Chapter 8 :)

38 1 2
                                    

Point of View:

Stacey Tan -

Ano bang problema ni Russel? Kanina, sinungitan niya ko. Tapos ngayon dinededma naman ako. Ano ba yan! Wala naman akong ginagawa ah? Hayy, bipolar. -_-

Lunch time na kaya naisipan ko na siyang lapitan, sabay kasi kami nito palagi kumain e. Nakita kong nakayuko siya sa desk niya, kaya tumabi ako sa tabi niya. Tinapik ko ng konti yung braso niya, baka kasi natutulog e. :D

"Psst, uy. Russel. Lunch na, kain na tayo." sabi ko. Unti-unti niyang tinaas yung ulo niya at tumingin sakin. Shet, eye to eye fre. Ang pogi.:"> Brown eyes pala to. Shizzz, I'm a sucker for brown eyes.:">

Pokerface. -_- "Ikaw nalang kumain, la akong gana." sabay yuko ulit. UGH! Tinotopak ba to? "Russ! Ano ka ba? Di pwedeng di kumain! Halika na kasi!" hinihila ko na yung braso niya para tumayo siya pero useless pa din. Ang lakas pala nito. "Ayoko nga sabi, e. Wag ka makulit." at tinanggal niya yung pagkakahawak ko sakanya.

Okay, naiirita na talaga ko. -_- "ANO BA KASI PROBLEMA MO!? Kanina ka pa ah! Ang sungit sungit mo! Nakakapikon ka! Wala naman akong ginagawa ah! UGH! Bahala ka nga jan! Bwisit!" lumabas na ko ng room bago pa siya magsalita. Nakakapikon na talaga e. Nakita kong nagulat siya sa pagsigaw ko.

Nagmadali ako sa paglalakad. Naramdaman kong sinusundan niya ko, pero di ko pa rin siya pinansin. Bahala siya jan, nababadtrip talaga ko. >:|

Dire-diretso akong naglalakad ng biglang humarang siya sa harapan ko. "Sorry na Staceyyy." sabi niya. Di ko siya tinitignan. -_- "Uyyy, sorry na kasi. SORRRYYYYY." sabi niya ulit. Okay, ayoko ng magpa-chix. Tinignan ko siya. "Hayy, kasi naman e. Ano ba kasing problema mo? Bat ba ang sungit sungit mo? Meron ka ba ha? Kung meron ka, sabihin mo lang. Maiintindihan naman kita e. Napag-daanan ko na yan." sabi ko at sabay kaming tumawa. "Hahaha, baliw ka talaga." sabi niya. "Pero seriously, ano ba kasing problema mo?" tanong ko.

Huminga siya ng malalim at tumingin sakin. Shetdog. Ayan na naman po yung mata niya.:"> Lord please? Ang gwapo naman nito.:"> "Eh kasi.. ano.." tas yumuko siya. Ano ba to, nahihiya? Hahaha. Tinignan ko lang siya, para malaman niyang naghihintay ako sa sagot nya.

"Ano kasi Stacey.. uhmm..nagseselos ako." pabulong niyang sabi, pero wag ka, narinig ko yun. Hahaha. Napangiti naman ako ng wamport, ihh bat nakakakilig?:"> Pinilit kong itago yung ngiti ko. Syempre, baka makita nya e. Lumaki pa ulo. Hahaha.

"Ano yun Russ? Di ko narinig e." sabi ko. Kunyare wala akong alam. HAHAHA.=)) "Wala, wala. Nevermind. Tara na nga. Kain na tayo!" pag iiba nya ng topic. Haha. Ay nako koya, style mo bulok.=))

Pumunta na kami sa canteen at umupo sa usual na table namin. :) Okay, di ko pa rin matanggal yung ngiti ko. Haha. Ekesenemenehhh! Kinikilig ako!!:"> Nag-presenta si Russel na siya na lang daw bibili ng lunch ko, pangbawi na daw sa pagsusungit niya sakin. Haha. Pagsusungit? Asus. Baka pagseselos kamo? HAHAHAHA.=)) After 10 minutes, tapos na rin kami maglunch. Oh wag kayong ano jan, mabilis talaga kami kumain. Lalo na pag gutom. XD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Uwian na kaya naman hinanap ko na si Des para sabay na kami umuwi. Namimiss ko rin naman yung babaitang yun no! Di ko na siya nakakasama kasi nga busy siya sa practice diba. Nakakalungkot. :( Pero happy naman ako kasi nag-champion sila sa competition. Odiba, worth it lahat ng pagod ni inday! Hahaha.=)) Sinabihan ko na rin si Russel na hindi ako sasabay sa kanya kasi hihintayin ko si Des. Aba, nagtampo ang loko. Haha. Pero sabi bumawi nalang daw ako sa kanya next time. Sapilitang pagbawi. XD

Built to LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon