigilan ako ni Miguel at erick

"Saan ka pupunta?" Nag-aalala tanong ni Miguel

Zombie Yarn? (bxb) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon