Chapter 2: Warning

201 10 0
                                    

June 4, 2015, 6:30 am

School Dorms


"Xian! Xian! Gising may namatay sa quadrangle." gising ni Megan kay Xian. Nagising si Xian at kinamot-kamot niya ang kanyang ulo. "Huh?" sabi niya. "May namatay sa quadrangle!" ulit naman ni Megan. Agad naman tumayo si Xian para puntahan ang quadrangle.


Madaming estudyante at guro ang bumababa sa hagdanan para tignan ang insidente.


Magkatabi ang mga officers kasama ni Peter, ang SC president na galing sa 8A. "Sasha, kalian mo napansin ang katawan na 'yan?" tanong ni Peter kay Sasha habang nakaturo sa bangkay. Naka-school uniform ang bangkay at duguan ang mukha. Bali-bali ang buto ng estudyante. "Kaninang umaga, nasa patrol duty ako. Sa may canteen area ako noon ng may narinig akong putok ng baril galing sa quadrangle. Tumakbo ako at nakita kong nahulog ang bangkay mula sa third floor." sagot niya.


Maya-maya lamang dumating ang pulis. Linagay nila ang katawan sa isang body bag at umalis. Dahil sa insidente, kinansela ang klase sa araw na iyon.


"Sino kayang gumawa 'non?" tanong ni Althea kina Caleb at Kristel sa isang Starbucks na café. "Baka si Achilles. Nabalitaan ko kasi naprank niya ang mga officers sa banyo." sagot ni Kristel. "Oo. Pwede nga" sabi naman ni Caleb.


Back at school...


"Sure ka pwede 'to?" tanong ni Tiffany kay Raphael. "Of course! Gagawin lang natin 'to para malaman natin ang dark past ng eskwelahan natin." Pumasok sila sa dating MAPEH building ng eskwelahan. Pitong taon na ang pagkalipas noong nasunog ito.


Pumasok ang dalawa mula sa isang maitim na pintuan. Binuksan ni Raphael ang flashlight habang nakasunod si Tiffany sa likod nito. Napasigaw naman si Tiffany nang tinapat ni Raphael ang flashlight sa isang skeleton. Ito ay ang skeleton ni Abigail, ang dating vice president ng 8B. "Lumabas na tayo dito. Natatakot kasi ako." yaya ni Tiffany. "Sige." sabi ni Raphael bago tumama ang isang bala sa kanyang ulo. "AHHHHH!" sigaw ni Tiffany habang kinukuha niya ang flashlight. Nang tinapat niya ito sa harapan niya, may taong nakasuot ng maskara. "Hindi ka dapat dito," sabi niya. "at hindi ka rin makakaalis dito." dagdag niya habang sinaksak niya ang isang injection na may purple na laman sa kanyang hita.


Nahulog si Tiffany sa sahig at bumula ang kanyang bibig. "Ako ang dahilan kung bakit kayo isa-isang mahuhulog. Ako din ang sanhi ng inyong kamatayan." sabi ng killer.


Ang susunod na araw...


"Nakita na ba ninyo si Tiffany at Raphael?" tanong ni Elijah kina Gavin at Ivory. "Nakita na sila ng Group 3. Natagpuan ang kanilang bangkay sa dating MAPEH building." sagot ni Gavin.


Dumating nanaman ang pulis at kinuha ang dalawang bangkay. "Dadalhin naming ang mga bangkay sa Forensic Autopsy Lab." sabi ng isang pulis. "Alam niyo ba kung kailan dadating ang resulta ng tatlong bangkay?" tanong ng school principal. "Hindi pa po, eh. Mukhang matatagalan kami." sabi naman ng isa pang pulis. Linagyan nila ng police line ang MAPEH Building at sila'y umalis.


"Kahapon lang may namatay. Ngayon naman sina Tiffany at Raphael?" sabi ni Caleb. "Oo nga," sabi naman ni Dominic. "Baka lahat tayo'y mamamatay." dag-dag pa niya. "Huwag ka naming magsalita ng ganyan!" saway ni Erika. "What? Sabi ko 'baka.'" sabi ni Dominic. Bigla namang tumunog ang speakers.


"Students, please proceed to your respective classes." sabi nito. Nagsi-akyatan ang mga estudyante sa mga hagdanan. Noong nagpwesto na ang mga estudyante ng 8B sa loob ng kanilang silid, pumasok ang guro nilang si Mr. Rivera. Binati nila ang kanilang guro. "Magandang umaga din sa inyo. Magsiupo na kayo." sabi ng guro.


Nagturo ang guro ng Araling Panlipunan habang nakinig ang mga estudyante ng maigi. Pagatapos ng kanilang lecture. May sinabi si Mr. Rivera. "Ang buong pangalan ko ay Austin Rivera. Noong grade 8 ako, nagsipatayan ang klase ko. Huwag kayong magtiwala sa Ms. Morales niyo. Siya yung killer." sinungalin ni Austin

Class Secrets IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon