Chapter 6 :)

56 1 1
                                    

Point of View:

Desiree Padua -

"Time out muna! 5 minutes break! Great job guys!"

Andito ako ngayon sa gym para sa volleyball practice. Captain ball ako dito. :) Meron kasing inter-school sports competition next week kaya paspasan na tong practice namin. Champion na itong school namin sa volleyball, 4 years in a row. Kaya naman nakaka-pressure kasi may pinanghahawakan kaming title.

Anyway, may 3 hours na rin kaming nagpa-practice at ngayon palang kami binigyan ng break ni Coach. Dali-dali akong tumakbo papunta sa bleachers para magpunas ng pawis. Grabe! Para na kong naligo sa pawis. -____-

"Hi Des!" may biglang tumawag ng pangalan ko. Paglingon ko..

"Oh, Shawn! Hello! Ano ginagawa mo dito? Kanina pa uwian niyo ah?" tanong ko. Nag-overtime lang kasi kami dito sa school para magpractice.

"Hinihintay ka. Oh para sayo." sabi niya, sabay abot ng Gatorade at sandwich. "Ayy. Salamat! Bat mo naman ako hinihintay?" tanong ko. Bat nga ba? Hahaha.

Bigla naman siyang napayuko ng konti. Ano ba to, nahihiya? Hahaha. "Yayayain sana kita mag meryenda, e. Kung di ka busy." asus, yun lang pala e. Hahaha. "Nako, pasensya na Shawn. Ang dami ko pa kasing gagawin pag-uwi e. Di bale, next time nalang pag di na ko busy. Promise." pag-a-assure ko. :)

"Ah ganun ba. Osige, okay lang. Basta next time ah. Sige na, sumesenyas na sayo si Coach. Practice na daw kayo ulet. Hihintayin nalang kita. Sabay na tayo umuwi." sabi niya. Nag smile na lang ako at bumalik sa court, baka mapagalitan pa ko e. Haha. =)) 

Point of View:

Stacey Tan -

Naglalakad ako pauwi galing school, kasama ko si Russel. May hihiramin kasi siyang libro sakin, tsaka naisipan rin naming maglakad. Ewan ko kung bakit. Hahaha. =)) Tahimik lang kaming naglalakad, ewan ko kung bakit parang may awkwardness saming dalawa ngayon. Hmmm.. baka pagod lang siguro kami pareho. :)

"Uhmm, Stacey.. May itatanong sana ko sayo." at last, nagsalita rin siya. Hahaha.

"Oh? Ano yun?"

"Meron kasi kong kaibigan e.."

"OH? Ako din meron e! HAHAHA!" sabi ko. =)))

"Stacey naman, eh." sabi niya. 

"Oh bakit?" tanong ko. =))) "Seryoso na kasi." sabi niya. Okay, parang naiirita na siya. HAHAHA. =)) "Sorry. Oh game na. Seryoso na pramis." sabi ko, baka mayamot pa to e. XD

"Ayun nga. May kaibigan kasi ko, tapos medyo nafo-fall na siya dun sa kaibigan niya." pagsisimula niya. "Oh, ano gagawin ko? Diretsuhin mo na kasi Russ! Nakakabitin ka e!" sabi ko. Edi ako na atat. Ang tagal kasi e. Haha. =))

"Nalilito kasi siya, parang gusto niyang ligawan yung babae. Kaso, may problema. Di siya sigurado kung gusto din siya nung babae. Natatakot siya na baka pag nagtapat siya, mareject lang siya. Or worse, iwasan pa siya nung babae. Mawala pa yung friendship nila." sabi ni Russel. 

"Kung ako dun sa kaibigan mo, pakiramdaman muna niya yung babae. Kung sa tingin niya e may gusto din sakanya, edi magtapat siya. Pero kung hindi naman, kimkimin na lang niya yung nararamdaman niya. HAHAHAHA! Joke! Edi magtapat pa din siya, wala naman sigurong mawawala. Kasi minsan, kaya nagsisisi ang tao, kasi hindi nila nasabi yung mga bagay na dapat e nasabi na nila when they still have the chance. Who knows diba? He'll never know if he won't try. Mamaya maunahan pa siya, e." pag eexplain ko. May point naman diba? Hahaha. Lakas ko maka-Papa Jack dito ah. XD

Built to LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon