Damn Heart 10

27 2 0
                                    

MIGUEL DAN FELIX DEL CARPIO

Lumabas ako ng bahay. Sinundan ko si Shienna pero sina Samantha at Lea ang natanaw kong naglalakad. Daang papunta sa tubuhan ang tinatahak. Akma ko silang lalapitan ng mag-vibrate ang phone ko. I hurriedly took it out in my pocket.

Jeth calling...

I press the answer button and then walk towards the tree. “What?”

“Anong what?! Nasaan kang hinayupak ka?!”

Napangiwi ako sabay layo ng phone sa tainga ko ng makilala ko ang nangangalaiting boses ni Mom sa kabilang linya. Ang dami nitong sinabi. Nang marining kong natahimik na sa kabilang linya saka ko lang idinikit muli ang cellphone sa aking tainga.

“Ngayon ko lang na discover na ang galing niyo po pala mag-rap, Mom,”

“I swear Miguel, paglalamayan ka sa susunod na araw kapag 'di ka pa tumigil sa pambababae mo!”

I laughed. “Ganun niyo po ako na miss? I miss you too, Mom--”

“Miguel Dan Felix--naku! Babangon ang bangkay ng Lolo Felix mo mabanggit ko pa lang ang pangalan mo--MIGUEL! Saang lupalop ka ba--”

“Nandito po ako sa loob ng Hacienda.” sabad ko. “Hinahanap ko si--este papunta po ako sa tubuhan. Titingnan ko kung may maitutulong po ako doon. But anyways, ba't nasa inyo po pala yang phone ni Jeth?”

“Papunta ka ba kamo dito sa tubuhan?”

“Yes po--”

“Bilisan mo kung ganun!” angil nito. “Magtutuos tayo dito pagdating mong bwesit ka!” sabay patay ng tawag.

Nagkibit-balikat na lang ako saka muling sinuksok sa bulsa ang cellphone. Pagbaling ko natanaw ko si Kuyang malalaking hakbang na naglalakad papuntang Rancho ang daan na tinatahak. Natigilan pa ako ng makita kong huminto sina Sam at Lea. Mukhang binati si Kuya na hinintuan din sila. Salubong ang kilay na naglakad ako palapit sa kanila. Curious sa pinag-uusapan nila.

“Parang nakakahiya naman po kung JM lang ang itawag namin sainyo. Anak po kayo ng may-ari ng pinagtatrabahuhan ng mga magulang namin.” wika ni Sam.

“Anak lang ako. Hindi ako ang may-ari. So drop the formalities. Like I said, I hate it.” sabi ni Kuya saka nilampasan ang dalawa.

Nakasunod naman ang tingin nila dito.

“Buti pa 'tong panganay mabait. 'Yong isa saksakan ng yabang. Sarap tadtarin.”

Nakapamewang na huminto ako sa likuran nila.

“Huy--hinaan mo 'yang boses mo. Baka marinig ka.”

“E ano naman?” inis na wika ni Sam kay Lea. “Gusto ko nga 'yon e ng malaman niyang nakakabwesit ang kapatid niya.”

“Tss, Ikaw talaga. Ibinalik naman na yung mga magulang natin sa trabaho. Patawarin mo na lang yun--”

“Anong patawarin? Ni hindi nga marunong mag-sorry ang pangit na yun.”

“Makailang ulit na daw yun nag-sorry kina Itay e.”

“Sa kanila OO. E sa'kin? Kay Kuya Axel? Nag-sorry ba siya? Hindi diba? Mantakin mong ihahagis niya pa daw ako sa liwasan. Tapos kahapon sinumbong pa ako kina Itay na nanggulo daw ako dun sa karinderya.”

“E sa nanggulo ka naman talaga--”

“Nanggulo ba yun? Pinagtanggol ko lang naman si Ate sa pang-aalipusta ng gurang na yun ah. Tsaka kalalaki niyang tao... ilang taon na ba siya para makuha niya pang magsumbong sa mga magulang ko ha? Tsaka hindi lang yun, napakasinungaling niya pa. Iniwanan ko daw si Ate sa kakahuyan. Ayun, sandamakmak na sermon ang inabot ko kay Itay. Grabe siya diba? Napakapangit niya na nga, ungentleman pa. Kumukulo talaga ang dugo ko sa--” namilog ang mga mata ng dalawa ng malingunan ako. “...animal na nasa harapan natin.”

DAMN HEART: Bud Brothers Series 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon