Kabanata 1
Chandria
"Sylano, bagsak ka na naman!" Nanggagalaiti akong tinitigan ni Sir Perez. "Ikaw talaga ang pinakabobong estudyanteng nahawakan ko!"
I pursed my lips and lowered my head. No, I'm not dumb? I memorized the periodic table when I was eight, learned to identify the constellations when I was eleven, and became fluent with sign language at thirteen. I am far from being dumb, but if people will find out the level of my IQ, my mom will . . . surely hate me.
My father was a genius. Mad, perhaps, and that's why he ended up unaliving himself. Sa sobrang talino'y hindi matanggap na hindi siya nagtagumpay sa buhay. He chose death after losing his career, leaving my mom with a huge debt and a baby to take care of--me.
Para kay Mama, ang katalinuhan ay katumbas ng kabaliwan. Na kapag masyado kang matalino ay labis ka ring kritikal sa iyong sarili at sa iba.
Ayaw niyang magmana ako kay Papa, at kung malalaman niya ang kakayahan ko ay siguradong makatitikim ako ng pananakit. She will pull me by my hair and lock me inside the cabinet, just like what she did when my kindergarten teacher happily told her I am the smartest kid in class.
I will never forget that day. It made me realize that intelligence is nothing but a curse. Kung tutuusin ay totoo naman. Iyong matatalinong kilala ko? Madalas silang lapitan ng mga pekeng kaibigan para lamang mangopya. Kapag ang alam ng lahat ay bobo ka, hindi sila basta lamang makikipagkaibigan para lang may mapala sa iyo.
"Pasensya na po, Sir." Bobo ka rin naman kasing magturo. Mali kaya ang equation mo sa item number seven ng page two section B ng test? I murmured in my head.
Bumirang muli ang bibig ni Sir Perez. Nasanay na lamang din ako kaya hindi na ako nasasaktan. Nang dumaan nga ang magpipinsang Ducani sa harap ng classroom namin ay inuna ko pa silang tingnan kahit halos bumakat na ang mga litid ni Sir Perez sa kanyang leeg dahil sa galit sa akin.
I saw Khol walking with his cousins Kahel and Serene. May pinag-uusapan ang tatlo at mukhang hindi iyon nagugustuhan ni Khol dahil salubong na naman ang makapal niyang mga kilay. Pansin ko rin ang iritasyon sa kanyang masungit na mga mata. Maging ang mga labing natural na manipis at mamula-mula ay mariing nakalapat sa isa't isa na tila ba pinipigilan niya nang husto ang pagbuka ng kanyang bibig.
I couldn't help but heave a sigh. Ang gwapo talaga. Nakakainis!
His obsidian eyes accidentally met mine. Kaagad akong ngumiti at pasimpleng kumaway ngunit napapitlag din nang lumipad ang chalk patungo sa akin. Tinamaan ang aking noo kaya nagtawanan ang buong klase. Nang balingan ko si Sir Perez ay halos pumutok na sa galit.
"Uunahin mo pang lumandi?!" Naningkit ang mga mata niya sa akin. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa'yo!"
Nahihiya na lamang akong yumuko. Mabuti na lamang at tumunog na ang bell kaya walang choice si Sir Perez kung hindi ang iwanan na ang klase namin. Kaagad namang lumapit sa akin si Gerona, ang best friend ko.
"Sabi ko kasi sa'yo kumopya ka na lang sa'kin, eh!" bungad niya.
Dinampot ko ang bag ko saka ako tumayo. Kaya nga ayaw kong kumopya sa kanya, eh. Mataas lang naman siya ng five points sa akin. If I didn't mess up my scores, she will surely be the one getting yelled at earlier. Iyakin pa naman ang isang 'to.
"Ayos lang. Sanay naman ako," sagot ko.
"Kaso baka mamaya niyan hindi na bayaran ng tita mo ang tuition mo rito. Ang mahal-mahal pa naman," aniya na ang tinutukoy ay ang tiyahin kong nasa abroad at nakapangasawa ng amerikano'ng hindi na halos makatayo.
I faked a smile. "Hindi 'yan." Umangkla ako sa kanyang braso. "Tara. Silip lang ako sa room ni Khol."
"Sayang, ano? Hindi na natin sila kasabay mag-recess?" kumento niya.
I jerked my head. "Kaya nga. Eh 'di sana kahit wala akong pang-recess ay busog ang mga mata ko," biro ko.
Though a part of it was true. Wala naman talaga akong baon dahil ipinangsusugal ni Mama palagi 'yong allowance ko na ipinadadala ni tita Fina. Palibhasa kasi ay kung hindi lang si tita Fina ang may gustong mag-aral ako rito, hindi naman ako tutustusan ni Mama.
Naglakad kami ni Rona sa pasilyo. Naabutan naman namin sa labas ng classroom ang magpinsang Kahel at Khol na parehong nasa star section. Hindi rin kami kaagad napansin kaya ilan sa kanilang usapan ay narinig ko.
"Ba't kasi ayaw ni kuya Kaius do'n sa nirereto sa kanya? Para namang hindi kayo magkapatid at magkaiba taste n'yo," tanong ni Kahel kay Khol.
Khol buried his palms in his slacks. "No, because he yearns for someone soft while I crave for someone whom I can go through battles with. Doon ako sa palaban, parang ate Francia lang."
Palaban, ha? Palaban din kaya ako? Ayaw ko lang na magmukhang basagulera, ano!
Napasulyap sa direksyon namin si Kahel. Maya-maya ay sinenyasan niya si Khol na lumingon.
I immediately smiled and greeted him despite him getting irritated as soon as he spotted me.
"Hi, Khol! Kumusta ang Christmas at New Year n'yo—"
"Pasok na ko, Kahel. Nandiyan na panira ng araw ko," aniya sa pinsan na tila sinadyang iparinig sa akin.
"Bro, come on. Don't be too harsh," suway ni Kahel.
I inhaled deeply then forced another smile. "Hayaan mo na, Kahel. Sabi nga nila, the more you hate the more you love. Sus! Magugustuhan din ako ni Khol!" I said confidently.
Umismid si Khol, tila naiinis dahil sa sinabi ko. "Gising-gising din," he murmured before he walked away, probably to go to the men's room. Ipinasak din sa magkabilang tainga ang mamahaling airpods kaya halatang hindi na naririnig ang paligid.
"Rona, mauna ka na sa canteen. Susunod ako," bilin ko bago sumunod kay Khol.
Sinuway pa ako ni Rona ngunit hindi na ako nakinig. Maingat na lamang akong bumuntot kay Khol hanggang sa men's room, at nang makapasok siya ay doon ko kinalabit.
Pagkaharap na pagkaharap niya ay tumingkayad ako't nagnakaw ng mabilis na halik sa kanyang mga labi. Khol was too shocked to even respond but I still ran, giggling. Ngunit kung siniswerte ka nga naman, imbes na sa pinto ang maging diretso ko ay sumalpok ako sa pader. My forehead hit the wall really hard, making me groan in pain as I stepped back.
Kamuntikan na akong matumba dala ng labis na pagkahilo kung hindi lamang ako nasalo ni Khol, at nang tuluyan niya akong nabuhat ay galit na galit akong sininghalan.
"Tang-ina, harot pa!"
Pasimple na lang akong sumiksik sa kanyang dibdib habang buhat niya ako patungo ng clinic, inaamoy ang mabango niyang deodorant at panlalakeng pabango.
"Nakaw-nakaw pa ng halik, 'yan! Tang-ina humalik ka rin sa pader," asik niya bago inayos ang pagkakabuhat sa akin. "Magpagaan ka nga! Ang bigat mo!"
I tried to look at him. "Hindi ko na kayang magpagaan. Inii-big kita, eh."
Nayayamot niya akong tinitigan kasabay ng paghinto niya sa paglalakad. The next thing I knew, I am already sitting on the floor while he's walking away pissed.
"Huy! Huy, Khol nahihilo pa ako!"
"Pumunta ka ng clinic mag-isa mo. Pikon na pikon na ko sa'yo."
I grinned. "Patulan mo na kasi ako!"
Khol lifted his hand and showed his middle finger. Sakto namang lumiko sa sumunod na pasilyo si Sir Perez at naabutan siyang pinakikitaan ako ng gitnang daliri.
Sir Perez' eyes narrowed as he looked at me and Khol.
"Ducani, Sylvano, go to the guidance office. Now!"
BINABASA MO ANG
DUCANI LEGACY SERIES 9: Khol (Exclusive In The VIP Group)
RomanceKhol Ducani is the black sheep of the family. A walking red flag as most people say. Sadly, Chandria is one of those girls who fails to see how big of an asshole he really is. She did everything to win him, but right when Khol is ready to follow his...