Chapter 6: Needle

124 7 1
                                    

Isang buwan na ang lumipas pagkatapos ng huling insidente. Dahil alas tres pa sa umaga, halos lahat ng mga estudyante ay natutulog. Pero, ang hindi nila alam ay mayroong gustong magkidnap sa kanila.

Tahimik na lumakad ang isang nakamaskarang lalaki papunta sa isang dorm. May hawak siyang butterfly knife at may bag siya sa kanyang likod. 

Pagkarating niya sa dorm, tumingin siya sa maliit na guardhouse sa harapan nito. May napansin siyang apat na guwardya sa loob nito. Ang tatlo sa kanila ay tulog habang ang isa ay nanonood ng TV.

Kinuha ng guard ang cellphone niya sa may bintana nang may biglang sumaksak sa kaniyang mata. Hindi niya mapigil ang sakit kaya sumigaw ito at natumba sa sahig.

Nawala ang kuryente.

Nagising ang iba bang tatlong guwardya at kumuha ng flashlight. Ang isa sa kanila ay lumapit sa nagdurugong bangkay ng kasama nila. Naramdaman niya ang isang kamay na humila sa buhok niya. Pumipilit siyang makatakas nang hiniwa ng lalaki ang kaniyang lalamunan.

Kabang-kaba ang dalawang natitira. Hawak-hawak na nila ang kanilang mga baril at handa nang magpaputok. May dumaklot sa nightstick ng isang guwardya at ginamit itong pamalo sa kanilang dalawa. Habang wala silang malay, tinali ang dalawa sa kama at tinakpan ang bibig gamit and duct tape. Pinugutan sila ng ulo.

Lumabas ang killer sa guardhouse at naglakad papunta sa dorm.

Si Gregory ay nagaaral para sa isang exam bukas sa Science. Dahil sa kanyang sobrang pokus, hindi niya napansin na may pumasok sa kaniyang kuwarto. Nagulat na lang siya nang may biglang tumama sa likod ng kanyang ulo.

Nagising siya sa isang madilim na kuwarto. Ang isang flashlight lang ang nagbibigay ng napakahinang ilaw.  Nakahiga siya sa isang kama na punong-puno ng dugo. Tatayo na siya pero hindi niya ito nagawa dahil sa sakit ng paa niya. Tumingin siya dito at nalaman na tinali ang mga paa niya sa dalawang bedpost. Tumingin siya sa kaniyang tabi. Doon, may isang mesa na may limang injection. Ang mga laman nila ay may iba't-ibang mga kulay. Pumasok naman ang apat na taong nakamaskara. Dalawa sa kanila ay humawak sa kaniyang kamay at paa habang ang isa ay kumuha ng isang injection sa mesa.

Tumingin ito kay Gregory at isinaksak ang injection sa kaniyang kaliwang kamay. Tinaggal nito ang maskara at ngumiti.

"Aidan?" sabi ng nagulat na Gregory.

"Ang linagay ko sa katawan mo ay lason. Pumili ka sa apat na natitirang injection. Isa sa kanila ay ang antidote ngunit ang tatlong iba pa ay mas matinding lason kaysa ang linagay ko sa iyo." wika ni Aidan.

Napatingin siya ulit sa mesa. Ang kulay ng mga injection ay pula, lila at luntian. May isa ding likido na walang kulay. Kinabahan siya ng sobra. Kinuha niya ang injection na may malinaw na likido. Mabilis niyang tinusok ang sarili niya habang nakasarado ang mga mata niya.

Nasa classroom na siya. Hindi niya alam kung paano siyang nakarating dito dahil hindi niya maalala ang nangyari kanina.

Anong ginagawa ko dito? 

Tumingin siya sa paligid niya. May nangyayaring pagsusubok sa Science. Kumuha siya ng isang pen sa kaniyang bag at nagsimulang magsulat.

Buti nalang napili ko ang tamang injection.

Natapos niya ang pagsubok ng maaga kaya binigay niya ang papel sa guro at lumabas ng kuwarto. Tumingin siya sa kaniyang relo at nakita niya na 11:45 am na. Papunta siya sa canteen para kumain nang sinalubong siya ni Aidan.

"Sorry for awhile ago. Punta tayo sa canteen. Ibibili kita ng pagkain." sabi ni Aidan.

Habang kumakain sila, sinabi ni Aidan na pinilit siyang gawin ito. Pinatawad naman siya ni Gregory dahil isip niya na kahit ayaw ni Aidan, kinailangan niyang gawin ito para sa kanyang kaligtasan.

"Huwag ka nang magalala. Mamaya, pupunta ako sa Security Office para humingi ng tulong." sabi naman ni Gregory.

Papunta ang dalawa sa guardhouse sa labas ng dorm. Noong kinatok nila ang pintuan, wala ang sumagot kaya pumasok nalang sila. Kahit tanghaling tapat, wala silang nakita kaya hinanap nila ang ilaw.

"Bakit ang baho dito?" tanong ni Gregory.

Pagbukas ng ilaw, halos masuka si Gregory sa nakita. May apat na katawang nakahandusay sa sahig. Makikita mo na naliligo sila sa kanilang sariling dugo. Tatakbo na sana si Gregory nang bigla siyang harangan ni Aidan.

Sinipa siya kaya nahulog siya sa sahig. Hinila niyang palabas ang tatlong injection sa kanyang bulsa at tinusok ang mga ito sa mata ni Gregory. Tumitigtig si Gregory habang bumubula ang kaniyang bibig. Nang tumigil na ito sa pagagalaw, hinila siya palabas ng guardhouse at ipinasok siya sa isang garbage bag at linagay ito sa labas ng classroom. 

Pagkabalik ng mga estudyante galing sa kanilang break, nagkagulo sila. Tinawagan nila ang pulis at sinuspende ang klase sa araw na iyon.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Class Secrets IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon