CHAPTER 3

69 4 0
                                    

*Jhade's POV*
CHAPTER 3

"Tok! Tok! Tok! Tok!"

"Jhade?" Ngumiti ako kay Miguel pagkabukas nito ng pintuan at nagulat ako ng bigla ako nitong hilahin at yakapin

"Miguel-"

"Ok ka lang ba? May masakit ba sayo?" Natatawa akong umiling dito at chineck pa ako nito ng mabuti kaya ginulo ko ang buhok nito

"I'm okay ok?" Nagbuntong hininga ito at sunod na pumasok si Erick

"Oh buti ok ka pa" nakatikim ito ng mahinang suntong kay erick

"Hindi mo masosolo si jhade HAHAHHA" Biro nito at sya naman nakatanggap ng suntok at napailing na lang ako at sunod na pumasok yong lalaki at nilock ang pinto at nakatanggap ito agad ng masamang tingin kay Miguel at tumingin ito sa akin na who this f*cker

"Hi pre"

"Hilbert sino sya? Diba si Erick lang bakit may kasama ka ng iba at ngayon ko lang sya nakita" seryoso nitong tanong at napakamot na lang ako sa batok at ngumiti dito

"Ah hindi ko rin kilala eh, ano ba pangalan mo?" Tanong ko sa lalaki at ngumiti ito

"Daniel-"

"Padilla?" Sabay sabay naming tanong

"Hindi, Daniel Fernandez" pagpapakilala nito at tinaas pa nito ang kamay nya sa aming tatlo at si Erick na lang ang tumanggap at ngumiti na lang ako at masama namang nakatingin sa kanya si Miguel

"At sya rin yong transfere na binanggit ko kanina Miguel" dagdag pa ni Erick at napatingin ako kay Miguel ng hawakan nito ang kamay ko at hinila ako sa may sink at sumandal kami doon

"Bakit mo sya dinala dito?" Mahina nitong tanong

"Hindi ko sya dinala, sumunod sya sa amin ni Erick" paliwanag ko dito at hindi na ito nagsalita "Masakit parin ba?" Tanong ko at umiling naman ito at nagtaka ako ng tinititigan ako nito "bakit may dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko at tinaas nito ang kamay nya at may pinunas sa mukha ko

"May maliit ka na dugo sa pisnge" nagulat ako sa sinabi nito at tumingin ako sa salamin at may maliit nga

"Ah siguro galing kay Anna yong mean girl" nagulat ito sa sinabi ko "zombie na kasi sya" tumango na lang ito sa sinabi ko at tumingin kami sa cubicle at napatulala at nakaupo naman sa may pintuan si Daniel at umiihi naman si Erick

"Parang kanina lang ang saya saya natin at nagbibiruan tungkol sa zombie apocalypse tapos ngayon nangyayari na talaga" biglang wika ni Miguel at sabay kaming nagkatinginan dalawa "hindi pala biro ang ganito jhade, iniisip ko yong pamilya ko" wika nya at doon ko narealize yong pamilya ko rin pala

Napatingin ulit ako sa unahan ko at ngayon ko lang naisip na hindi pala maganda itong fantasy ko kapag naging totoo at hindi ko rin alam kung ano ng meron sa labas kung sa school lang ba namin or pati sa labas

"Miguel satingin mo sa school lang ba natin o pati sa labas meron na?" Rinig ko pag buntong hininga nito

"Siguro ganito narin sa labas dahil ang sabi ng Principal experiment daw ito ng gobyerno" bumalik ang tingin ko sa kanya

"Bakit naman nila ito ginagawa? Pagkatapos ng Covid-19, zombie apocalypse ang sunod? Ganon ba nila kagusto mabawasan ang mga tao?" Wika ko at nagkibit balikat lang ito at napailing ako "Alam mo na pangarap ko ang ganito yong trill, yong zombie, pero hindi ko naisip yong ibang tao lalo na yong mga taong importante sa buhay ko" wika ko at kita ko ang paglungkot ng mukha nito

"Natatakot ako jhade" tumingin ito sa akin at agad ko itong niyakap ng makita ko ang malungkot nitong mukha "natatakot ako para sa sarili ko, sayo, at sa pamilya natin" wika nito at kita ko ang paglungkot rin ni Erick at ayaw kung nalulungkot mga kaibigan ko at naalala ko naman na may gadgets nga pala kami

Zombie Yarn? (bxb) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon