Kabanata 10
Chandria
Eksaherada na kung eksaherada pero halos malula yata ako sa laki ng bahay nina Khol na nasa loob mismo ng subdivision na pag-aari ng tiyahin niyang si Khalila Ducani-Herrera.
I see her at school whenever there's a school program. Her husband also once conducted an exhibit in SJ during our foundation day. While Khalila Ducani-Herrera is a perfect example of a woman who has a dominant dark feminine energy, her husband seems . . . poetic.
He thinks and acts like he bleeds art in everything he does, but when he's around his wife, his masculine side kicks in and all he wants to do is serve her, attend to her needs. Shower her with his attention like nothing else matters to him but his wife and their sons.
They look so fine together, like a Yin and Yang in mortal flesh.
"You can sit on the couch. I'll just go change. Mom and Dad are probably at the grocery store buying everything they need," ani Khol nang makapasok na kami sa malaki nilang bahay na may dalawang palapag at napakalawak na bakuran.
Itinuon ko ang aking tingin sa kanya. "Tatayo na lang ako. Puti 'yong couch ninyo saka halatang mamahalin. Baka . . . marumihan ko, eh."
He sighed. Maya-maya ay hinawakan niya ako sa kamay at hinatak patungo sa couch upang sapilitang paupuin. "There. End of discussion."
Sumimangot na lamang ako nang tumalikod na siya't naglakad patungo ng hagdan. Nang makaakyat siya sa pangalawang palapag ay pinasadahan ko na lamang ng tingin ang paligid hanggang sa dumapo ang atensyon ko sa pinakamalaking larawang nakasabit sa pader.
I stared at the large portrait of Khol's family. May napansin ako roon lalo na sa portrait ng buong Ducani clan. Khol's grandparents are sitting at a royal chair, their bodies are angled slightly towards each other. Their kids and the spouses are standing behind them while their grandkids are on their sides and are sitting on the floor.
Hindi mahirap mapansin na ang lahat ng lalakeng may asawa na sa pamilya nila ay nakatitig sa kanilang mga asawa imbes na sa camera, at sa kanilang mga mata, malinaw na nakaukit ang walang hanggang pag-ibig.
Maybe that's the common thing in every Ducani couple. The guys in their family seem so head over heels with their wives that no matter how tough they portray themselves in public's eye, they always have a soft spot for the people they love.
Lumapit ang katulong nina Khol dala ang tray ng juice at slice blueberry cheesecake. Bigla akong tinamaan ng hiya lalo nang makumpirma kong para sa akin ang miryendang dala niya.
"Kumain ka muna, hija. Maya-maya pa bababa iyong alaga ko at siguradong maliligo pa 'yon," aniya.
Nahihiya akong umiling. "Hindi na po. Nakakahiya na po. Makikikain na nga po ako ng hapunan, eh."
Napangiti siya. "Sige na. Masamang tumanggi sa grasya," aniya bago ako iniwanan sa living room.
I had no choice but to eat it. Nang bumaba si Khol ay halos katatapos ko lamang ubusin iyong cheesecake kaya halos hindi ko siya matingnan nang maupo siya sa aking tabi habang buhat niya ang itim na tuta.
"My pup is kind'a sick. Ano na naman kayang ginawa ni kuya Khalid dito?" he murmured while looking at the puppy with a worried face.
Bahagya kong inianggulo ang katawan ko paharap sa kanya saka ko maingat na hinaplos ang ulo ng tuta. Surprisingly, the puppy started licking my hand. It even tried to move so it can sit on my lap instead.
Napahagikgik ako nang wala nang nagawa si Khol matapos tuluyang lumipat sa kandungan ko ang tuta. "Magkano 'tong ganitong aso? Mahal?"
Khol blinked as he looked at me as if I bewitched him. "H-Hindi pa tayo pero . . . sige pala, mahal."
Kumunot ang aking noo. "Huh?" Natawa ako. "Sabi ko, Khol mahal ba ang bili ninyo? Akala mo ba ay 'yong kasunod ng aso ay comma at hindi tandang-pananong?"
Uminit ang kanyang magkabilang pisngi kasabay ng pag-iwas ng tingin at pagtuwid ng upo. "H-Hindi, ah? S-Sabi ko hindi pa tayo para sagutin ko 'yong tanong mo pero sige pala. M-Mahal kako ang . . . ang bili." Tumikhim siya habang hindi pa rin makatingin nang diretso sa akin. "Dad bought its Mom for me in the US for $7,000."
Nagpigil na lamang ako ng ngisi at binuhat ang tuta na parang baby'ng hinihele. "Ang mahal naman ng lahi mo! Dapat sa'yo alagaan nang maayos lalo anak ka pala ng mamahaling dog!"
Tumikhim siyang muli. "B-Bakit? Mahal lang ba o mayaman ang . . . ang dapat alagaan?"
"Hindi naman," sagot ko habang dinidilaan ng tuta ang aking kamay. "Pero iba pa rin kasi ang treatment kapag mahal, eh. Kapag mahal, mas iniingatan. Mas binabantayan at inaalagaan."
Umismid siya na tila iba ang naisip sa sinabi ko. "Tama naman. Gano'n naman daw talaga kapag mahal."
Kumunot ang aking noo. "Aso pa ba ang pinag-uusapan natin?"
His adam's apple bobbed up and down. "Oo naman." Tumikhim siya. "Tara. Papakita ko sa'yo ibang aso ko."
Tumayo ako at sumama sa kanya kung nasaan ang ibang aso. He then introduced each puppy to me. Pati na iyong American Bully niyang aso na si Nimbus.
"That big one is the $7,000 momma named Dobey. Those other two pups are Sour and Lemon." He pointed the dog I'm carrying. "That dramatic pup is Plum."
Ngumuso ako. "Grabe ka naman kay Plum? Bakit naman dramatic?"
"Kita mo naman? Kanina ang tamlay. Nahaplos mo lang biglang sumigla. Gusto lang yatang magpabuhat sa chics."
I laughed softly. "Mana sa amo, 'no? Mahilig sa chics?" I whispered jokingly.
Nayayamot akong tinitigan ni Khol. "Hey, I heard that."
"Totoo naman, eh. Paiba-iba ka ng girlfriend. May taga-SJ, may taga-ibang school. Basta ang dami-dami!"
He scoffed and lifted a brow in a cocky way. "Bakit? Selos ka?"
I pouted. "Noon lang. 'Di ba friends na lang tayo kasi sabi mo hindi mo naman ako magugustuhan sa paraang gusto kita?"
Napawi ang angas niya't umiwas ng tingin. "M-Malay mo naman. Change is the only constant thing in this world," he said in a low voice as if he didn't want me to hear what he just said. Kaso narinig ko pa rin naman kasi magkatabi naman kami at sobrang dikit niya kaya sa akin!
Ngumisi ako. "Ah, basta friends na lang tayo ngayon. Na-uncrush na kita at hindi ko na ibabalik kasi masungit ka kapag crush kita."
He took in a sharp breath. "Eh 'di i-uncrush mo lang? Palibhasa kasi muse ka sa klase ninyo. Siguro kaya ayaw mo kong lumipat sa section mo dahil nandoon ang mga lalake mo."
Umawang ang aking mga labi. "Ano? Siraulo 'to?" I laughed. Hindi makapaniwala sa narinig. "Huy, Khol baliw ka. Sa itsura kong 'to tingin mo naman may magkakagusto sa'kin?"
He inhaled deeply while looking up. Maya-maya ay tila naiinis siyang sumagot. "Meron naman."
I scoffed. "Sige nga? Sino?"
He moistened his lower lip then stared into my eyes in a serious way.
"Ako . . ."
BINABASA MO ANG
DUCANI LEGACY SERIES 9: Khol (Exclusive In The VIP Group)
RomanceKhol Ducani is the black sheep of the family. A walking red flag as most people say. Sadly, Chandria is one of those girls who fails to see how big of an asshole he really is. She did everything to win him, but right when Khol is ready to follow his...