Damn Heart 2

27 1 0
                                    

SHIENNA

"Na-Narinig daw k-kagabi?" tanong ko pa sa sarili.

Samantala 'yung marumi kong utak nakapinta kaagad ng iba't ibang imahe na may kasama pang... tunog na nyemas!

Parang robot na binalingan ko si Miguel na nakangisi sa akin. He even bit his lower lip while staring at me with a mischief glint on his blue eyes. Walang pakialam ang manyak na unggoy na 'to sa Tito niyang makahulugan ng nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Kami--"

"HindiPoKamiSirConradYongNarinigMoKagabi." mabilis na sabad ko sa kanya.

Sa subrang bilis ng pagkakasabi ko hindi ko alam kung naintindihan nila dahil pareho silang napanganga.

"HA?"

"What?"

Sabay pang wika nila.

Pero saglit lang. Nagdugtungan lalo ang kilay ni Sir Conrad samantalang si Miguel tuwang-tuwa sa akin. Tiningnan ko siya ng masama.

Anong gusto niyang palabasin? Kaming dalawa 'yong naglampungan kagabi na narinig nina. . . damn him! Malay ko ba kung anong kalaswahan ang ginawa nila ng malanding babaeng 'yon kagabi. Tapos ngayon. . . siraulo ba siya?! Kapal ng mukha niyang sabihin na kami iyon. Sisirain niya pa ang image ko sa Tito niya.

Anong akala niya sa akin easy to get?!

Kahit gwapo siya--

"Ang ingay-ingay niyo kagabi tuloy nagising si Felly."

"Ah hindi," natatarantang iwinagayway ko pa ang dalawang kamay ko sa harapan ni Sir Conrad. "Hindi po ako 'yon. Hindi po ako 'yon Sir," tinuro ko si Miguel. "Si Señorito po 'yun tsaka 'yung--hmmmp."

Napahinto ako ng inilang hakbang lang ako ni Miguel sabay akbay at takip ng kabilang kamay sa aking bibig. Naestatwa ako sa init at kuryenteng nanulay sa aking buong katawan ng dumaiti ang balat niya sa akin. Nasa tagiliran ko siya at dikit na dikit sa akin ang hubad baro niyang dibdib. Nanuot sa ilong ko ang mabangong pabango niya at natural na amoy ng kanyang katawan.

Bagong gising tapos ang bango-bango? Nasaan ang hustisya?!

"Sorry about that Uncle. Nagkagulatan lang po kami dito sa kusina kagabi. Napagkamalan po kasi ako ni Shien na magnanakaw. Nagpaliwanag ako sa kanya pero ayaw niyang maniwala. I woke up early today. . . I wanna apologize to her for being rude last night."

Nanlaki ang aking mga mata sa kasinungalingan niya. Lalo na sa palayaw niya sa akin. Darn! Umiiling na kinalas ko ang kanyang mga kamay pero subrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Naninikip na din ang dibdib ko, hindi na ako makahinga. Ang laki pa naman ng kamay niya. Sakop halos lahat ng mukha ko. Kulang na lang pati mata ko takpan niya.

Amused na tiningnan ako ni Sir Conrad. "First time namin marinig ni Felly na magmura ka, iha. Lumalakas pala at umiiba ng boses mo kapag nagugulat."

Nakangiting nag-angat siya ng tingin sa mesa pero kaagad din napawi iyon sabay tingin sa mga kamay kong nakahawak sa kamay ni Miguel na mahigpit pa rin na nakatakip sa ilong at bibig ko.

"Let her breath Miguel!" singhal ni Sir. "Ba't mo ba tinatakapan ang bibig niya?"

Parang napapasong binitawan niya ako. Hingal at habol naman ang hininga na napahawak ako sa sandalan ng upuan.

"Nakutsilyo ba ang kamay mo, Shienna?" himig pag-aalala na tanong ni Sir sa akin.

Umiling ako. "Hindi po--I mean, nadaplisan lang po habang binabalatan ko 'yung--"

DAMN HEART: Bud Brothers Series 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon