Damn Heart 8

43 2 0
                                    

SHIENNA

"Welcome to my sanctuary,"

Manghang-manghang iginala ko ang paningin sa buong paligid.

Subrang ganda ng lugar. Lalo na yung talon. Hindi ko akalain na may ganito pala sa liblib na gubat na 'to. Buong akala napakalaking sapa lang yung pinagmumulan ng tubig na dumadaloy patungo doon sa burol.

Inalalayan niya ako pababa ng kabayo.

"Nagustuhan mo ba yung lugar?"

Tumango ako. "It's a very beautiful place, relaxing and peaceful. I love it."

"Glad you love it, Tart."

Napabaling ako sa kanya sa endearment na tinawag niya na naman sa akin. Nakatitig siya sa akin. His eyes sparkled with so much mischief. Simula ng makilala ko siya wala talaga akong tiwala sa pagmumukha niya. Tingin ko sa kanya parang laging may gagawing masama sa'kin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Maliban sayo may nakakaalam pa bang iba tungkol sa lugar na 'to?"

"Yeah, si Uncle. Dito daw siya tumatambay sa tuwing umaalis siya ng mansyon." itinali niya si Flame sa puno saka humakbang patungo sa kamalig. Nilingon niya ako matapos buksan ang pinto niyon. "Hali ka dito. May ipapakita ako sayo."

Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Wala akong gagawing masama sayo, promise. May ipapakita lang talaga ako sayo. Importante."

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Gaano kaimportante at gusto mo pa talaga akong pumasok diyan? Nandiyan ba sa loob ang Lola Josie ko?"

"Wala--"

"Wala pala e nasaan?" galit na sabad ko. "Niluluko mo lang ba ako para madala sa..." inikot ko ang paningin sa paligid with matching kumpas ng kamay. "...dito sa gubat?!" tinuro ko ang kamalig. "Tapos gusto mo pang--"

"Lumapit ka kasi dito kung gusto mong malaman." inis na sabad niya. "Anong akala mo sa akin sëx mäniac? May ipapakita lang talaga ako sayong importante. May gusto din akong itanong sayo."

I rolled my eyes. "Tss, style mo--"

Napaatras ako sabay tili ng inilang hakbang niya lang ako at walang babalang pinasan ako na parang isang sakong bigas. Sinalakay ako ng subrang takot sa ginawa niya.

"T'ngna mo, Miguel!" pinagsusuntok ko siya sa kanyang likod. "Kapag tinuloy mo ang binabalak mo sa'kin I swear kamumuhian kita habambuhay!"

"Anong masamang balak ang pinagsasasabi mo diyan?" maingat niya akong inilapag sa loob ng kamalig. May butil ng pawis na namuo sa kanyang noo. Awang din ang labi. Tumataas baba ang dibdib. Hinahabol ang paghinga. He closed his eyes and then pinched the bridge of his nose. "I know masama ang first impression mo sa'kin pero ihiwalay mo muna yung tungkol sa atin--"

"Anong tungkol sa atin?" inis pa rin na sabad ko. "Walang atin at walang tayo Miguel."

"Oh--shut up! Daig pa ng bunganga mo ang machine gun."

Pumasok siya sa loob. Nilampasan niya ako. Nakasunod naman ang nagbabaga kong mga mata sa kanya. Dumeritso siya sa mesang yari sa kawayan. Hinatak palayo ang upuan saka lumuhod doon. Inangat ang gray carpet sa ilalim niyon, tapos yung...

Napahakbang ako bigla palapit sa kanya, tumayo sa gilid niya. Sumilip din sa kinukuha niya sa loob ng tinuklap niyang sahig na yari sa kawayan. Sementado ang loob ng kwadradong butas. May combination letter siyang pinindot sa ibabaw ng kumikinang na itim na box... SMRMDFDC saka bumukas. Sa loob may librong encyclopedia doon.

DAMN HEART: Bud Brothers Series 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon