Prologue

469 12 0
                                    

"You can dodge fate but it will always come back for you."

-Austin Rivera, Class Secrets I


—————

"Ako ang ikatatlong killer!"


"May time bomb sa eskwelahang ito! Hanapin niyo o mamamatay kayo!"


"Tapos na ba ang lahat?"


Kala mo tapos na ang lahat na 'to?  Mali ka. Babalik ako.

—————

Seven years later...


June 3, 2015, 5:00 a.m.

Caleb Reyes' House

First Day of Classes


Tunog ng tunog ang alarm clock ni Caleb. Dahil dito, nagising si Caleb at tinignan niya ang oras. Tinignan niya din ang mga bag na naglalaman ng mga damit niya na dadalhin sa school dorm. Matutulog sila sa mga dorm at hindi na sa kanilang mga bagay. Naligo siya sa banyo at nagbihis siya ng school uniform niya.


Bumaba naman siya para magluto ng kanyang ulam at pagatapos, kakain siya. Tinignan niya laman ng ref. Nagluto siya ng bacon and eggs. Pumunta siya sa banyo para magtoothbrush.


Pagbaba niya, dumiretso siya sa school service na hahatid sa kanya sa St. Rutherford's University.


Nakatulog si Caleb sa loob ng bus dahil maaga siyang nagising. Pagkagising niya, ninignan niya ang oras. 6:45 ang oras. Kinuha niya ang lahat ng gamit niya at bumaba. "Salamat, kuya" sabi niya sa driver.


Nakita niya ang eskwelahan at pumasok siya dito. Sa harapan ng main building may isang napakagandang fountain. Nakita niya ang ilang estudyanteng nakatambay dito. Sa kanan nito, may cafeteria at sa kaliwa naman, may isang mahabang obelisk naman.


Linapitan niya ang obelisk at binasa niya ang nakasulat dito.


This obelisk was built in memory of Section 8B, 2006.


Nakabahan siya at na-interisado dito kaya kinuha niya ang kanyang cellphone at ginamit niya ang kamera nito para kunan ito ng letrato.


Sa loob ng classroom...


Maagang nagpulong sina Mason, Gabriela, Bianca, Daniel at Keira sa loob ng silid para magayos ng mga upuan at mesa para sa party mamaya. Kinakabit nina Mason at Keira ang isang banner na nakasulat: Happy First Day, Students!


"Bianca, nasaan na ang mga pagkain?" tanong ni Daniel kay Bianca. Sumagot naman si Bianca. "Linuluto pa ni Nero." "Sabihin mo sa kanya na bilisan niya. Magsisimula na ang party in thirty minutes." Lumabas namn si Bianca papunta sa kitchen.


Pumasok naman ang isang babae- ang kanilang class adviser at Math Teacher. "Kamusta ang paghahanda?" tanong ng guro. "OK lang po, Ms. Morales." sagot naman ni Gabriela kay Ms. Natasha Morales habang inaayos niya ang mga mesa. Pagatapos ng pitong taon, naging guro sa Math si Natasha. Siya'y isang mabait at mapagtulungin na tao. "Gusto niyo ba ng tulong?" tanong niya. "Sige po." magalang na sabi ni Gabriela.


Kumuha naman ng isang walis ang guro at tinulungang magwalis ang mga estudyante. "Alam niyo, dati din akong nagaral sa silid na ito." sabi ni Natasha. Nagtanong naman si Keira. "Parang sa pagkakaalam ko, merong nangyari dito. Ano po iyon?" Nahulog ang walis sa kamay ng guro at tumahimik siya ng sandali. "Huwag na nating pagaralan ang nakaraan." misteryosong sabi nito. "Teka lang, ha? Tatawag ako ng tutulong sa inyo." sabi niya bago umalis.


"Ano kaya ang sikreto ni Ms. Morales? Parang ang weird." tanong ni Bianca sa kanyang mga kapwa officers. "Baka may na-" hindi naman natapos ni Daniel ang sasabihin niya dahil nahulog si Keira sa ladder. Tumingin naman ang lahat ng mga kaklase niya sa kanya. "Keira, ok ka lang?" nagaalalang tanong ni Daniel. Tinignan naman niya si Gabriela. "Gabriela, pumunta ka sa clinic. Kumuha ka ng isang wheelchair at dalhin mo si Keira doon."


"Sige." Umalis si Gabriela kaagad. "Aray! Ang sakit!" sabi naman ni Keira. "Saan diyan ang masakit?" tanong ni Daniel. Tinuro naman ni Keira ang paa niya. "Bakit ka nahulog?" tanong niya ulit. "Parang may papel kasing linagay sa inaakyatan ko." Umakyat naman si Bianca at nakita niya ang isang papel. Laking gulat niya sa kanyang nakita.


Dumating si Gabriela na may dala-dalang wheelchair. Tinulungan nilang maka-upo si Keira sa upuan at umalis si Gabriela kasama si Keira. Tumakbo naman si Natasha sa loob ng kwarto. "Anong nangyari?" gulat nitong tanong. "Nahulog si Keira sa ladder dahil dito." sabi ni Bianca habang inabot niya ang papel. Ibinasa niya ito at tumayo ang kanyang balahibo. "Magsisimula na." wika nito.



Class Secrets IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon