Chapter 1: A New Beginning

254 10 1
                                    

June 3, 2015, 8:10 a.m.

School Clinic


"Keira, kailangan mo munang umuwi para mapahinga mo ang iyong paa." sabi ng doktor kay Keira. "Pero kailangan ko pong makatulong sa program namin sa classroom." sabi naman ni Keira. "Ako na ang bahala diyan." sabi ni Daniel. "Sige, salamat." umalis si Keira.


Paakyat na yung mga officers sa hagdanan nang makarinig sila ng isang sigaw galing sa taas. "Tulong!" Tumigil naman ang mga officers sa paglalakad. "Narinig niyo 'yon?" tanong ni Gabriela sa mga kaklase. Tinuro naman ni Mason ang banyo. "Nandoon galing ang sigaw!" Tumakbo naman ang mga officers at pinasok nila ang banyo.


Nakapatay ang lahat ng ilaw sa banyo. Mabagal silang naglakad para sila'y maging alerto kapag may nangyari. Kinapa-kapa ni Daniel ang ilaw at sinubukang buksan. "Hindi gumagana ang ila-" biglang may sumigaw nanaman. "AHHHHHH!" sabay nahulog ang isang rope na may taong nakalambitin. Dahil dito, nagpanic ang mga officers dahil biglang naglock ang pintuan. Lumabas naman si Achilles sa kanyang tinataguan habang tumatawa.


Binuksan naman niya ang ilaw habang may ngiti sa kanyang labi. "Huwag kayong magalala. Plastic lang 'yan." sabi niya habang hinawakan niya at pinisil niya ang nakalambitin. Bumalik naman sila sa kanilang silid.


Pagbukas ni Mason ng pintuan, sumabog ang isang party popper at nagsipalakpakan ang mga estudyante. "Sila ang mga officers," pagkikilala ni Natasha sa mga estudyante. "Sila ay sina Daniel, ang class president, Mason, ang VP ng Student Council, Bianca, ang VP ng klase, Gabriela, ang Secretary ng Student Council at si Keira, siya ang secretary ng class ngunit wala siya ngayon. Si Sasha ay ang treasurer. Palakpakan niyo sila!" Nagsipalakpakan nanaman ang mga estudyante.


Kinain ng mga estudyante ang pizza, tacos at pasta na handa ni Nero. Nanood din sila ng isang horror movie. Habang nanonood sila ng horror na movie, biglang nagsarado ang movie at kusang gumalaw ang cursor sa isang video. Bumukas ito at pinakita ang isang lalaking nakatali sa pillar ng lobby ng school. May time bomb sa tabi niya. "Impossible... Paano 'to napunta sa laptop ko?" bulong ni Natasha sa sarili niya.


"Ms. Morales, ano 'yan?" takot na tanong ni Camille. "Isa sa mga incidenteng nangyari seven years ago." Biglang naglipat ang scene sa isang babaeng tinabunan ng cement. Nagsipanic ang mga estudyante. Pinigilan silang maglabas ng classroom ng mga officers pero dahil sa dami nila, nakalabas pa rin sila. "Bianca, Gabriela, habulin niyo sila!" utos ni Mason.


Habang tumatakbo sila, napansin ni Xian ang isang papel na nakaipit sa pintuan ng science lab. Kinuha niya ito at binasa.


Mararanasan niyo ang imyernong naramdaman nila.


Tumakbo naman pabalik si Xian sa kanilang seksyon. "D-Daniel, tignan mo..." sabi ni Xian habang inabot niya ang mensahe.


Pagatapos ng limang minuto, bumalik ang mga estudyante sa seksyon. Hindi na sinabi ng mga officers tungkol sa papel dahil natakot sila na makakarambulan nanaman.


June 3, 2015, 9:26 p.m.

School Dorms


Hindi makatulog si Erika dahil sa naranasan noong umagang iyon. Ginising niya ang kanyang katabi. "Hazel, hindi ako makatulog." Nagyawn si Hazel. "Saglit lang, ha. Kukunan kita ng maiinom." Umupo si Hazel sa kama at bumaba siya sa double-decker bed. Naiwan si Erika sa bedroom dahil na sa kitchen ang kanyang roommate na si Hazel. Tinignan naman niya ang kanyang cellphone. "9:26 na pala." bulong niya sa sarili. May nakita din siyang isang new message galing sa isang unknown number. Laking mata niya itong binasa.


Humanda kayo bukas. Magsisisi kayo tungkol sa pagpapasok dito!


Sakto lang ang pagbalik ni Hazel na may dalawang dala-dalang cup. Iniabot niya ang isang cup kay Erika. "Latte yan. Diba, 'yan ang paborito mo? Bakit parang nakakita ka ng multo?"


Tinignan lang niya ang kaibigan at ngumiti. "Wala." sinungalin niya. Ininom nila ang kanilang mga kape at nakatulog si Erika.



Class Secrets IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon