CHAPTER 4

50 3 0
                                    

*Miguel's POV*
CHAPTER 4

'Ah nakakainis bakit ko ginawa yon?'

Sinabunutan ko ang sarili ko habang naglalakad pabalik-balik sa hallway at tangina bakit ko nasigawan si Jhade at yong itsura nya kanina nong nasigawan ko sya he look so shocked

"Argh! Sh*t!" Sumipa ako sa ere at kinumos ang mga palad ko

"Sa tingin mo may magagawa yang paganyan-ganyan mo?" Napatingin ako kay Erick na nakasandal sa pintuan ng classroom kung nasaan sila jhade at yong gago na lalaki na yon

"Tsk!" Singhal ko at napaupo sa gilid at nakapatong ang mga siko ko sa tuhod habang nakahawak ang mga kamay ko sa buhok ko "feeling ko nagalit si jhade sakin, bwesit naman kasi yang gagong Daniel na yon!" Wika ko at tumabi ito sa akin

"Alam kong alam mo sa sarili mo na kahit kailan hindi magagalit sayo si Jhade" wika nito at tinapik ako nito sa balikat "at pakisamahan mo na lang si Daniel mukhang mabait naman eh" napangiwi ako sa sinabi nito at tumingin dito

"Erick lalaki ka rin at alam mo kapag nagkakagusto ang lalaki" paliwanag ko pa "at yong tingin ni Daniel kay jhade alam kung nagkaka-interest ito sa bestfriend ko" naiinis kung wika at binaba na mga paa ko at sumandal ng maayos sa wall

"Bakit kasi ayaw mo umamin? Para no chance for others na" Napatigil ako sa sinabi nito at napangiti ng mapait

I like- No I love Jhade so much! At alam ko sa sarili ko na wala ng ibang makakapantay non kahit na babae and that is my deepest secret sa bestfriend ko, yong sekretong mahal ko sya na hindi nya pwede malaman dahil baka doon matapos yong friendship namin na matagal kong iniingatan.. yong pinaparamdam ko sa kanya yong pagmamahal ko pero in the way of friendship lang, ang sakit pero mas masakit yong hanggang friendship lang ang tingin nya sa akin and may chance na magkagusto sya sa iba at yon yong ayaw kung mangyari dahil yon yong ikakadurog ko kaya ayaw kong napapalapit sya sa iba, I know I'm so selfish pero wala eh, Mahal ko kasi...

"Alam mo naman na hindi pwede diba" malungkot kong wika at hindi ko rin alam kung paano nya nalaman nagulat na lang ako isang-araw tinanong nya ako kung gaano ko na ka Mahal si Jhade at dinadaan ko na lang sa mga jokes yong gusto kung sabihin sa kanya

"Ewan ko ba sayo Miguel bakit takot na takot ka mag risk alam mo naman kung gaano karin ka special kay jhade" napangiti ako ng kaunti dito "at wag mong sabihin na friendship lang yon dahil kahit na nasa mali ka, ikaw yong palagi nyang kinakampihan kaya feeling ko may gusto rin sya sayo" biro nito at pinalo pa ako kaya natawa nalang ako

"Pero kanina hindi nya ako kinampihan" ngumuso pa ako

"Iba na kasi ngayon at lahat tayo natatakot sa sitwasyon ngayon kaya siguro nadala lang sya ng emosyon nya kanina kaya parang nagalit sya sayo" napayuko ako dahil ayaw ko sa lahat yong nagagalit sa akin si jhade

"Nagulat rin naman ako nong nasigawan ko sya" wika ko "at nabigla lang talaga ako kasi pagbitaw ko ng phone nginisian ako ni Daniel na parang nagtagumpay sya" pagsabi ko ng totoo at parang may kakaiba talaga kay Daniel

"Kakakilala lang natin kay Daniel hindi pa natin sya kilala at sana wag masyadong mapalapit sa kanya si Jhade" agad akong napatingin sa sinabi nya at tama sya doon "kaya wag ka na magmuni-muni  dito at sa tingin mo ano ng ginagawa ng dalawa sa loob-" napatigil ito ng bigla akong tumayo at agad na tinulak ito patagilid dahil nakaharang sya sa pintuan "aray ko naman!"

"Ay sorry" binuksan na ang pintuan at naabutann kong nakasilip si Daniel sa pintuan at nakaupo naman sa lapag si Jhade malayo kay Daniel kaya naginhawahan ako at agad itong tumayo ng makita ako

Zombie Yarn? (bxb) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon