Damn Heart 6

34 2 0
                                    

MIGUEL

Weeks passed.

Subrang busy ko sa trabaho. Pabalik-balik ako sa Manila at dito sa Hacienda. Hindi rin ako magkandaugaga kakatago sa mga praning na babaeng yun--sucks!
Kung hindi sa barracks, sa kubo malapit sa ilog doon sa kakahuyan ako nag-e-stay.

Hindi ko rin mahagilap ang magaling kong kapatid. Tinatadtad ko na ng tawag at text messages 'di man lang sumasagot sa akin. Naadik na sa pamumundok ang bwesit na yun!

My heart jumped when I heard someone knocked on the door. Dali-dali ko iyon binuksan. Naka-ready na ang matamis kong ngiti ngunit biyernes santong mukha ni Shienna ang bumungad sa akin.

"Hi--"

"Anong kailangan mo sa akin?" masungit na sabad niya. "Ba't mo ako pinatawag?"

Niluwagan ko ang pinto. "Pasok ka."

"At ba't naman ako papasok diyan, Mr. Del Carpio?"

"Look I wanna apologize--"

"Diba dapat noong nakaraan mo pa yan ginawa?" muling sabad niya. "Tsaka wag kang humingi ng pasensya sa akin. Doon dapat sa mga taong inagrabyado mo--oh well panis na rin naman yang paghingi mo ng tawad sa ginawa mo sa kanila. So why bother now?"

"Ba't ba ang sungit mo?"

"Kumusta naman yung ugali mo?"

Frustrated na napahilamos ako ng kamay sa aking mukha. "Can't we just be civil--"

"You need something from me kaya gusto mong maging civil sa akin ngayon?"

"Pwede ba patapusin mo muna ako? Pwede?"

She scoffed then shook her head. "Wow... ikaw pa talaga ang galit?"

"Nakakapika kasi yang ugali mo."

"Mas nakakapika ka, alam mo ba yun?"

"Yung kapatid mo parang tigre tapos ikaw..."

"What?" untag niya ng 'di ko na iyong dugtungan pa.

Matamis ko siyang nginitian. "Gusto mong mangabayo? Ililibot kita sa buong Hacienda."

"Yan lang ba ang rason mo kaya pinatawag mo ako dito?"

"NOPE."

"E ano?"

"Kung papasok ka dito sa loob sasabihin ko sayo pero kung mananatili ka lang diyan na nakatayo sa labas ng pinto, well," I shrugged my shoulder. "I can't tell you 'cause it's confidential. So, aayain na lang kitang mamasyal."

"What you said to me are both complicated and dangerous. Pakiramdam ko may binabalak kang masama sa akin e."

"Well, I assure you Tart na wala akong gagawin sayo ng hindi mo magugustuhan."

She looks too cute when she frowned.

"Tart?"

"Tart. Meaning you're so sweet and you belong to my heart. Short for my sweetheart."

Mapakla siyang tumawa sabay talikod. Mabilis ko namang hinablot ang braso niya sabay hatak papasok sa Library. Kaagad kong ni-lock ang pinto. Natitigilan at nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa akin ng isandal ko siya sa likod niyon.

"Lumayo ka sa akin."

"Listen to me first ok?"

"Bastos ka ba talaga?"

"A-Ako? Bakit binabastos ba kita?"

"Ano sa palagay mo 'tong ginagawa mo sa akin?"

"I'm just talking to you."

DAMN HEART: Bud Brothers Series 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon