Dugo, laman, buto at abo
Isang kahariang uhaw sa digmaan
Pag-aalsang madugo
Samyo ng kalawang sa mga espada
Tambak na mga patay na katawan
Uod sa loob ng laman
Tatlong sugo ang tatapos
Isang imperyo ang babagsak
Ang paghihimagsik ng kinalimutan
Sa mundo nina Amara, Lirael at Sinaris, ang kahiwagahan ng Majika ay mahigpit na ipinagbabawal ng Kaharian—kamatayan ang katumbas ng pag-eensayo niyon.
Simula nang maghari ang mga mortal sa bawat kontinente ng mundo, kasabay niyon ang paglaho ng mga Maji—mga taong may taglay na Majika o kapangyarihan sa dugo.
Ngunit sa pagdaan ng mga taon, isang pag-aaklas ang patagong binubuo na paghihiganti ang naging pundasyon.
Isang imperyo ang tuluyang babagsak.
Isang kaharian ang magiging abo.
Isang madugong digmaan ang nalalapit.
Ang samyo ng patay na mga katawan ang babalot sa atmospera.
At ang itinakdang sugo ng mga Maji ang mabubuhay.
AUTHOR'S NOTE: Ito po ay UNEDITED version ng nobela. Maaari kayong makapansin ng mga pagkakamali sa grammar o spelling.
BINABASA MO ANG
Awit ng Dugo at Abo
FantasySa isang mundo kung saan ang pagiging Maji o ang pag-eensayo ng Majika o kapangyarihan ay isang kasalanan na ang kapalit ay kamatayan, pipiliin mo ba ang minana mong hiwaga mula sa mga ninuno o tatalikuran iyon at itatago? Lennguwahe: Tagalog