Kabanata 4

4.7K 54 11
                                    

Kabanata 4

Chandria

Nahimas ko ang tiyan ko habang nagkaklase. Huling subject na ito bago ang lunch break pero hindi ko alam kung ikatutuwa ko iyon o lalong sasama ang loob ko.

May oras na nga para mag-lunch pero wala naman akong pangkain. Kung hindi ako nakahingi ng kaning lamig kanina at kaunting toyo sa kapitbahay namin, baka unang subject pa lang ay nahilo na ako sa gutom dahil higit isang araw akong ikinulong ni Mama sa banyo tapos noong umalis ng Linggo pagkatapos akong palabasin para ipaglaba siya ng mga damit, hindi naman ako iniwanan ng pambili ng pagkain kahit isang pirasong itlog man lang. Ayaw na ring magpautang ng tindahan sa amin kasi sinusugod ni Mama dahil pinapautang daw ako.

Nadama ko ang mahinang pagsiko sa akin ni Gerona. Nang lingunin ko ay pasimple niyang nginuso si Sir Perez na matalim na naman ang tingin sa akin.

"Umayos ka ng upo mo. Baka mabato ka ng chalk," bulong ni Rona.

I sighed. Nang marinig niya ang pagkalam ng tiyan ko ay may dumaang awa sa kanyang mga mata. Hiyang-hiya naman akong ngumiti at nagsalita nang mahina nang may umistorbo sa pagkaklase ni Sir Perez.

"Medyo ina-acid ako. Nasobrahan ako ng kape," I lied but she didn't seem to buy my alibi.

Bumuntonghininga siya. Maya-maya ay kumuha ng dalawandaang piso sa wallet niya at pilit isiniksik sa bulsa ng palda ko.

"Rona, ano bang ginagawa mo—"

"Pinuntahan kita sa inyo kahapon dahil nag-aalala ako pero sabi ng Mama mo pinarurusahan ka raw." Her eyes flickered with pity. "Hindi ka na naman ba niya pinakain bilang parusa?"

Umiwas ako ng tingin dala ng labis na hiya. Minsan kapag sobrang sama ng loob ko ay nagkukwento ako sa kanya ng ilang bagay gaya ng hindi ako binibigyan ni Mama ng sapat na pagkain nang pumayat daw ako. She said rich men will never want a fat girl. I'm not fat? Yes, I have a few extra fats, but these stored fats help me survive whenever she's not letting me eat.

Isa pa, kaya naman ako malakas kumain kasi . . . hindi ko alam kung kailan ang susunod.

Madalas umaalis si Mama para samahan ang mga customer niya. She gets to eat at a fine restaurant while I have to keep reheating the leftovers so it won't spoil until she gets home.

I forced a smile. "Pinakain naman," I lied. "Ano lang, kaunti lang nakain ko kanina kasi mali-late na ako, eh. Maglalakad kasi ako kaya hindi ko na naubos at natakot akong mahuli."

She sighed. "Hindi ako naniniwala, Ria. Mamaya, ibili mo 'yan ng pagkain mo, ah? Sasabay ka sa'kin mag-lunch. Ikaw ang bibili para hindi ka nahihiya na nakikita ng ibang ako ang nagbabayad."

Umiling ako. "Hindi na, Rona may natira pa naman akong pagkain—"

"Hindi na kita kakausapin kung hindi kita makikitang mabubusog mamaya."

She tried to show a threatening look but we just ended up bursting into laughter. Nahagisan tuloy kami ni Sir Perez ng chalk at nakatikim ng katakut-takot na sermon.

Nang matapos ang klase ay umangkla si Gerona sa aking braso habang naglalakad kami patungo sa cafeteria ng school. Sakto namang palabas din sina Khol ng classroom. Nang makita ako ay kaagad umigting ang panga at umirap sa akin na para bang ako ang source ng lahat ng pwedeng ikasama ng loob niya.

I smirked. Aga naman magsungit nitong future husband ko!

I almost giggled with my own delusional thoughts. Kung hindi ko lang narinig ang pang-aasar ng babaeng kaklase ni Khol ay baka nag-hi pa ako sa kanya kahit nagsusungit siya.

"Uy, nandito na naman pala 'yong self-proclaimed girlfriend mo, Khol eh!"

Nagsipagtawanan ang mga kaklase ni Khol. He didn't seem pleased with the joke. Sinamaan niya ng tingin ang kaklase niyang kung hindi ako nagkakamali ay Lolita ang pangalan. Tila napahiya naman si Lolita kaya niyaya na lang ang mga kaibigan na pumunta ng cafeteria.

Rona being an emphatic friend, immediately squeezed my arm gently. "Huwag mo nang pansinin 'yon. Sabi ng Mommy ko naging star section lang naman 'yon kasi kaibigan ng daddy niya ang isa sa board members sa school. Sus! Mas maganda ka kaya doon?"

Pilit akong ngumiti habang pinagmamasdan ang iritasyon sa mukha ni Rona. "Ikaw talaga, Rona."

She smiled. "Tara na baka maubusan tayo ng specialty sa booth seven. Sayang 'yong Teriyaki."

Tumango na lamang ako at sumabay nang muli sa paglalakad niya. Nang makarating ng cafeteria ay nahihiya kong inilabas ang perang inilagay kanina ni Rona sa aking bulsa. I tried to order several types of meals that would fit with my budget. Na-maximize ko namang maigi ngunit nang makapwesto malapit sa mesa nina Khol ay nagpasaring na naman si Lolita.

"Oink oink!" They all laughed except Khol and his cousin Kahel.

Maya-maya ay inakbayan noong isang kaklase nilang lalake si Khol saka ito nakangising nagsalita. "Pre, sabihin mo naman 'yang stalker mo na mag-diet. Hindi 'yong nagfi-feeling magustuhan ng Ducani pero para namang construction worker kung kumain."

I lowered my head when I saw disgust across Khol's face. Ewan ko ba. Siguro dala ng gutom ko ay naisip ko kaagad na nandidiri siya sa akin. Baka iniisip niyang tama ang sinabi ng kaklase niya. Na nag-iilusyon akong magugustuhan ng isang Ducani pero ganito naman ako.

Humugot ako ng hininga't pilit na lang silang inignora. I tried to eat my food slowly while they continued to tease Khol. Nang napikon siya ay inis na tumayo.

"Hindi kayo titigil? Nananahimik ako, ba't pati ako aasarasin n'yo?" inis niyang tanong sa mga kausap bago pikon na pikong humarap sa akin. "And you? When will you stop embarrassing me, hmm? Dito ka pa talaga umupo? Kailan mo ba ko titigilan?"

Parang tinadyakan ang dibdib ko lalo na nang makita ko ang galit at matinding pagkadismaya sa kanyang mukha matapos pasadahan ng tingin ang tray ko. Nang tuluyan siyang umalis ng cafeteria kasama si Kahel ay hindi ko na napigilan pa ang pamumuo ng aking mga luha.

I told Gerona that I'll just eat my food somewhere else. Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang binuhat din niya ang tray niya ako payak na nginitian.

"Saan tayo kakain?" she asked.

My lower lip trembled and I had to sniff just so my tears wouldn't fall. "S-Sa . . . Math Garden na lang?"

Geronan nodded. She put her tray down for a moment and wiped my tears with the back of her hand. "Huwag ka nang umiyak. Baka lalo ka nilang asarin kung iiyak ka. Mamaya na lang, ha kapag tayo na lang?"

Muntik na akong humikbi. I nodded and smiled at her before we left the cafeteria. Nang makita ko si Khol na kinakausap ni Kahel sa labas ng cafeteria ay ako na ang kusang umiwas ng tingin. We walked past them but Khol suddenly called my name.

"Ria."

I paused and looked at his darkened obsidian eyes. "B-Bakit?"

"I hope this will be the last time that you'll put me in a bad situation. Kapag naulit pa, lilipat na ko ng school dahil sa inis ko sa'yo—"

"H-Hindi na kita guguluhin." I forced a smile. "Pramis, hindi na kita ipapahiya ulit. P-Pasensya na rin kung . . . gutom na gutom ako kaya marami akong pagkain na binili." My tears fell no matter how hard I tried to hold it. "Gusto ko lang magkalaman ang tiyan ko kasi hindi gaya ninyong may daratnang pagkain sa bahay, ako . . . wala."

Lumambot ang kanyang ekspresyon na tila nakunsensya ngunit imbes na hintayin pa ang sasabihin niya ay niyaya ko na si Rona na maglakad.

Nang marating namin ang dulo ng hallway ay pasimple kong sinulyapan si Khol. Nahuli ko siyang nakasunod ng tingin habang malamlam ang mga mata ngunit nang tingnan ko ay umiwas ng tingin bago niyaya ang pinsan niyang umalis na sa kanilang pwesto.

I sighed. Looks like I'm admiring the wrong Ducani after all . . .

DUCANI LEGACY SERIES 9: Khol (Exclusive In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon