Damn Heart 12

30 2 0
                                    

SHIENNA MAE RAMOS

Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko sa huling sinabi niya. Kung dapat ba akong matuwa or dapat ba akong mainis.

Like... ilang ulit ko na siyang sinabihan na ayaw ko sa kanya pero bakit pilit niya pa ring ipinagsisiksikan ang sarili niya sa akin?

Parang... napakaimposible naman na magustuhan niya ako or baka totoo nga yung sinabi ni Tita Isme na hobby ng mga anak nito mangolekta ng mga babae. Sandamakmak ba naman yung nagpapang-abot dito sa mansyon. Ang nakakatawa lang... probinsya na 'to pero dinadayo pa talaga si Miguel!

Anong meron ang lalaking 'to para pag-agawan nila?

Wala naman akong nakikitang kakaiba kay Miguel para habol-habulin nila maliban sa gandang lalaki...

Naguguluhan na ipinilig ko ang ulo. Tinuro ko ang hagdanan bago pa kung saan ako dalhin ng nababaliw ko ng utak.

“Basa ka na din naman na maligo ka na doon para malagyan ko 'yan ng ointment--”

“Samahan mo ako.”

“Miguel--teka sandali!” sigaw ko ng basta niya na lang hinatak ang kamay ko.

Nagpumiglas ako pero hindi niya iyon binitawan. Malalaking hakbang na tinungo ang hagdanan. Hindi naman ako magkandaugaga sa pagsunod sa kanya. Deri-deritso siya sa kanyang kwarto, mahigpit na hawak-hawak ang kamay ko.

“Bitiwan mo ako Miguel--”

“Paliguan mo 'ko.”

“Ano?”

“Sabi ko paliguan mo ako.”

“Nahihibang ka na ba?”

He grinned. “Yes.”

Nalukot ang mukha ko sabay hatak ng kamay ko pero hinatak niya rin ako papunta sa banyo.

“Ano ba, Miguel!”

“What?” parang tangang tanong niya pa matapos ako papasukin sa loob ng banyo. Nakatayo siya sa labas niyon. Nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilaan ng hamba ng pintuan sanhi ng paggalawan ng mga masel niya sa braso. “Caregiver kita ngayon, Tart.”

“Anong caregiver ang pinagsasasabi mo?”

“You have to take care of me hanggang sa gumaling 'tong mga pantal at rashes ko.”

“Seriously?”

Nakangiting tumango-tango siya. “Alam mo bang nilagyan ng weaver ant ng kapatid mo yung mga tubo na pinabuhat niya sa'kin? Take note; she did that intentionally.”

“Oh so ano ngayon? Connect no'n sa'kin?”

“Since may atraso siya sa'kin at hindi ko magantihan, so, ikaw na lang sisingilin ko.”

My jaw dropped in disbelief. “Ba't ako?” turo ko pa sa sarili. “Tsaka akala ko ba magbabago ka na? Bakit ngayon--”

Nakangusong napakamot siya sa leeg. “Akala ko rin pero nagbago yung isip ko sa sinabi mo e.”

“Ano?”

Pumasok siya sa loob ng banyo. Umatras naman ako. Kinuha niya ang shower gel saka inabot sa'kin. “Sige na, paliguan mo na ako.”

Tiningnan ko lang iyon saka matalim ang matang nag-angat ng tingin sa kanya. “Ayoko.” madiin na wika ko sabay talikod.

“Kapag lumabas ka sa pintong 'yan sinisiguro ko sayong malalaman nilang lahat ang tungkol sa ating dalawa.”

Marahas akong nagpakawala ng hininga saka muli siyang hinarap. “Nakakapikon ka na!”

“I know.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DAMN HEART: Bud Brothers Series 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon