Chapter 4: Tranferees

205 8 0
                                    

Umupo ang mga estudyante ng 8B sa kanilang mga upuan sa kanilang silid. Excited sila dahil dadating na ang bago nilang mga kaklase. Noong tumunog ang bell, nagsipasok si Natasha at ang  mga transferees.

Tumayo ang mga transferees sa harapan at nagiintay ng kanilang turn na magpakilala sa mga kaklase nila. 

Pumunta ang isang babaeng matangkad at maputi. Siya'y may curly brown hair at mala-model na katawan. "Hi! Ako si Dianne Estebueso. I'm very dependable and you could trust me unless your're my enemy." wika niya.

Pumunta naman sa kanyang upuan si Dianne bago nagsimula ang introduction ni Ezekiel. "Ako si Ezekiel Buenavista pero pwede niyo akong tawaging 'Zack'." 

Nagsalita naman ang isang magandang babaeng may magandang ngiti. "Hi! I'm Sarah Tamayo. Magaling akong kumanta at dahil dito, nakasali na ako sa mga international singing contests." Umupo si Sarah sa isang sulok ng silid at nakinig sa susunod na magsasalita.

Tumayo naman ang isang babae at naglakad papunta sa harap. "Hello!" sabi nito. "Ako si Sapphire Fuentabella. Magaling ako sa Science at mahilig ako magprank sa aking kapwa estudyante." 

"Hehe. May kasabwat na ako." wika ni Achilles habang papunta si Michael sa harapan. "Ako si Michael Sebastian. Mahilig akong magbasa ng mga libro at magluto." sabi naman ni Michael.

Noong Lunch...

Kumakain sina Dominic, Xian, Maxwell at si Connor sa canteen ng biglang merong narinig silang sumabog sa taas ng kinakainan nila. Nagingay ang mga kotse at nagsitakbuhan ang mga estudyante palabas ng canteen. "Ano 'yon?" tanong ni Dominic, natataranta. "Mukhang galing 'yon sa taas. Tignan nat-" Hindi natapos ni Maxwell ang kanyang sinabi ng naamoy nila ang sleeping powder. Sinubukan nilang labanin ang kemikal ngunit nakatulog sila.

"Nasaan tayo?" tanong ni Connor sa kanyang mga kaklase. Sila'y nasa isang malaking kwarto na may isang mesa sulok. Hindi nila makita ang kanilang location dahil madilim ang paligid. Isa-isang bumukas ang ilaw at nakita nila ang mesa. 

Naglakad sila papunta sa mesa at nakita nila ang iba't-ibang sandatan na nakapatong dito. May note na amoy rosas din na nakadikit dito. Only one will live. Iyon ang nakasulat doon. Tumunog naman ang speaker at narinig nila ang isang boses ng lalaki.

"Welcome students," sabi nito. "You will each get a weapon from the table and on my signal, will fight to the death. Pick your weapons now." 

Pinili ni Xian ang isang bolo at isang bulletproof vest. Kumuha si Connor ng isang axe habang idinampot ni Maxwell ang isang kutsilyo. Tinignan naman ni Dominic ang kanyang napiling sandatan- isang handgun. "Good. It begins in 3.. 2.. 1.. Go!"

Sinaksak ni Xian si Dominic ngunit agad itong nakaalis at binaril niya ang kaklase. Tinapos naman si Xian ni Connor sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang likod. Tumulo naman ang dugo mula dito. Tinapon naman ni Maxwell ang kanyang kutsilyo kay Connor at bumaon ito sa shoulder blade niya. Dinampot naman niya ang bolo ni Xian at ginamit niya ito pangtangal ng kaliwang kamay ni Connor. 

Nahulog naman si Connor at sinubukang umalis. Binaril naman ito ni Dominic. Sinipa naman siya ni Maxwell at  siya'y nadapa. Nakataas na ang bolo ng kanyang kalaban at handa ng pumataykay Dominic. Hindi mabaril ni Dominic si Maxwell dahil nawala niya ang baril. Pumutok naman ang isang baril at tumama kay Maxwell. Tumagos ito sa likod ng kanyang ulo kaya namatay ito. Pagatapos, nahimatay si Dominic.

Nagising naman si Dominic sa clinic. Nakahiga siya sa isang kama habang nakakabit siya sa isang Heart Monitor. May mga bandages siya sa katawan at siya'y nahihilo. "Anong nangyari?" tanong niya kay Bianca, na inassign na bumantay sa kanya. "Nakita ka ni Keira sa lumang 8B classroom. Nakita niya din sina Max, Xian at Connor. Halatang patay ang mga kasama niyo kaya ikaw lang ang dinala dito." sagot naman ni Bianca.


Class Secrets IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon