Damn Heart 1

28 2 0
                                    

SHIENNA

"Iha. . ."

Napatingin ako sa kamay kong mahigpit na hinawakan ni Tita Felly. Then look at her pale face. We were inside her room. Gusto niya pa sanang manatili sa hardin kaso mahamog na kaya ipinasok ko na siya sa loob ng kanyang kwarto para makapagpahinga na.

The first time I saw her she was very lively, vibrant. Laging nakangiti. Energetic na tila ba walang kapuroproblema. At higit sa lahat subrang bait at down to earth. Pareho sila ni Sir Conrad. Nakikisalamuha sa aming mahihirap.

Ngunit sa isang iglap bigla na lang bumagsak ang katawan niya. Nagsimula lang 'yon no'ng ma-hospital siya matapos atakihin sa puso at ma-confine. Maliban sa hypertension wala namang makitang ibang sakit sa kanya ang doctor kaya nakakapagtaka naman na habang tumatagal lalong siyang nanghihina at nangangayayat. Puro negative naman ang results ng mga test na isinagawa sa kanya. I wonder kung ano ba talaga ang kanyang totoong sakit.

Like. . . nakakapayat ba ang hypertension? Nakakabawas ng timbang? Nakakaputla? Honestly napakalaking question mark no'n sa akin. But then again, estudyante lang ako at 'di pa bihasa sa medisina. At isa pa hindi ko pwedeng kwestyunin ang private Doctor nila. Baka tanggalin ako, mahirap na. Pati 'yong isa pang nurse na karelyibo ko napakasungit. 'Di makausap. Nakairap lagi sa akin. Pero pagdating kay Sir at Tita, sa mga trabahador sa Rancho at dun sa tubuhan, kina Inay, pati sa opisina, ah basta sa kanilang lahat. . . ayaw ko na lang mag-talk at lahat ng mabuti at kapurihan nilunok niya ng hindi dumadaan sa malaking bunganga niya.

Like duh? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero kung makaasta akala mo naman niyurakan ko ang puri niya. Kung makautos pa sa akin akala mo Boss na nagpapasahod. 'Yung documentation niya dinaig pa ang sulat ng Doctor. Parang ayaw ipaintindi sa akin.

Buti na lang at dadalhin na si Tita Felly sa States para maipagamot. Mas bihasa at high tech ang mga gamit doon kaya sigurado akong mas mapapadali ang paggaling niya. Though nalulungkot ako na aalis na siya, but still, I prayed for her fast recovery.

"Tita. . ." pinahid ko ang tumakas na luha sa kanyang mga mata saka naupo sa gilid ng kanyang kama. "Noong nakaraan pa po kayo panay iyak. May masakit po ba sa inyo?"

Sunod-sunod siyang umiling. "Nalulungkot lang ako't 'di na kita makikita--"

"Tita," saway ko sa kanya. "Magpapagamot lang po kayo sa States kaya magkikita pa rin po tayo."

"Bakit ba kasi hindi ka na lang sumama sa akin? Mas gusto kong ikaw ang mag-alaga sa akin. Kapag ibang nurse ang humahawak sa akin pakiramdam ko anumang oras malalagutan na ako ng hininga."

I took a deep sighs then caress her hand. "Kung pwede lang po sana kaso. . . nag-aaral pa po--"

"Alam mong kaya ka naming pag-aralin ni Conrad." agap niya. "Ayaw mo lang talaga sumama. Nagsasawa ka na siguro mag-alaga sa akin e." hinampong binitawan niya ang kamay ko.

I chuckled while my tears rolled down in my cheeks. Mabilis ko iyon pinalis.

"Tita naman e. You know exactly the reason why--"

"Oo na. Ulit-ulit na lang. Kinausap naman na namin ang mga magulang mo e. Ayaw mo lang talaga. Nagpapalusot ka pa." natawa ako ng irapan niya pa ako. "Alam mo kung wala lang talagang asawa ang anak ko, naku--"

"Naku Tita," mabilis akong napatayo. "Magpahinga na po kayo at marami pa po akong ililigpit."

Marahas akong napabaling sa pintuan ng makarinig akong mahinang tawa doon. There, I saw Sir Conrad leaning on the door frame. Amused na nakatingin sa amin. Nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.

"Sir,"

"Pwede ka ng magpahinga Shienna. Ako ng bahala kay Felly."

"Ah, marami pa po akong tatapusin Sir--"

DAMN HEART: Bud Brothers Series 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon