Damn Heart 5

55 1 0
                                    

MIGUEL

"Sabihan niyo ang lahat ng trabahador na bumalik sa kanilang mga trabaho," wika ni Kuya sa maautoridad na tono saka ako binalingan. "And you idiot, sumunod ka sa akin."

Isang nakamamatay na tingin ang pinukol ko sa babaeng yun bago sumunod kay Kuya at Keith.

"Ano bang pumasok sa kukute mo at pinagtatanggal mo ang mga trabahador?" sita ni Kuya pagkapasok namin ng kusina. Naabutan namin doon na nagtatawanan sina Jeth at Nana. "Nasisiraan ka na ba ng bait?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Gusto mong ikaw mangasiwa dito?" nalukot ang mukha niya sa sinabi ko. Nginisian ko siya. "If not, mind your own business bro. Ako ng bahala sa Hacienda. I'll take full responsibility."

"Talaga lang ha. Ihanda mo na yang sarili mo kay Dad, tiyak susugod ang mga yun dito sa Pilipinas." nilapitan niya si Nana Rosa saka niyakap mula sa likuran at hinalikan sa pisngi nito. "Glad to finally meet you po in person Nana."

"Ku mas sweet ka pala sa personal--"

"Mas sweet po ako sa kanya Nana, believed me." sabad ko. "Lalanggamin po kayo sa subrang tamis."

"Tse! Ilang araw ka pa lang dito hypertension kaagad ang inabot ko sa mga babae mo."

Napakamot ako sa ulo sa sinabi nito. "Nana naman, walang laglagan."

"Miguel..."

"What?"

"Dumaan lang ako dito dahil kay Uncle. Tawagan mo daw siya ASAP." niyuko niya si Nana. "'Wag po kayong papasindak sa mga babaeng susulpot dito sa mansyon--"

"Jeff Marco Del Carpio," seryoso ang mukhang tawag ko sa kanya.

He evily smirked at me. "Yes, Migz?"

"Si Nana Rosa ang reyna ko dito sa mansyon kaya pwede ba... 'wag mo akong siraan."

"May sisirain pa ba Miguel?"

"Nana naman," reklamo ko. "Habulin lang talaga ng chicks 'tong apo niyo kaya 'wag na po kayong magtaka kung bakit maraming umaakyat ng ligaw sa'kin dito."

"Kahit kailan ang yabang mo talaga. Sarap mong tadyakan." sabad ni Keith sabay layas.

Nakatawang sumunod sa kanya si Kuya.

"Oh--saan kayo pupunta? Hindi ba kayo kakain muna? Kararating niyo lang aalis kayo agad?"

Huminto si Kuya saka nakangising nilingon ako. "Mind your own business too, Bro. Mauna na po kami Nana, Jeth." baling niya sa dalawa saka tuluyang lumabas.

"Ba't parang--"

"Hays--wag mo ng ituloy," agap ko kay Jeth. Naupo ako sa katabi niyang upuan at nilagyan ng pagkain ang plato. "May bulilit na dragon doon sa labas. Sinugod ako. Galit na galit. Naabutan kami ni Kuyang nagtatalo. Ayun... senermunan ako."

Natigilan si Nana sa pagsubo. "Bulilit na dragon?" ulit nito.

"Anak ng trabahador siguro doon sa tubuhan."

"Aw," nakatawang pinagpatuloy ang pagkain ni Nana. "Malamang yung kapatid yun ni Shienna."

Bigla akong nasamid sa binanggit nitong pangalan. Sunod-subod akong napaubo sabay inom ng tubig.

"K-Kapatid ni Shienna?"

"Oo. Maliit na babae ba, maganda, maputi, mahaba ang buhok?"

"Hindi ko po napansin basta parang dragon tsaka bungangerang eskandalosa. Ang tindi ng tabas ng dila, grabe. Kapatid pala yun ni Shienna?"

Sabay na napahagalpak ng tawa ang dalawa. Nagtatakang nagsulubong naman ang mga kilay ko na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila.

"Si Samantha nga," nakatawa pa rin na wika ni Nana. "Anak ni Cora."

DAMN HEART: Bud Brothers Series 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon