Chapter 1 :)

143 5 5
                                    

Point of View:

Stacey Tan -

*We're taking this too far, we've had our run. With your arms wrapped tight around my neck, close my eyes I seek and grasp for breath. She's with someone new..*

"Ugh! Ang aga mag-alarm ng cellphone ko. Badtrip!" okay, nagising ako sa ingay ng alarm ko. -__- Pagtingin ko sa clock.. SHOCKS! 7:15 na! Male-late nako!

Juskolord, hindi po ako pwedeng malate. First day pa naman ng class ngayon. -_- Nagmadali akong tumakbo sa cr, buti nalang di ako naunahan ng kuya ko.

*After 20 minutes..*

"Ma! Alis na ko ah!" sabi ko. "Nag almusal ka na ba? Masamang walang laman ang tiyan sa umaga!" sigaw ni mama.

"Di na, ma! Baka malate pa ko. Dun na lang ako kakain!" 

"Osige, mag ingat ha! Yung cellphone tsaka wallet mo, ingatan mo!" sigaw ni mama. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagdating ko ng school, konti pa naman tao. Dumiretso na ko agad ng gym. Medyo kinakabahan pa ko, new student kase ko sa school na 'to. Medyo di ko pa kabisado, kaya patingin tingin lang ako sa paligid habang naglalakad. Infairness, mas malaki to kesa sa school na pinanggalingan ko. 

Umupo muna ko dun sa bleachers. Mygaaash, dumadami na mga students dito. Halos lahat sila may group of friends na. Ako nganga pa. :( Ako lang ba new student dito? Nakakainggit! Buti pa silaaaa. :(

Pagtingin ko sa kabilang side ng bleachers, may nakita akong lalaki. Wow ha, cute. :"> Mag isa lang din siya, parang ako. Siguro new student dito. Wala pang friends e. :P Haha. Gusto ko sanang lapitan, kaso may naramdaman akong tumabi saken. 

"Hi! New student ka ba dito? Muka ka kasing nawawala e. HAHAHA!" sabi nung babaeng tumabi saken. Sino ba to? -_-

"Ahh, haha. Oo." yun lang naisagot ko. E kasi naman e, parang ang weird netong babaeng to.

"May bayad ba pag nagsasalita ka?"

"Huh?" okay, di ko siya gets. -_-

"E kasi ang tipid mo sumagot e! Hahaha! Ako nga pala si Desiree. Desiree Padua. Pero you can call me Des. :) Old student ako dito." 

"I see. :) Hi Des. I'm Stacey. Stacey Tan." at ni-reach out ko yung kamay ko para makipag-shake hands sa kanya. 

Hinampas niya yung kamay ko, which is ikinagulat ko. Nanlaki mata ko, nakita niya siguro reaction ko kaya humalakhak na naman siya ng pagkalakas-lakas. Lord, bakit naman po ba ganito tong babaeng to?

"HAHAHA! E kasi naman! Napaka-formal mo! Shake hands ka pa jan! Wag na! HAHAHAHA! Hi Stacey, from now on, friends na tayo ha! :)"

"Ah, sure. :)" naloloka na ko sa pagka-hyper niya ah. "Wait lang Stacey, ha. Puntahan ko lang yung friends ko dun. Babalik ako, promise!" tumungo lang ako as a  sign of yes. 

Wait, di pa ba ko nagpapakilala? Haha, sorry. Ako si Stacey Tan. Freshman student, high school. :) New student nga pala ko. Bunso ako sa pamilya namen, at meron akong kuya. Actually apat sila, pero isa lang talaga yung talaga totoong kuya ko. Yung tatlo kasi, mga pinsan ko na yun, pero I treat them like my brothers and they treat me like a baby. Hahaha. Kaya NBSB ako. XD I'm an average student. Gusto ko rin ng panibagong environment and new friends kaya ako lumipat ng school. I get along with people easily, kaya di rin ako natatakot na mag isa. Haha. 

 Napatingin na naman ako dun sa lalaki. Aww, kawawa. Mag isa pa din siya. Di ko alam kung anong meron sakanya, pero parang may nagpu-push sakin na lapitan siya. Oh well, baka inaatake lang ako ng pagka-friendly ko? HAHAHA!

Maya maya lang, bumalik na ulit si Des. Nag-assembly lang naman kami sa gym. Nagpakilala yung mga teachers, nagsabi ng rules and regulations, tsaka ng schedule. After nun, pinaakyat na rin kami sa rooms namin. Swerte, classmate ko pala tong si Des! Haha. At least may kakilala na rin ako kahit papano. :P

Dun kami sa likod naupo ni Des, para pag introduce yourselves na, huli kami. Haha. Tinignan ko yung mga classmates ko, and to my surprise, classmate ko pala yung lalaking kanina ko pa tinitignan sa gym! :O

 Nagpakilala na yung adviser naming mukang kulugo, tas nag-introduce na rin yung ibang classmates ko. Russel Sy pala yung pangalan niya. Hmmm, sounds interesting. Parang familiar yung name. Nalaman ko rin na sa PCI pala siya nag-graduate. Dun din nag graduate yung friend ko, di kaya sila classmates? Maitanong nga mamaya! ^_^

(A/N: Imbento ko lang yung school ni PCI. Haha. :P)

Isa isa na ring nagpakilala yung mga subject teachers namin. The usual na ginagawa pag first day. Tss, I'm bored. -_- Yung English subject teacher namin, may pinagawa agad na group work. So yun, nag-groupings kami. Magkahiwalay kami ng group ni Des. :( 

I-aact daw namin yung isang story dun sa book. Tss, ang korni naman. -_- Tinignan ko yung mga ka-group namin, parang wala silang balak kumilos ah. 

"Guys! Wala ba tayong balak mag-umpisa? Yung ibang group kasi nagsstart na sila oh. Pano na gagawin naten?" tanong ko. Tae naman kasi, parang tamad na tamad sila kumilos!

Napatingin ako kay Russel. Oo, kagroup ko siya. Nagulat nalang ako nung bigla siyang lumapit saken.

"Tara, tayo nalang kumilos. Parang walang pakialam tong mga to e." bulong niya sakin. Um-oo naman ako.

Edi ayun, nag isip nalang kami ng mga gagawin. Dalawa lang naman yung characters sa story, kaya walang problema. Nakakatuwa pala kasama to, ang kulit. Akala ko wala na kaming matatapos kase tawa lang kami ng tawa. Hahaha. At ayun, success naman yung ginawa namen. :)

"Sa PCI ka nag graduate diba?" okay, naiintriga talaga ko. Baka kasi kakilala niya yung friend ko e. Haha.

Tumango siya. "Kilala mo ba si Jake?" nag isip siya ng konti. "Kasilag? Jake Kasilag?" tanong niya. "OO! YUN NGA!" nagulat siya sa pag sigaw ko. Hahaha. "Ahh, si Jake. Oo, classmate ko yun. Bat mo kakilala? Boyfriend mo no?" aba, chismoso pala to. -_-

"Baliw! Hindi no, kaibigan ko yun. Family friend namin sila. :)" sagot ko.

"Ahh, haha. Ang kulit kulit kaya nun. Tas pag naka-100 siya sa isang quiz, ipagsisigawan pa niya. May sayad ata yun eh. HAHAHA." 

At dun na nag umpisa, nagkwentuhan na kami ng kwentuhan. Haha. Nakahanap ako ng katapat sa kadaldalan ko. =))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Short update. Don't hate! Nag-aadjust pa ko ng wamport dito! Hahaha. Feedbacks, please? Next update tomorrow. :):) 

Much love, deepfriedjupiter.

Built to LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon