CHAPTER 6

42 3 0
                                    

*Jhade's POV*
CHAPTER 6

"Sumusunod? Tangina naman! ano bang ginawa mo!" Tanong ko dito at habol habol ko ang hininga ko dahil galit na galit ako ngayon "kung ayaw mong tumulong then huwag mo akong pipigilan!"

"Sorry"

"Kung ikaw kaya mo pabayaan kaibigan mo, pwes ako hindi!" Galit ko paring singhal dito at nabalik ang attention ko sa loob ng store ng may malakas na nabasag sa loob "Miguel" nagmadali akong naglakad at may napansin akong kahoy sa gilid at agad ko itong kinuha at nagmadaling pumasok sa loob

"Cling"

Tumunog ulit yong bell pero hindi ko na pinansin at hindi ko agad nakita sila miguel kaya agad akong pumunta sa kanang bahagi at napahigpit ako ng kapit sa kahoy ng makita kong nakahiga sa lapag si Miguel at nakapatong sa kanya yong cashier at pilit nya itong nilalabanan at humigpit lalo ang kapit ko sa kahoy at galit na galit akong lumapit sa kanila

"Mamatay ka!" Sigaw ko at malakas na hinampas sa ulo yong cashier dahilan ng paglayo nito kay Miguel

"Jhade-"

"Mamatay kang gago ka!" Sigaw ko ulit at lumapit sa cashier at pinagpapalo ito sa ulo "argh hayop ka! Bwesit ka!" Ramdam ko ang pagtalsik ng dugo nito sa mukha ko at sa paligid at halos basag basag na ang bungo nito pero hindi parin sapat sa akin yon, muntik na mawala ang pinaka importanting tao sa akin

"Jhade tama na yan"

"Mamatay ka-"

"Jhade!" Napatigil ako ng hinawakan ni Miguel ang dalawa kung kamay at pinatingin ako sa kanya "sshhh ok na wala na, huwag ka ng umiyak" nabitawan ko na ang kahoy at doon ko lang namalayan na umiiyak na pala ako

"Miguel?"

"Ayus na, wala na sya, sorry jhade!" agad ako nitong niyakap at mas humagulgol naman ako dito at agad  rin itong pinalayo sa akin

"Baliw ka ba ha!" Inis kung tanong dito "satingin mo natuwa ako sa ginawa mo kanina! Alam mo ba kung gaano ako katakot? Gaano ako nag-alala sayo!?" Galit na wika ko dito at hinawakan ito ng mahigpit sa kwelyo nya at hinawakan nito ang mga kamay kung nakakapit sa kwelyo nya "inisip mo ba yong ginawa mo?"

"A-ayaw ko lang na masaktan ka" napailing ako at binitawan na ito "mas ok ng mawala ako wag lang ikaw-"

"Gago ka pala eh!"

"Aahhh!" Angal nito ng suntukin ko ito sa mukha at natumba at mas lalo akong napaiyak sa sinabi nya at napaupo na lang ako at yumuko sa mga tuhod ko at doon naghagulgol "Jhade"

"Paano ako?" Mahina kong tanong at naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin "hindi ko kaya"

"Jhade please huwag ka ng umiyak p-please?" Narinig ko ang paghikbi nito kaya tinaas ko na ang ulo ko at parehas  kaming nagkatinginan dalawa at pansin kong nanginginig ang labi nito at pinipigilan ang iyak nya "sorry?" Patanong nyang tanong at hinalikan ako sa noo at humihikbi parin ako "sorry kung naging selfish ako at hindi ko inisip mararamdaman mo, ayaw ko lang kasi talaga na mapahamak ka"

"M-miguel hindi ko alam gagawin ko kanina nong pinapaalis mo ako, galit na galit ako" hinawakan nito ang kamay ko "paano ako kapag nawala ka? H-hindi ko kaya miguel!" Agad ko itong niyakap at umiyak na naman sa kanya, Kakaumpisa lang ng lahat pero ganito agad ang nangayayari paano na lang sa sunod na araw na dadaan, paano na lang? Kung ganito palang halos ikamatay na namin

'Sana hindi na lang totoo ang lahat ng ito'

"Ipangako mong hindi mo na ulit gagawin ito, hayaan mong tulungan kita dahil hahayaan ko na rin na tulungan mo ako" umalis ako sa pagkakayakap nito at hinawakan ito sa pisnge "ipangako mo" tumango ito sa akin at napansin ko ang sugat nito sa labi dahil sa suntok ko "sorry" at hinawakan ko ang labi nito at ngumiti naman ito at may pinunas rin ito mula sa mukha ko

Zombie Yarn? (bxb) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon