Simula
Khol
"Tangina, ang boring."
Kinurot ako ni Serene, ang pinsan ko nang marinig ang sinabi ko kay Kahel. He's sitting on the bench right in front of me, next to his younger brother, Kali and his aunt, Kourtney.
Nasa simbang gabi kami kasama ang buong pamilya. Medyo nakakahiya nga. Sa angkan pa lamang namin ay kulang na ang halos tatlong bench ng simbahan. Ilang sasakyan din namin ang umokupa sa parking lot dahil hindi kami kasya sa tatlo o apat sa laki ng pamilya namin.
"Pay attention to what the priest is saying, Khol," bulong ni kuya Kaius na siyang nasa kabila kong gilid. Our older brother is probably seated with the Lindstroms. Nagpapalakas sa tatay ng girlfriend niya.
I heaved a frustrated sigh. Kinamot ko ang panga ko at inikot na lang ang paningin para maghanap ng maganda. Of course, my cousins are pretty. Kaya nga palagi kaming napapaaway ng mga lalake kong pinsan dahil marami talagang nagkakagusto sa kanila, lalo na kay ate Khallisa. Pero syempre, lalake lang ako. Gusto ko rin ng, well, maganda.
I saw a cute girl in pink dress glanced my way twice. Pasimple akong ngumisi at nag-abang na tumingin siya ulit. Nang magawi sa akin ang atensyon para magnakaw na naman ng tingin ay kinindatan ko kaagad.
My lips stretched for a wider smirk when I saw her giggled with the other girls she's with. Ah, girls. Ang daling pakiligin.
"Bow your head, Khol," si kuya na naman. "Nakatingin na si Mommy."
I groaned and was about to step on his foot when I spotted my mom narrowing her eyes on me. Napabuntonghininga ako at yumuko na lamang. Bakit kasi isinama pa ako? They know I don't like going to church. I'd rather play with my xbox or chat random girls who are obviously hitting on me.
Natapos ang misa na wala rin naman akong naintindihan. Inayos ko na lang ang sumbrero kong nakabaliktad ng suot saka ko inakbayan si Kambria, ang isa ko pang pinsang babae. Umatras kaagad 'yong patpating gustong mag-abot ng suman kaya sinimangutan ako ng magaling kong pinsan.
"What? I saved you," depensa ko.
Bria sighed. "Hindi lahat tulad n'yo, kuya."
"N'yo? What do you mean n'yo? Siya lang naman babaero sa pamilyang 'to," asik ni Kahel na noong may dumaang maganda ay kinindatan kaagad. Muntik tuloy akong matawa. Gago talaga.
Inirapan kami ni Kambria saka kami nilayasan. Nagkatinginan naman kami ni Kahel at sabay na bumungisngis hanggang sa maramdaman na lamang naming mayroon nang pumipingot sa tainga naming dalawa.
"You knuckleheads. Nasa simbahan tayo. When will you stop being like that?"
Nahimas naming pareho ni Kahel ang tainga namin saka kami asar na bumaling kay ate Harmony.
"We're not even doing anything," I said.
"Ano'ng nangyayari rito?" tanong ni kuya Krishnan na kasama ang girlfriend niyang si ate Rheia.
"Nothing," si Kahel.
Sasagot na rin sana ako nang marinig namin ang bungisngis ng pinakamatanda kong kapatid na si kuya Khalid. Nandoon sila ng barkada nila nina kuya Keeva at kuya Keison sa may bilihan ng puto bumbong, kasama ang magkakapatid na Lindstrom.
Nakaakbay pa ang kapatid ko kay Francia Lindstrom habang buhat naman ni kuya Keison ang bag ni Germania Lindstrom. Kuya Keeva, on the other hand, was buying some food with Britania Lindstrom.
Huwag nilang sabihing porke't sila ay nasa kolehiyo na ay pwede na nilang gawin 'yong hindi pa raw pwede sa amin? I smirked. As if I'm still a virgin?
Nabaling ulit kina kuya Krishnan ang tingin ko nang lumapit sina Serene at Kambria para magsumbong. May kinikindatan daw ako kanina, tapos si Kahel ay may kinuhanan ng IG account. Well, we were bored, alright? What do they want us to do? Clap during prayers?
"Sila na lang nga ang sitahin n'yo. Sila 'tong nagsimba para makipag-date," napipikon kong sabi bago ko hinatak si Kahel para pumunta sa bilihan ng balut.
"Akala ko ba isasama mo si Gwendel?" usyoso ni Kahel habang nagbubudbod ng asin sa balut na hawak.
"Nah." Hinigop ko ang sabaw. "Break na kami."
Kahel smirked. "One week mo lang naging girlfriend 'yon."
"Clingy naman masyado. Ayoko ng gano'n. Kilala mo ko. Kapag patay na patay sa akin ay inaayawan ko kaagad."
Akmang sasagot na si Kahel nang may napansin. Napasunod din ako ng tingin, at nang makita ko ang pamilyar na babaeng nakasuot ng simpleng asul na blouse at pantalong maong ay bumuntonghininga ako.
"Hanggang dito ba naman, Ria?" naaasar kong tanong.
Chandria tucked her long curly hair behind her ear. "Gusto ko lang ibigay 'to."
Hinawakan niya ang kamay ko saka pilit inilagay ro'n ang kahon ng pagkain. Whatever that is, I don't really care. Sa basurahan din naman ang diretso nito mamaya.
"Ako gumawa niyan, Khol. Sana magustuhan mo." She flashed her innocent smile then waved. "Ba-bye!"
I sighed when I saw her run towards her friends. Humagikgik pa nga!
Naiiling ko na lamang ang ulo ko. Seriously, when will that girl stop? Grade seven pa lang ay kinukulit na ko kaya nakakairita.
"Ba't 'di mo na lang patulan tapos hiwalayan mo na lang pagkatapos ng ilang araw? Sa rami ng nanliligaw sayo, 'yan naman ang consistent," nagpipigil ng tawang suhestyon ni Kahel.
Nayayamot kong binalingan si Kahel. "Gago ka ba? Hindi ko pa nga syota bumabagsak na ang grades dahil ako lang ang iniisip tuwing nagkaklase. Palagi ring nagpupuyat dahil chat nang chat sa'kin kahit hindi ko nire-reply-an. Eh kung hindi na mag-aral kung paasahin ko?"
Natawa siya nang mahina. "Kasalanan mo naman pala kaya madalas nasa faculty. Akala ko dahil lang palaging walang pambili ng project."
"Paanong walang pambili ng project eh may pinambibili ng kung anu-anong gustong ibigay sa'kin?" Umiling-iling ako, napipikon na naman. "Katwiran lang niya 'yon. Pinatawag na ko ng adviser niya dahil puro pangalan ko ang nakasulat sa likod ng notebooks. I don't like girls who are obsessed with me."
He scoffed. "Ayaw mo lang ata dahil mahirap."
"Hindi rin. Wala lang talagang dating ang babaeng 'yon."
"Well, she's kind'a cute. Muse nga raw ng last section 'yon."
Muntik akong matawa. "Muse? Hindi marunong manamit, medyo malaman, saka may kahinaan ang utak. Paano naging muse?" I licked my lower lip. "I have my own standards and she will never reach it. Kung mababa ang standards ng section niya, wala na akong magagawa ro'n."
Ngumisi si Kahel. "Eh 'di hindi mo pala magugustuhan 'yon? Eh, kung pumayat at inayos ang pag-aaral? Gugustuhin mo na?"
I shook my head and dumped the box Ria gave me, straight to the trash bag near us. "Like I said, ayoko ng patay na patay sa'kin. Wala man lang thrill. Bumibigay kaagad kung gano'n."
"And how sure are you that you will never like her?"
"A hundred and one percent, man. A hundred and one percent sure," I answered confidently.
Lumawak ang kurba sa mga labi niya. "Kung maging kayo, akin na lang isang anak ng Belgian Malinois mo?"
I smirked. "Deal. Gago, ako pa talaga hinamon mo."
Nilingon ko ang gawi nina Ria. Nang makita ko siyang sumasalo ng popcorn gamit ang bibig ay napailing na lamang ako. Ang sakit sa tainga ng tawa! Wala bang ka-poise-poise sa katawan 'to?
I sighed. "Go buy your own dog, Kahel. You will never have Tutu's puppy. Dahil hinding-hindi ko magugustuhan ang babaeng 'yan."
Ngumisi ang magaling kong pinsan. "We'll see." He looked at Ria's direction. "We'll see."
BINABASA MO ANG
DUCANI LEGACY SERIES 9: Khol (Exclusive In The VIP Group)
RomanceKhol Ducani is the black sheep of the family. A walking red flag as most people say. Sadly, Chandria is one of those girls who fails to see how big of an asshole he really is. She did everything to win him, but right when Khol is ready to follow his...