Chapter 10 :)

40 0 0
                                    

Point of View:

Stacey Tan -

Naglalakad na kami papuntang school. Kung nagtataka kayo kung sino kasama ko, e sino pa ba? Edi yung magnanakaw. :"> Haha. Masyadong pa-gentleman, e. Kinuha pa gamit ko. :"> Haha. Ang dami ko kasing dala ngayon, nakakapikon. -_- 

Tahimik lang akong naglalakad. E kasi naman, nagugutom pa ko.-_- Konti lang kaya kinain ko.:( Haha.   Maya maya biglang nagsalita tong kasama ko.

"Huy, okay ka lang?" tanong niya. "Oo naman. Bat?" sagot ko. Mukang nag aalala e. :">

"E kasi kanina ka pa tahimik. Di ako sanay. Usually kase ang daldal mo e. HAHA."

"Ahh, haha. Baliw."

"May problema ka ba?" tanong niya. Magsasalita pa lang ako ng biglang tumunog yung tiyan ko. BASTOS. -_-

(A/N: Totoong nangyayari talaga sakin yan pag gutom ako. =))) )

Tumawa si Russel. Hindi lang basta tawa, as in HALAKHAK.-_- Yung tawang tawa talaga. -_- "HAHAHAHA! E kaya naman pala tahimik ang bata, nagugutom pala! HAHAHAHAHA!"

Tinignan ko lang siya at sinamaan ng tingin. "HEH! Tumigil ka nga jan! E konti lang kasi kinain ko kanina e!" at nag-cross arms ako. Nakakapikon, e. -_-

"Hahahaha, grabe imba yang tiyan mo Stacey. Osige na. Sorry na, di na ko tatawa. Gusto mo kumain muna tayo bago pumasok? Maaga pa naman, e." sabi niya. Parang nabuhay yung dugo ko dun ah. Hahaha.

Pumayag naman ako, syempre pagkain yun. Tatanggihan ko pa ba? Hahaha. Kumain lang kami ng burger dun sa malapit na fastfood sa school para di kami ma-late.:) Pagkatapos kumain..

"BUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUURP!"

Paking tape. Napa-dighay ako ng malakas!:O Nakakahiya kay Russel. :/ Pagtingin ko sakanya, halatang halata na nagpipigil ng tawa. Shemay Stacey, nakakahiya ka! -_- Sa harap pa niya mismo!

"Ilabas mo na yang tawa mo. Masamang pinipigil yan. Mautot ka pa jan." sabi ko. At ayun, humalakhak na naman ang loko. -___-

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" at ayun, tumawa na naman siya. -_- Humahawak pa sa tiyan niya e. Galak na galak si kuya, o. -_-

Hinintay ko lang siyang matapos tumawa, nakakahiya naman kasi talaga ko. -_- Bwiset, haha. Pero nakakapikon talaga yung tawa niya e. Nakakapang-insulto. -_- Pagtingin ko sa watch ko, time na pala. Buti na lang, at least may reason ako para umalis dito kesa panoorin lang siyang tumawa ng tumawa. -_-

Inayos ko na gamit ko at tumayo. Hindi ko na siya hinintay, bahala siya pasukan ng hangin jan kakatawa. :P Pagka-pasok ko ng gate, naramdaman kong tumabi siya sakin. 

"You never fail to make me smile." sabi niya. Tinignan ko siya, at tinaasan ng kilay. "SMILE? Baka LAUGH?" sabi ko.

"Asuuuus. Napikon ka sakin kanina no? Nag-walkout ka e. Hahaha. Sorry na, to naman oh. Natuwa lang ako, e kasi naman sa itsura mong yan parang laging may poise. Who would have thought na ang isang Stacey Tan, ganun pala kalakas dumighay? Haha." 

"Huy, tao rin ako no. Dumidighay din. E sa nabusog ako e!"

"San? Sa pagmamahal ko?"

Nagulat naman ako dun. Walang kaabog abog kung bumanat e. Hahaha. 

Pumasok na kami ng room at as usual, discuss here, discuss there na naman ang drama ng mga teachers. Haha. May times na napapatitig ako kay Russel, ewan ko kung bakit. :"> Kaya ilang beses na rin niya akong nahuhuli na nakatingin sakanya. Haha. Nakakahiya? Hindi naman, kase diba sabi nila di ka naman mahuhuli ng isang tao na nakatingin sa kanya kung di ka rin niya titignan. Isa lang ibig sabihin nun, sinusulyapan niya rin ako. HAHAHA. <3

Built to LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon