Kabanata 2

4.1K 46 0
                                    

Kabanata 2

Chandria

Bakas sa mukha ng mag-asawang Ducani ang pagkadismaya nang malaman ang dahilan kung bakit sila ipinatawag. Khol was slouching on his seat with his arms crossed. Hindi ako tinatapunan ng tingin ngunit kitang-kita ang panlilisik ng mga mata na tila puno ng galit.

I can't blame him. Respetado nang sobra ang pamilya nila sa SJ. Parang ngayon lamang may naipatawag na Ducani dahil sa pagpipinsan.

I watched how Mrs. Basha Ducani gently squeezed Khol's hand while she's looking at the guidance counselor with an embarrassed smile.

"We truly apologize for our son's behavior. Hindi naman salbaheng bata si Khol, especially not towards women. He's very protective of his girl cousins kaya nagulat kami na ipinatawag kami ngayon dahil napaaway siya sa babae. Akala ko tatay niya lang ang nakikipag-away sa babae. That's how we ended up with each other anyway. Inaaway niya ako noon," ani Mrs. Ducani na tila sinusubukang pagaanin ang atmosphere sa loob ng guidance office.

Khol sighed. "Mom, sinabi ko na. I wasn't fighting with her. Siya 'tong dapat patawan na ng restraining order sa tindi ng pangungulit sa'kin!"

"Enough listening to your kuya Kaius and kuya Khalid when they're discussing law." His father, Kreige Ducani sighed. "I just want at least one family member who will not make my brain bleed every dinner."

I pursed my lips and tried not to smile when I saw how frustrated Khol's father looked. Nang tingnan ako ni Mrs. Ducani ay payak akong nginitian.

"Hija, anong oras daw darating ang magulang mo para makausap sana namin?" she asked with a motherly tone that almost made my chest hurt.

I wish my Mom would speak to me that way, too. Hindi iyong parang ako palagi ang source ng lahat ng problema niya kaya nakataas ang boses sa tuwing nag-uusap kami.

Nahihiya akong ngumiti pabalik. "H-Hindi ko po a-alam. Baka . . . tulog po kasi ang Mama ko ngayon dahil gabi po ang . . . trabaho niya."

Tumikhim ang guidance counselor. "Chandria, sa call center ba nagtatrabaho ang nanay mo?"

Umiling ako. "Sa . . . club po. Dancer. Minsan . . . sumasama rin sa customer kaya hindi ko po alam kung saang hotel siya ngayon. P-Pasensya na po baka wala pong dumating para sa akin."

I expected the Ducanis to get disgusted with my mother's job, ngunit kumirot lang ang dibdib ko nang mapansin ko ang dumaang awa sa kanilang mga mata.

Napatitig ako sa kamay ni Mrs. Ducani na marahang pumiga sa aking braso. "It's okay, hija. I'm sure you and Khol didn't mean to fight anyway. Kilala ko rin naman ang anak ko." Sandali siyang sumulyap sa guidance counselor bag nagpatuloy, "kung hindi mo alam kung saan nag-s-stay ang nanay mo, sino ang kasama mo sa bahay?"

Shit, I can sense where this is heading. Kilala ko si Mrs. Ducani. She's a fancy lawyer who will surely help take me away from my Mom if she finds out I wasn't taken good care of.

Hindi ko pwedeng iwanan ang nanay ko kahit gano'n siya. She's just broken and grieving. Siguro kapag hindi na siya nagluluksa at wala nang utang na babayaran ay aayos na ang ugali niya.

Lumunok ako sandali. "Kasama ko naman po ang tita ko pero . . . hindi rin po kasi available ngayon si tita kasi may work po siya," I lied.

Her forehead slightly wrinkled as if she could smell my lie. Umiwas na lang din ako ng tingin at bumaling sa guidance counselor.

"Pasensya na po talaga, Sir. Kasalanan ko po. Hindi na po mauulit. Pwede na po ba akong bumalik sa klase ko? May mga hahabulin pa po kasi ako sa Science subject dahil mababa po ang test ko," pagsisinungaling ko.

Bumuntonghininga ang guidance counselor bago tumango. "Sige na, mauna ka nang bumalik sa klase mo. Hindi na sana ito maulit, Chandria."

"Opo," sagot ko na lang bago nahihiyang nagpaalam sa mag-asawa.

Inirapan naman ako ni Khol kaya nakayuko akong lumabas, ngunit bago sumara ang pinto ay nakita ko pa kung papaanong hinaplos ni Mrs. Ducani ang likod ng ulo ni Khol.

I watched them through the glass part of the door. Lalong sumikip ang dibdib ko nang makita kong tumayo si Mr. Ducani sa likod ng upuan ni Khol. He rested his palms on his son's shoulders as if giving him support or easing his anger.

My lips pursed as I felt my eyes getting hot. I want that kind of family, too. Iyong bibigyan ako ng suporta kapag kailangan ko sila. Bakit kasi hindi na lang lahat ng anak binibiyayaan ng gano'n? May nagawa ba ako para hindi ko maramdaman ang ganoong klase ng pagmamahal mula sa magulang?

I sniffed as I fought my tears back. Bumalik na lang ako sa klase ko nang masama ang loob. Nang matapos ang klase namin ay naglakad lamang ako pauwi kaya hapung-hapo ako nang marating ang bahay namin, ngunit imbes na makapagpahinga kaagad, sinalubong ako ng sapok mula sa nanay kong lasing.

"Tumawag ang guidance counselor sa akin! Anong katarantaduhan ang ginawa mo sa anak ng mga Ducani?! Alam mo nang mayamang pamilya 'yon, binangga mo pa?! Paano kung pinagbayad tayo?! Ang laki na nga ng iniwan ng lintik mong ama na utang, dadagdag ka pa sa problema ko?!" nanlilisik ang mga matang tanong ni Mama sa akin habang hawak ang buhok ko.

Napangiwi ako sa higpit ng pagkakasabunot niya sa akin. "Mama, n-nasasaktan ako--ah!"

I groaned when she pulled me towards the bathroom. Maya-maya ay idinukdok niya ang aking ulo sa baldeng puno ng tubig. I struggled to lift my head so I could breathe, at nang pakawalan ako ni Mama ay halos umuubo na ako't habol ang hininga.

Umiiyak akong sumiksik sa sulok ng banyo, niyayakap ang sarili habang nagmamakaawang tama na.

"Dapat lang! Ikaw lang naman ang ambisyosang gustong pumasok sa lintik na eskwelahang 'yan tapos ulo ko ang sasakit dahil sayo?! Letse!"

I flinched when she almost hit me with a pitcher. Lalo akong napaiyak, awang-awa sa sarili at nanginginig sa takot. Nang iwanan niya ako sa banyo at narinig kong ikinandado niya ang pinto ay mas niyakap ko na lamang ang aking sarili.

I kept reminding myself that once all of our problems are over, my mom will finally show me love. Na hindi na magiging masama ang ugali niya dahil sa stress kapag maayos na ang sitwasyon namin.

Humikbi ako. Alam kong hindi niya bubuksan ang pinto hanggang bukas nang magtanda ako. Hindi na nga ako nakakain sa eskwelahan kanina, mukhang magugutom pa ako hanggang bukas.

I shut my eyes and let my tears flow while I try to zoom out from my painful reality, and as I let my imagination ease my pain, all I could do is wish that someone up above will heal my mother's heart.

Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan saka ako basag na ngumiti.

"Mahal na mahal kita, Mama . . . kahit ang hirap-hirap maging anak mo . . ."

DUCANI LEGACY SERIES 9: Khol (Exclusive In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon