Chapter 4 :)

69 2 4
                                    

Point of View:

Russel Sy -

"Stace, ano order mo?"

"Hmmm.. Parang gusto ko kumain ng rice. Nagugutom talaga ko, e."

"Sige. Magrice nalang tayo. Tig-2-piece chicken tayo?"

"Sige sige!"

"Maghanap ka na ng uupuan naten, ako na bahala dito." Tumango naman siya at umalis na din.

Andito kami ngayon sa Mcdo, magmemeryenda. Oo, gutom talaga kami dahil ang daming pang pinagawa sa school kanina. Woo, buti nalang hindi sumama si Des. Nakahalata din siguro. Haha. 

Hinanap ko si Stacey, andun siya nakaupo malapit sa entrance. Pagkalapag ko ng tray, biglang nag-iba yung muka niya. Parang may hinahanap ata?

"Walang gravy?" tanong niya. Ay, oo nga pala nakalimutan ko kumuha ng gravy. Tatayo na sana ako ng bigla niya kong pigilan. "Wait Russ, ako na. Upo ka nalang jan." tumayo siya at nagsmile. Napangiti naman ako. Ewan ko kung bakit. :D

Nagulat naman ako ng pagbalik niya, dala dala na niya yung pitcher na lalagyan ng gravy. O_O Grabe naman to, ano bang balak niyang gawin? Gawing sabaw yung gravy? O_O Umupo na siya at nilapag yung pitcher. At hindi ako nagkakamali, walang pakundangan niyang binuhos yung gravy sa kanin at sa chicken niya habang ako nakatingin lang sa ginagawa niya. GRABE NAMAN TO!

"RUSS! HUY! May problema ba? Bat ganyan ka makatingin?" hala, napatitig pala ko dun sa binubuhos niya. Haha. "Uhmm, Stace, ayaw mo sa gravy no? Baka kulang pa sayo yan?" tanong ko. Tumawa naman siya. "Hahahaha! Actually, tama ka. Kulang pa talaga saken to. Pero mamaya nalang ulit ako kukuha. Tomgulayts na talaga ko e. :D" sabi niya. Grabe talaga, kung makikita niyo lang yung pagkain niya, nalulunod na sa gravy. O_O

After namin kumain, nagdecide na rin kaming umuwi kasi maggagabi na tsaka tambak rin kami sa homeworks. Hinatid ko na siya sa sakayan ng jeep at umuwi na rin ako. :) 

Point of View:

Stacey Tan -

Home at last! Shizz, ang dami pang gagawin. -_- Kundi lang talaga nagyaya si Russel kanina, uuwi na talaga ko dapat e. Nahihiya rin kasi kong tumanggi sakanya. And besides, nag eenjoy rin ako sa company niya. :) Biglang nag vibrate yung phone ko, pagkabasa ko..

1 new message from Russel:

Nakauwi ka na?

Hala! Nakalimutan ko! Sabi nga pala niya itext ko siya kapag nakauwi na ko. :O

I replied:

Yup! Medyo kakauwi lang. Start na ko sa homeworks. Ikaw din. Thanks sa treat! ^_^

Binitawan ko na phone ko, baka mapahaba pa usapan namin e. Haha. Habang gumagawa ako ng homework, biglang nagfa-flash sa utak ko si Russel. ANO BA MERON? Hahaha. Masyado lang siguro akong na-immune sa pagmumuka niya kaya ganto.=))) Lagi ba naman kasi kaming magkasama e. :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Stacey, wait!!"

Papasok na ko ng school ng may biglang tumawag sakin. Paglingon ko, si Shawn pala. Yung seatmate ko. Haha, isa rin to sa mga naging ka-close ko simula nung lumipat ako sa school na to e. :)

"Sabay na tayo!sus, yun lang pala. Akala ko kung bakit to sumisigaw e. Haha, huminto ako sa paglalakad para sabayan siya. Sa isang subdivision lang kami nakatira at nilalakad ko lang simula bahay namin hanggang sa gate ng subd, malapit lang naman kasi. :)

Built to LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon