Chapter 3: Cannibalism

179 10 0
                                    

June 15, 2015, 7:30 p.m.

School Dorms

Nasa loob ng Dorm 3 ang magkakaibigang Nero, Maxwell at Paul. Nagkwekwentuhan ang mga estudyante sa dining room ng dormitory nila. "Nero, pupunta kami ni Maxwell sa library. Magaaral kami para sa test bukas." sabi ni Paul kay Nero. "Sige," sabi naman ni Nero. "Dito naman ako sa kusina para magluto ng hapunan natin." dag-dag niya.

Lumabas sina Maxwell at Paul sa dorm habang dumiretso si Nero sa kusina. Kumuha siya ng isang paa ng baboy sa refrigerator at sinubukan niyang gumawa ng isang Pata. Habang nagluluto siya, may narinig siyang pintuan na nagsara. "Max? Paul? Hindi pa handa ang-" hindi niya natapos ang kanyang nasabi dahil may tranquilizer dart na tumama sa hita niya.

Nagising siya sa taas ng dining table. Hindi siya makagalaw kahit walang mga tali sa katawan niya. Ang dahilan dito ay dahil naparalyse siya ng killer. "Ano kaya ang kakainin nina Max at Paul mamayang hapunan?" sabi ng killer. "Ano ba?! Pakawalan mo ako!" sigaw ni Nero. Hindi siya pinansin ng killer at linagay niya ang isang injection sa leeg ni Nero kaya humina siya . Kumuha siya ng isang butcher's knife at ibinaon niya ito sa tiyan ni Nero.

"Babayaran... mo... ang... ginawa... mo..." pautal-utal na sabi ni Nero bago siya'y namatay.

Two hours later...

"Nero, nakahanda na ba ang pagkain?" tanong ni Maxwell. Pumunta sila sa dining table at nakita nila ang isang malaking bowl na may brownish na sabaw at isang malaking karne. "Baka may pinuntahan lang siya." sabi ni Paul.

Kumuha ng isang plato si Paul at linagyan ito ng nakahain sa mesa. Maya-maya lamang nagsuka siya sa mesa at dumiretso siya sa banyo. Tumayo naman si Maxwell para kumuha ng tubig.

Noong tumingin siya sa isang mesa, nahulog ang baso ng tubig kaya kumalat ang tubig at ang mga bubog. "What the..." bulong niya habang tinitignan niya ang kinain nila: si Nero.

Nang linapitan niya ito, nakita niya na may isang malaking butas sa tiyan ni Nero na punong-puno ng dugo. Wala na ang ibang organs niya katulad ng kanyang puso at small intestines. "Paul, tignan mo 'to." tawag ni Maxwell kay Paul.

30 Minutes Later...

Alam na ng buong seksyon ang malagim na fate ni Nero.

"Napansin niyo ba na may pumapatay sa atin?" tanong ni Gavin. "Oo. Apat na ang namatay noong simula pa lang ng klase." Dag-dag naman ni Evelyn. "Kailangan nating magingat kung gusto nating mabuhay." Sabi ni Keira.

The Next Day...

June 16, 2015, 9:00 a.m.

School Garden

"Nandito tayo lahat para pumili ng mga taga-protekta sa atin, ang mga Vipers." Anunsyo ni Mason sa taas ng isang entamblado.

"8H," sabi naman ni Daniel. "Pumili kayo ng mga taga-protekta sa atin."

Pagatapos nilang magpili ng mga taga-protekta nila, inanunsyo na ang mga ito. "Ang mga Vipers ay sina Caleb, Xian, Tiffany at si Camille. Mga Vipers, sabihin niyo na ang inyong pledge." dagdag niya. Nagrecite ang mga Vipers ng kanilang pledge tapos nagpalakpakan ang mga estudyante.

Someone's POV

Hmm... mukhang mahihirapan ako dahil sa mga Vipers na ito. Buti nalang may mga kaibigan ako dito sa klaseng ito. Linapitan ko ang isa sa kanila, yung nagbabasa. 

"Psst. Mamayang gabi magpulong tayo doon sa MAPEH Building." bulong ko sa kanyang tenga. "Dalhin mo din ang ating bagong recruit." tuloy-tuloy kong sabi. 

Noong gabing iyon, nagkita kami sa harapan ng MAPEH Building. "Sigurado ka bang nandito tayo pupulong sa ating boss?" wika ng recruit. "Oo. Kung sasali ka sa amin, dapat palagi kang sigurado." sabi naman ng aking kasama.

Pumasok kami sa loob ng gusali. Wasak na wasak pa ito dahil sa sunog na naganap dito noong pitong taon. May mga footsteps kaming narinig papunta sa aming direction. Hinawakan ko ang baril na nasa aking belt. Noong nakita ko na ito pala ay isang matangkad na lalaki, tinangal ko na ang kamay ko.

"Shall we begin?" tanong niya habang may ngiti sa kanyang labi. 



Class Secrets IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon