Madaling umaga nagpulong ang mga killers sa kanilang leader- si Austin. "Alam na niyo kung ano ang gagawin?" tanong nito. "Oo." sagot naman ng mga killer.
Sa susunod na umaga...
Pumunta ang lahat ng mga Grade 8 na estudyante sa canteen para kumain ng agahan. Habang sila ay kumakain, biglang namatay ang mga ilaw at may nakakatuhog na tunog na lumabas sa speakers. Pagatapos nang ilang sandali, bumalik sa normal ang canteen pero patuloy na nagpapanik ang mga estudyante.
"Kumpleto ba tayo?" tanong ni Daniel sa kanyang mga kaklase.
"Nawawala si Dominic!" sigaw ng isang estudyante.
"Nawawala din si Caleb!" sabi ng isa pa.
"That's right nawawala sila!" wika ng taong nagsasalita sa speaker. "Bibigyan ko kayo ng isang oras para hanapin sila. Kapag hindi niyo sila nahanap papatayin namin sila. GO!"
Lumitaw naman sa mga LCD screens sina Dominic at Caleb habang may timer sa ibaba nila. Si Dominic ay may isang kutsilyong nasa likod niya at siya ay nakaupo sa isang reclining chair na may butas para pwedeng pumasok ang kutsilyo kapag nagsandal ang upuan.
Si Caleb naman ay nakahiga sa isang metal na kama na puro butas. Sa taas naman niya ay ang isang nakalambitin at malapad na metal na may mga spikes. Kapag hindi siya nakaligtas, mapuputol ang lubid at mahuhulog ang mga spikes.
"Puntahan niyo ang lahat ng kwarto para hanapin sina Dominic at Caleb!" sigaw ni Daniel.
Nagsitakbuhhan ang mga estudyante. Noong malapit sa library si Elijah, nadapa siya dahil sa isang tripwire. Pagkahulog niya, meron siyang narinig na putok ng isang baril. Nakaramdam siya ng sakit sa likod dahil dito siya natamaan ng bala.
Noong lumingon siya sa likod niya, meron siyang nakitang taong may skull mask at may hawak na baril.
"S-sino ka?!" sigaw ng takot na Elijah.
"I'm your worst nightmare." sabi nito. Tinapat naman ng killer ang baril sa tiyan ni Ellijah. Sinipa naman ni Elijah ang killer at sinuntok naman niya ito.
Habang siya ay nagdudurusa dahil sa kanyang sugat, tumakbo ng palayo si Elijah. Nasalubong niya si Bianca.
"Anong nangyari sa'yo?!" tanong ni Bianca ng makita ang duguan na kanyang kaklase. Hindi naman nakasagot si Elijah at bumagsak sa sahig na walang malay. Dahil dito, tumawag naman si Bianca ng nurse galing sa clinic.
Sa canteen...
"Meron na bang nakita?" sabi ni Daniel kay Keira.
"Sabi daw ni Hera, nakita na si Dominic sa isang kuwarto. Dinala siya sa clinic kasama ni Elijah." sagot ni Keira.
"Ano naman ang nangyari kay Elijah?"
"Binaril siya sa likod sa harapan ng library. Nakita siya ni Bianca kaya humingi na lang si Bianca ng tulong sa clinic."
Bigla na lang may isang napakalakas na tunog ang narinig. Tumingin ang mga estudyante at nakita nila ang pagkahulog ng mga spikes sa katawan ni Caleb. Umagos naman ang dugo dito at agad siyang nawalan ng buhay.
Nawala ang konneksyon ng LCD at naging audio only ang lumanas sa LCD.
May biglang nagsalita. Ang sabi nito ay, "Namatay nanaman ang inyong kaklase. Kailangan niyong maging mas maingat o mas madadalian ako sa pagpapatay sa inyo. Who's next? HAHAHA!"
Sa clinic...
Habang ginagamot si Dominic, meron siyang naisip.
"Ako na nga ba ang susunod?" tanong niya sa sarili niya. "Dalawang beses na akong muntik nang mapatay. Bakit ako ang gusto nila?"
BINABASA MO ANG
Class Secrets II
HorrorIlang mga estudyanteng namatay... Napanganib ang kanilang mga buhay... Tinapos nila ang sikreto... Pero babalik ito galing sa patay... Ang bagong mga estudyante... Walang ka malay-malay... Started: May 26, 2015 [10:06 a.m.]