Chapter 5 :)

67 1 3
                                    

Point of View:

Russel Sy -

"Hi, Russel. Kamusta na?"

Andito ako ngayon sa library, nagre-research para sa report ko ng may biglang tumabi sakin. Pagtingin ko, si Valerie lang pala. -_-

"Ah, okay lang naman.sagot ko. Di ko talaga gusto tong babaeng to. Kaya di ko rin trip makipag-usap sakanya. Tsaka di ba nya nakikitang busy ako dito?

Kinuha niya sakin yung libro at sinara. "Ano ka ba naman, masyado ka namang masipag. Tama na yan. Kanina ka pa nagbabasa dyan. What if we go out for some snacks? I'm hungry kasi, e. C'mon, my treat!" at hinihila niya ko patayo.

I shook my head. "Uhh, busy kase ko e. May report pa ko bukas and I need to study." kinuha ko ulit sakanya yung libro at nagpatuloy sa pagbabasa. 

"UGH! Bakit ba ang sungit mo? Bahala ka nga jan! Someday, hahabulin mo rin ako, Russel Sy." and she stormed out of the library. Nakakairita talaga yun. Di niya ko madadala sa mga pagpapa-cute niya no. -_- Masungit na ko kung masungit, pero ayoko talaga sa mga ganung klaseng babae. Mapang-api, malandi, maarte, at spoiled brat. Mas gusto ko yung mga tipong katulad ni Stacey. Simple lang, happy-go-lucky, at mabait. :)

Wait, ano ulit sinabi ko? O_O Never mind! ^_^

Bumalik na ko sa pagbabasa, pero parang nawala ako sa concentration dahil kay Valerie. -_- Di bale, iuuwi ko nalang tong libro. :) 

Umalis na ko sa library at naglalakad sa hallway ng mapahinto ako. Natanaw kong nagba-badminton si Des at si Stacey sa court. Naisipan kong tumigil at manood sakanila. Di naman nila ko napansin dahil busy sila sa paglalaro. Haha. Napatingin ako kay Stacey. Grabe, bakit ba ang ganda nitong babaeng to kahit pawis na? Pinapahabol siya ni Des kaya tawa siya ng tawa. Hayy, ang cute talaga. :"> WAIT, ANO BA PINAGSASABI KO? Haha. Napa-praning na ata ako. =))

"Yuhoo! Earth to Russel Sy! HUY!" nagulat naman ako ng makita ko si Stacey sa harap ko, pinipitik pitik yung mga daliri niya sa muka ko. Grabe! Natulala pala ko kaka-daydream? Wait, what? Daydream!? HAHAHA, eff!=)))

"Oh, STACEY! Kanina ka pa ba jan?" tanong ko. "Oo, at kanina ka pa din nakatulala jan. Mukang malalim iniisip natin ah?" tanong niya, sabay akbay sakin. Napangiti naman ako. Haha.

"Ah, wala naman. Yung sa report ko lang bukas.pagpapalusot ko. Syempre, alanganamang sabihin kong natulala ako kakaisip sakanya? ANO ULIT? Kakaisip? Juskopo, kung ano ano na lumalabas sa utak ko. O_O

"Ganun ba. Tara, balik na tayong room! May gagawin pa pala ko." sabi ni Stacey. Naglakad na kami pabalik ng room kasama si Des. Wait, bakit kaya ang tahimik ng babaeng yun? At ngumingiti pa mag isa ha. Nahihibang na ata. XD

Papasok na kami ng room ng bigla akong hilahin ni Desiree. Nagmamadaling pumunta si Stacey sa upuan niya kasi may nakalimutan daw siyang gawin. Naiwan kami ni Des dito sa labas ng room. "Oh, bakit Des?" tanong ko. Nakakatakot kasi, e. Ngumingiti siya sakin ng nakakaloko. -_-

"Ako nga tapatin mo. Naiinlove ka na ba jan sa kaibigan ko? HA?" nakapa-mewang pa siya habang tinatanong niya ko. WOAH, NAGULAT AKO SA TANONG NIYA. Bakit parang umurong yung dila ko at di ako makasagot? Hala, ano na nangyayari saken? :/ Mga ilang seconds din yun na parang na-shock ako sa tanong niya. Sasagot na sana ako ng bigla siyang nagsalita ulit.

"AHA! I knew it! Silence means yes! HAHA!" sigaw nya. 

Point of View:

Desiree Padua -

Built to LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon