Naabutan kung nakaupo at nagbabasa ng libro si Mama pagkababa ko galing sa taas. May klase ako ngayon kaya maaga akong bumaba. May school activity kaya naka simpleng black trouser at white fitted croptop lang ako. May dala dala rin akong white hoodie kung sakali hindi papasukin ng guard dahil sa suot ko."Sidny"
Pupunta na sana ako sa breakfast counter para makakain ng tawagin ako ni Mama.Napaharap ako bigla sa kanya.
"Upo ka saglit" sabay turo niya upuan sa tapat niya
Sinunod ko ang sinabi niya. Kinakabang umupo ako sa tapat niya. Dahil sa kaba napahawak nalang ako ng mahigpit sa strap ng bag ko.
"Po, bakit po?" tanong ko kay Mama kahit obvious naman kung bakit niya ako kinakausap ngayon. Tinatantiya ko kung ano ang nasa isip ni Mama pero ang hirap dahil blanko lang siyang nakatitig sa akin.
"Gusto mo ba talagang sa Manila mag-aral anak?"mahinahon na tanong ni Mama
Para may halong lungkot ng sinabi yon ni Mama kaya napatango nalang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang umaktong nalulungkot sa pag alis ko eh noon wala naman siyang pakialam sa mga ginagawa ko except sa dapat mataas ang grades ko.
Napabuntong hininga nalang si Mama habang nakatitig sa akin.
"Oo sige, papayagan kitang doon mag-aral pero dapat ipangako mo sa akin na hindi ka makikipagkita sa Papa mo. Hindi kita papakialam pero dapat malinaw na kahit anong connection ang meron ka ngayon sa Papa mo ay dapat ng putulin." dumaan ang galit sa mukha Mama pagkabanggit niya kay Papa
"Po?"nabigla ako sa sinabi niya kaya hindi ko alam ang sasabihin ko
"Susuportahan kita sa pangarap mo, pero may condition kami ng ate't kuya mo at yun ay tungkol sa Papa mo"pagpapaliwanag niya pa
"Totoo po ? thank you thank you po. Masusunod po ang gusto niyo. Huwag kayong mag-alala" nakangiti pero may halong pait kong sagot kay mama.Im a desperate girl right here kaya wala akong pakialam sa kong ano man ang condition nila. Ang mahalaga payag sila at kahit alam ni Papa na pupunta ako ng Manila hindi ko rin naman sinabi kay Mama na willing si Papa na doon tumira sa kanila kaya bahala na si Lord.
"Ihahatid ka ng Kuya Sam mo doon kayo ni Red. Depende pa rin yun sa kung saang school kayo mag-aaral. Saan na school ka ba nag-apply for scholarship?"
Naguguluhan ako ng banggitin niya ang pangalan ni Red pero binalewala ko nalang muna yon. Tatanong ko nalang kay Red mamaya.
"Philippine Women's University sa Taft Avenue sa Metro Manila lang po" na eexcite kung sabi kay Mama
"Sigurado ka na bang makakapasa ka roon?"pag aalinlangan niyang tanong sa akin.
"Yes po, i did pass their entrance exam na po. Yung scholarship nalang po ang hinihintay ko." confident kung pagkakasabi.
I did actually apply for five schools and did pass the entrance exam kahit medyo hindi katalinohan pero dahil nga ayaw pumayag noon ni Mama hindi ako sigurado at nalilito kung saan ako papasok kasi mahal ang tuition at hindi ko yun kayang bayaran mag-isa. Nagkataon lang na may Skills-based scholarship ang PWU kaya don ako nag-apply nagbabasakali na pumasa. Kaya din palagi kung sinasabi sa mga kaibigan ko na walang sigurado sa mga plano ko not until now when Mama decided to trust me.
"Ipapaalam ko sa Kuya mo"sabay tango niya
Akala ko tapos na yun na yun pero nagulat ako sa huling sinabi ni Mama
"May restraining order ang papa mo sa inyong magkakapatid kaya bawal niya kayong lapitan. Sana malinaw sa iyo Sidny." pagbabanta niya sa akin
Hindi ko alam kung bakit o anong dahilan ni Mama pero minsan nakakagalit na kasi parang ayaw talaga niya na makausap namin si Papa. Aminado naman ako na nagloko si Papa pero enough ba yon para sampahan ng restraining order. Sobrang tagal na noon pero hanggang ngayon di pa rin mawala ang galit ni Mama. Minsan nakakaduda na kung si Papa ba talaga ang dahilan or si Mama dahil minsan nakikita kong takot siyang pag-usapan ang nakaraan.
BINABASA MO ANG
The Trail of Paco
RomanceA girl who wants to do what she love. A girl who have a stern path though she had nothing but herself. Personally meets her father after 15 years without her knowing that her life would turn 360 degrees upon meeting Mat her fathers apprentice.