CHAPTER ONE

6.9K 90 1
                                    

                          Hello! 👋
           Gusto ko lang po sanang
       i-anunsyo ang pagkakaroon
      ng dagdag at bawas nitong story
      ko. Sa mga reader's ko diyan na
      nagreread (kung meron man)
      wag na po sana kayong magtaka
        sa pagbabago. Though, ganun
     parin naman ang takbo ng estorya
       may nadagdag at bawas lang
                       talaga. 🥰

"Nako, Aurelia. Mabuti naman at nakauwi kana. Bilisan mong pumunta sa inyo dahil may nangyayaring hindi maganda sa bahay ni'yo ngayon." Nataranta siya ng sabihin iyon ni Aling Mercedes sa kanya. Kabababa niya pa lamang sa trycicle at 'yun agad ang bumungad sa kanya. Hindi niya maiwasang kabahan at maisip ang nakababatang kapatid na nasa bahay.

"Ho? Bakit ho? ano ho bang nangyayari?" kinakabahan niyang tanong.

"Ang kapatid mong si Elle, pilit na pinapasakay sa van ng mga naka-unipormeng lalaki. " pagkasabi no'n ni Aling Mercedes ay malakas na kumabog ang kanyang dibdib. Agad siyang tumakbo patungo sa kanilang bahay.

Doon nadatnan niya ang kapatid na pilit na pinapasakay ng kanyang tiya Isabel sa kulay itim na van. Tinutulungan ito ng dalawang lalaking malalaki ang katawan. Ngunit mahigpit na kumapit ang kapatid sa gilid ng sasakyan upang hindi tuluyang maisakay.

“Sinabing sumama kana eh!” malakas na singhal ng kanyang tiyahin sa kanyang kapatid.

“Ayaw ko po tiya!” umiiyak na pagtanggi ni Elle sa tiyahin nilang galit na galit na.


"Elle!" Malakas ang boses niyang pagtawag rito na ikinalingon nila sa kanya. Nanikip ang kanyang dibdib matapos makita ang mata nitong puno ng luha. Mas lalo itong humagulgol ng iyak ng makita siya. Mabilis niyang tinulak ang dalawang lalaki pati na ang kanyang tiyahin at agad na niyakap ang kapatid.

Sinapo niya ang mukha nito at nag-aalala niya itong tiningnan. "Anong nangyari ha? " nag-aalala niyang tanong. Hindi ito sumagot at patuloy lang sa pag-iyak kaya naman nilingon niya ang kanyang tiyahin upang tanungin.

Magkasalubong ang kanyang kilay. "Tiya ano 'to? Anong ibig sabihin nito? Bakit 'niyo pilit na pinapasakay ang kapatid ko sa van na yan?" naguguluhan niyang tanong.

Pinamewangan siya nito at mariing humihithit sa hawak na sigarilyo. Binuga nito ang usok sa kanyang mukha dahilan kung bakit maubo siya ng malanghap ang usok.

"Anong ibig sabihin nito? Hindi ba halata? Ipambabayad ko 'yang palamunin mong kapatid kay Mr. Cheng. Para mabayaran ko na ang aking utang total wala namang kwenta iyan!" galit nitong singhal. Malakas siyang napasinghap sa gulat. Hindi makapaniwala niyang tiningnan ang tiyahin. Paano nito naatim ang ipagkalulo ang kapatid niya para sa utang nito?

Dumilim ang kanyang paningin at nag ngitngit ang kanyang ngipin dahil sa sinabi nito. Mahigpit na kumuyom ang kanyang kamao at tinaliman ng tingin ang tiyahin.


"Ano ho ang karapatan ninyo para gawin to sa kapatid ko? At ano? palamunin? Bakit hindi niyo tanongin ang sarili ni'yo kung sino sa inyong dalawa ang palamunin lang? Baka nakakalimutan mo tiya. Bahay mo nga ito pero ako ang bumubuhay sayo." galit niyang sagot at hindi naiwasang sumbatan ito.

Nag-ngitngit ang ngipin nito sa galit at pinanlilisikan siya ng mata bago tinapon sa kanya ang upos nitong sigarilyo na tumama sa kanyang balat. Napangiwi siya dahil sa init at sakit. Suminghap siya at tiningnan ang namumula niyang balat dahil sa paso.

"Pinagmamalaki mo pa talaga yang trabaho mo? Hah! Maliit nga lang ang sweldo mo diyan eh. At kung hindi dahil sa akin ay baka matagal na kayong patay! Wala kayong utang na loob na magkakapatid!" galit nitong sikmat.

 POSSESSION SERIES 1: HUNTER GRAYSON [Soon To Be Publish]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon