Kabanata 8
Khol
"Khol, did you receive Khane's chat?" tanong ni Kahel sa akin.
I looked at him after I wore my PE shirt. "What chat?"
"May family dinner sa bahay nina tito Klinn. Looks like kuya Klaze is finally coming home."
Natigilan ako sa narinig. "Nakumbinsi na nina Tita Cassandra?"
Ngumisi siya. "Yeah. They're expecting everyone to be there. Hindi rin muna pumasok sina Khane and Bria at sa sobrang excited yata, nag-prep na sa bahay nila."
"Cool." I smirked. "Kuya Krishnan can finally take a break from being responsible for all of our stubbornness."
Natawa kaming pareho. Nang magtawag na ang kaklase namin para pumunta na ng gym ay sabay kaming lumabas ni Kahel ng locker room.
"Una ka na, bro. Hintayin namin si Serene," Kahel told our classmate, Pierce.
Nang makalayo si Pierce ay ngumisi si Kahel saka mahinang tinapik ang dibdib ko gamit ang likod ng palad niya. "Si Serene lang ba talaga hihintayin?"
"Gago, sino pa ba?" asik ko.
Mas naging makahulugan ang ngisi sa mga labi ni Kahel. "I don't know, man. You tell me."
I gave him a side eye but deep down inside, I'm getting a bit anxious. I know there are times that I'm catching myself staring at Ria quite longer than expected. Lalo na kapag nakangiti siya o tumatawa. I honestly don't know why. Kung noon ay naiirita ako, parang magmula nang unti-unti ko na siyang nakikilala ay nawawala na rin ang inis ko.
Sa awa siguro 'to? Pati 'yong mga gabing nahihirapan akong matulog dahil bigla ko siyang naiisip?
I sighed. "Si Serene ang hihintayin," I said firmly, trying to make him believe.
Kahel smirked. Maya-maya ay lumingon siya sa loob ng locker room ng mga babae. "Oh, nandito pa pala sina Ria."
I didn't know why I looked inside the locker room as soon as I heard her name. Bumungisngis naman ng tawa si Kahel na tila gusto lamang akong hulihin. Sa inis ko ay itinulak ko siya saka ako nauna nang naglakad patungo sa gym. Ang lintik na 'yon? Ano bang akala niya sa'kin? Hahayaan siyang makuha ang isa sa mga anak ng Belgian Malinois kong si Dobey?
Iritable akong pumasok ng gym. I went near where my classmates were doing their stretch. May volleyball activity ngayon ang parehong section kaya pati iyong klase nina Ria ay nasa gym din.
I started warming up while stealing glances at Ria's direction. Halatang ayaw niya ng PE dahil ilang minuto pa lang na nag-ja-jogging ay bakas na sa mukha ang inis.
I scoffed. Mukhang may kailangan akong yayain sa home gym namin tuwing walang pasok nang masanay mag-ehersisyo.
"I told you, Kahel. He's not courting me, damn it!" dinig kong asik ni Serene kay Kahel habang papalapit silang dalawa sa klase namin.
Kahel sighed. "Siguraduhin mo. Wala akong tiwala ro'n."
"Ano na namang pinagtatalunan ninyo?" I asked.
Serene rolled her eyes. "Pagsabihan mo 'yang kutong-lupang 'yan. Pinagbibintangan akong nililigawan ako ng pinsan ni Zak."
My jaw automatically clenched. "Are you?"
Naningkit ang mga mata niya sa akin. "Isa ka pa!"
Well, she can't blame us. Ilang beses ding tinanong sina Zak at ate Khallisa noon kung may namamagitan sa kanila pero puro wala ang sagot. Look what Zak did to ate Khallisa?
Pasalamat si Serene at nagsimula na ang PE class. Naunang naglaro ang ilang kaklase ko laban sa klase nina Ria, ngunit kahit maraming maganda mula sa klase namin, hindi ko alam kung bakit sa kanya nakatutok ang mga mata ko.
She looked afraid every time the ball would go near her. Napagagalitan tuloy ng PE teacher dahil tinatakbuhan niya ang bola imbes na salubungin. Naiirita tuloy ako sa teacher. Manong ipaliwanag nang maayos ang gagawin hindi 'yong bubulyawan si Ria? Pinagtatawanan tuloy ng mga kaklase ko kaya namumula na naman ang mga mata.
I sighed and tried to calm myself even when I'm already pissed. Napasulyap naman sa akin si Loli na naglalaro ngayon para sa klase namin. Nang siguro ay napansing kay Ria lamang nakatuon ang atensyon ko ay pinalapit niya ang mga kaklase namin sa kanya saka siya may sinabi. Napatuwid naman ako ng upo nang mapansin kong lahat sila ay tiningnan si Ria saka nakipag-apir kay Loli.
What the hell are these girls planning?
"Saan ka pupunta, Khol?" tanong ni Serene nang makitang tumayo ako.
"I'll just go a little closer. Parang may ibang trip 'tong sina Loli," I said.
Lumakad ako palapit sa side ng court na mas nakatapat sa koponan ng kabilang section. Nang napansin kong panay na ang bato ng bola ng mga kaklase ko sa direksyon ni Ria ay mas naging alerto ako.
I could sense that they're up to something and I'm waiting for the PE teacher to prevent it, ngunit uminit lang ang ulo ko nang makitang parang tuwang-tuwa pa siyang makitang muntik palaging matamaan ng bola si Ria.
My fists clenched. Halatang walang gagawin ang PE teacher namin kaya nang mag-spike si Loli at didiretso kay Ria ang bola, tumakbo ako papasok ng court at niyakap si Ria.
The ball hit my back. May kalakasan ang impact, at kung tinamaan no'n ang mukha ni Ria ay siguradong durugo ang ilong niya.
I heard some people gasped. Halatang nabigla sa biglaan kong pagpasok sa court at sa pagkakatama ng bola sa likod ko. Some even murmured as if they could feel something I cannot admit yet.
Tiningnan ko si Ria kahit na medyo iniinda ko ang sakit ng tama ng bola. Her eyes were widened as if she's so scared but surprised at the same time. Bahagya ring nakaawang ang mga labi habang nakatitig sa akin, at kung hindi ko siya yakap ay baka kanina pa nabuwal dahil sa pangangatog ng mga tuhod.
"Oh my God, Khol are you okay?" nag-aalalang tanong ni Loli.
Napalitan ng galit ang pag-aalala ko para kay Ria. I looked at Loli with clenched jaw and darkened eyes, not giving a fuck if I'd get suspended once I talk to her.
"Tang ina, ano bang trip mo sa buhay? No'ng una inaasar mo dahil maraming biniling pagkain. Kapag dumadaan sa harap ng classroom pinariringgan mo. Tangina mo, hindi ka ba titigil talaga?"
"Ducani! Watch your language--"
"You shut your mouth, Sir. How dare you shame your own student in front of the whole class?! Ano? Dahil mahirap? Dahil hindi kayang magregalo sa'yo ng kung anu-ano na nakukuha mo sa ibang estudyante mong hindi naman uma-attend ng klase mo?" Inis akong umismid. "Saka imposibleng hindi mo naman napansing pinupuntirya ng mga lintik na 'to si Ria, Sir? You were even smirking the entire time! Tangina, teacher ka na niyan?"
"Khol!" sita ni Ria, halatang natatakot para sa akin. She even held my arm while her eyes flickered with fear. "Please, tama na."
I inhaled a sharp breath. "Eh mga tarantado 'tong mga 'to, eh."
She swallowed. "O-Okay lang naman ako, eh. Naligtas mo naman ako, 'di ba? Baka isuspinde ka o . . . o i-expel."
Matalim kong tiningnan sina Loli pati ang PE teacher na hindi halos makakibo dahil hindi alam kung paano magre-react sa narinig mula sa akin.
"Then so be it." My jaw clenched before I held her hand. "Kapag na-expel ako, pati ikaw ililipat ko nang hindi ka nila saktan sa lintik na eskwelahang 'to." I looked her straight in the eye. "That's a goddamn promise . . ."
BINABASA MO ANG
DUCANI LEGACY SERIES 9: Khol (Exclusive In The VIP Group)
RomanceKhol Ducani is the black sheep of the family. A walking red flag as most people say. Sadly, Chandria is one of those girls who fails to see how big of an asshole he really is. She did everything to win him, but right when Khol is ready to follow his...