Chapter 12 :)

31 0 0
                                    

Pasensha, ang gulo ko. Haha. Magkaiba yung time setting ng POV ni Des at Russel dun sa Chapter 11. :D 

Point of View:

Stacey Tan -

Friday night at ang sarap sa feeling ng walang iniisip. Haha. Walang homework, project, take home seatwork at kung ano pa. Sa wakas! Mafi-feel ko rin ang weekend. :D Tsaka next Saturday pa naman yung start ng practice sa play kaya sa Monday nako magme-memorize ng script. Sa ngayon, gusto ko lang magrelax at magpagulong gulong sa kama. :D

AKALAIN NIYO YUN? Ako pa pinili nilang Gabriella!? Haha. Jusmiyo jusporsanto. Bahala na kung ano kalalabasan ng play. =)) 

Kanina pa ko nagf-facebook dito at wala na kong magawa kaya naisip kong mag-prepare na rin kahit konti para sa practice. Naisip kong i-search yung mga songs sa HSM. Familiar naman ako dun, ilang beses ko na rin yun napanood kaso di ko kabisado yung songs. Haha. Sinearch ko yung lyrics para makasabay ako. :D

Habang sumasabay at feel na feel ko ang pagkanta, biglang may kumatok sa pinto ko. Ano ba to, kung kelan naisipan kong mag-practice tsaka naman mamemerwisyo tong kuya ko. -_- Monggoloid alert!

"Buksan mo na kuya! Kakatok pa e." at ayun, bumungad na yung pagmumuka niya. -_- Hahaha, oy wag kayong ano jan. Kahit ganyan yan, love na love ko yan. XD

"Sungit naman!" sabi niya, akmang magwo-walkout pa. Arte. -_-

"Oh, walkout? Okay. Haha. Arte, nakakapikon! Lika na nga dito!" at tumalon siya sa kama ko. Juskopo pag eto nasira, deshu kaming dalawa kay mama. Hahaha.

Pinatay ko na muna yung laptop ko at baka magtampo pa tong isang to. Sobrang busy kasi si kuya sa work kaya pag naglalambing, I make it sure na walang sagabal sa bonding namen. Haha. At panigurado akong naglalambing siya ngayon.=))

"Oh ano na? May chika ka ba?" tanong ko. 

"Wala naman. Hahaha."

"E anong pinunta mo dito?"

"To naman! Masama bang mamiss ang kapatid kong panget?" binatukan pa ko. Aba syempre, di ako papayag na wala akong ganti. Kaya ang ending, ayun nag-wrestling kami. Di ako papatalo no! :P

Pagkatapos ng smackdown namen, pumunta kami sa baba para maghanap ng pagkain. Nagutom kami pareho. Hahaha. Tulog na kasi si mama, mga 11:00 na rin yun e. Instant noodles lang, tinatamad na rin kasi kami magluto. Bumalik kami sa kwarto ko at nag-chikahan ng nag-chikahan hanggang sa di namin namalayan yung oras.

"Kuya, magte-12 na pala. Matutulog na ko! Magj-jogging pa kami ni Luke bukas!"

"E bunso di pa ko inaantok e! Sabihin mo kay Luke next Saturday nalang kayo mag jogging!"

"Nag-promise na ko sakanya e. And you know me kuya, I NEVER break my promise."

"Tss. Sige na nga. Ikamusta mo ko dun ah. Tagal na rin naming di nagkikita. Sabihin mo bumisita naman siya minsan dito."

"Alrighttt. Good night kuya!"

"Good night! Matulog ka na, eyebags mo naghehello na."

"Tse!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Andito ako ngayon sa bahay nila Luke. Kakatapos lang namen mag-jogging at niyaya ako ng mommy niya na dito na daw kami mag-breakfast. Syempre di ako tumanggi, namiss ko luto ni tita e! :)

Built to LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon