*Jhade's POV*
CHAPTER 8Agad na akong sumugod at sumunod naman sa akin si Miguel at sa isang zombie ito pumunta ganon rin si Daniel at kinuha ko ang dalawa kong kutsilyo at nginisian ang zombing nakatingin sa akin at bigla na itong sumugod sa akin
"Urgghhaaahh"
Tumakbo ako palayo at hinintay ito makalapit sa akin at bigla itong tumalon kaya agad akong lumihis at sinaksak ito sa tagiliran pero hindi naman ito nasaktan kaya agad ulit akong lumayo at dapat sa ulo ko ito tamaan para patay agad dahil hindi na kami pwede magpatagal dahil baka matuluyan na si Grace at dilikado ang dalawang babae
"Urgghhaaahh"
"Take this!" Nakakita ako ng bakal kaya agad ko itong kinuha at tumalon sa trashcan kaya mas napakataas ng talon ko at napatingin ito sa akin at tinaas ko na ang bakal at malakas itong hinampas at agad itong natumba at agad kong binitawan ang bakal at kinuha ko ulit ang kutsilyo at nagmadaling sinaksak ito sa ulo nya at nangisay naman ito at kinuha ko rin agad yong kutsilyo dahilan ng pagtalsik ng dugo nito sa mukha ko "yack kadiri ka!" pinagsasaksak ko ito ng maraming beses at wasak wasak na ang mukha nito
"Jhade!" Tumingin ako agad kay Miguel at nahihirapan ito kaya tumayo ulit ako at pinunas ang matulis ng dulo ng kutsilyo sa damit ko dahil sa lagkit ng dugo nito at pinahagis-hagis ko ito sa kamay "sh*t!" Mura nito at nakaharang ang bakal na hawak nito sa leeg nong zombie at tumakbo ako ng mabilis dito at agad na sinasak sa ulo yong zombie at natumba ito
"Ayus ka lang?" Nag-aalala kong tanong at ngumisi naman itong tumingin sa akin at sinandal nya pa ang kamay nya sa wall
"The best ka talaga!" Sinuntok ko ito ng mahina at napalapit narin sa amin si Daniel at Erick na nagtatago lang kanina
"Yong mga babae" agad na wika ni Erick kaya nagsitakbuhan kami sa restroom at nakalock ang loob non
"Tabi!" Nagsitabihan kami ng may hawak na malaking kahoy si Miguel at malakas nya yong pinukpok at natanggal ang doorknob "Open na-"
"Urgghhaaahh"
"Layoo!" Sigaw ko agad ng biglang lumabas si Grace at tuluyan na itong naging zombie at bigla naman nitong hinabol si Erick
"Hala wag akooo!" Sigaw nito at nagtatakbo
"Sanaol hinahabol!" Natatawa kung sigaw
"Bakit ka tumakbo? Baliw ka talaga!" Sigaw ni Miguel dito
"Malamang! Alangan naman magpalapa ako! Bobo mo naman!" Sigaw nito at tumatakbo pabalik sa amin "aaaahh tulong!!" Malapit na ito sa amin kaya naghanda na ako at nilabas ang kutsilyo "Jhadeeee!" Nabigla naman ako ng yakapin ako nito at natumba kami
"Bwesit ka, bakit mo ako niyakap!" Angal ko at tinaas kunti ang ulo ko at nakita ko na si Daniel at Miguel ang sumugod kay Grace at nagilitan nila ito sa leeg pero walang epekto yon at mabuting nasaksak rin ito ni Daniel sa ulo kaya napahiga na lang ako at nakapatong parin sa akin si Erick
"Gusto mo bang isunod kita kay Grace!?" Napanganga naman ako dahil biglang lumipad si Erick at tinaas pala sya ni Miguel sa damit at nasasakal naman ito at ang lakas pala ni Miguel at hinagis nya naman ito papunta kay Daniel at inabot nito ang kamay sa akin
"Grabe ka naman, natakot kasi ako!" Angal ni Erick at inayos ang damit nya
"Salamat" wika ko at pinagpagan naman ni miguel damit ko
"Hoy favoritism yarn!? Ayusin mo rin damit ko parang hindi ka kaibagan nyan ah!" Napa-iling na lang ako at napaatras ako ng pagtingin ko kay Miguel sobrang lapit nito sa akin at naalala ko na naman tuloy ginawa namin kanina at bigla na namg kumabog ang dibdin ko
![](https://img.wattpad.com/cover/338913029-288-k166828.jpg)
BINABASA MO ANG
Zombie Yarn? (bxb) (On-going)
FantasíaStatus: On-going Maging k-drama, T-drama, C-drama o maging sa Pilipinas ay sumisikat na at nagkakaroon ng ibat-ibang uri ng tinawag na Zombie Apocalypse, yong mga taong nangangain ng sariling tao at kapag nakagat ka ay magiging katulad ka rin nila...