*Jhade's POV*
CHAPTER 1
"Hoy jhade ki-aga-aga ang lalim na agad nang iniisip mo" Napatangin ako sa kakarating lang na si Erick at tumabi ito sa akin at umakbay "ano ba iniisip mo?""Iniisp ko kung bakit ki-aga-aga ang baho na agad ng kilikili mo" inalis ko pagkakaakbay nito at nag halumbaba ulit at kita kong inaamoy amoy nito ang sarili nya
"Tsk hindi naman eh!" Angal nito at naghalumbaba rin at parehas kaming nagbuntong hininga at humarap sa white board na hindi ko malaman kung bakit sinusulatan ni Sam yong white board ng permanent pen
"What if no-"
"Hayst!" Napatigil ako ng may humilamos ng mukha ko"ayan ka na naman sa kakaiba mong imahinasyon!" Angal nito sa akin at umiling-iling pa
"What if lang naman eh, at isa pa ang astig kaya non kapag nag ka zombie apocalypse madaming pagkain" masaya kong wika
"Wag mo nga pangarapin yon! Pano kung magka meron at ikaw agad una nakagat?" Hinampas ko naman ito sa tanong nya
"As if naman magpapakagat ako diba? At isa pa ako dapat ang bida" angal ko dito at natawa naman ito
"Feeling mo nasa teleserye tayo?" Tanong ulit nito
"At least hindi ako yong taong takot na takot sa zombie" parating ko sa kanya dahil alam kung takot ito sa mga zombie kaya ayaw nya magkaroon ng zombie
"Kung ang langgam nga masakit na mangagat zombie pa kaya?" Tanong nito na nanginginig pa "sino ba kasing gusto lang mag ka zombie apocalypse para sa libreng pagkain?" Parating nito sa akin
"kahit ako sa grocerry ako agad pupunta kapag may zombie" sabay kaming tumingin sa kakarating lang na si Miguel at usual sa gitna na naman namin sya sumingit
"Kausap ka?" Natawa naman si erick sa sinabi ko at bigla akong inakbayan ni Miguel
"Wag kang mag-alala Jhade, kapag nagka zombie apocalypse I will protect you with all of my heart and soul, pangako yan" wika nito at maypahampas pa sa dibdib nya at napangiwi naman ako at inalis pagkakaakbay nya
"Miguel bago mo ako protektahan dapat hindi ka na takot sa gagamba" biro ko dito
"HAHAHAHHHAAHA"
"hoy grabe makatawa erick ha!" Sinakal nito si erick at inayos ko ang kwelyo kong nagulo ni miguel sa pag-akbay"sino ba kasing hindi takot sa gagamba ha-"
"Kami San Miguel" sagot ko at ako na naman ang sinakal nito dahil binanggit ko na naman ang mala unique nyang pangalan
"Don't call me that!" Tinakpan nito ang bibig ko at pinasandal ako sa kanya "gusto mo bang makita agad si San Pedro ha!" Wika nito at rinig ko naman ang tawa ni erick
"Nagsimula na naman ang tatlo" rinig kung wika ng kaklase namin sa likod
"Tama na yan SM--"
"Aaahh isa ka pa ginawa mo akong super Market!!" Parehas kaming sinakal nito gamit ang braso nya at parehas kaming nag-angalan ni erick
"Good Morning Class!"
"Goooood Moooorning Maaaam!" Binitawan na kami ni Miguel at inayos ko agad ang nagulo kung buhok at uniform at sabay sabay rin kaming tumayo
"Para kayong elementary bumati, you may now all seat down"
"Hoy erick alis ka na dito, dito ako uupo" rinig kung bulungan ng dalawa dahil pang pair lang naman talaga ang aming upuan
"Hoy ang kapal ako nauna dito!"
"Tsk dali na, mas close kami ni jhade kaya tsupi ka na jan!" Wika ni miguel at napakamot naman si Erick
BINABASA MO ANG
Zombie Yarn? (bxb) (On-going)
FantasiStatus: On-going Maging k-drama, T-drama, C-drama o maging sa Pilipinas ay sumisikat na at nagkakaroon ng ibat-ibang uri ng tinawag na Zombie Apocalypse, yong mga taong nangangain ng sariling tao at kapag nakagat ka ay magiging katulad ka rin nila...